Hater 46: Icarus' Fall

3K 96 13
                                    

"Handa ka na bang paiyakan si Jessica Misteryo bukas?"  

Napatigil ako sa pwestong pinagtataguan ko. Lalo akong yumuko ng marinig ko yun. Nakita ko nalang ang sarili ko na nag aabang ng pakikinig sa mga susunod pang sasabihin ng nagsalita.

"Excited na ko. Nasabihan mo na ba sya?" tanong ng isang pamilyar na boses. Ngayon, pinipilit ko ang aking sarili na makarecover sa gulat na naramdaman ko kanina.

Lalo pa akong lumapit. Nakakalito ang mga dibisyon dito kaya pinanatili ko ang nakayuko kong pustura. Ng mapalingon ako sa aking kanan para maghanap ng mas magandang pwesto na aking pagtataguan, iba ang nakita ko. 

Isa sa mga dibisyon sa kwarto ay salamin. At sa salamin na yon ay ang reflection ng apat na lalaki.

Si Ian, Jack, Rico, ang mga kaibigan ni Asher. At sya. Lahat sila ay nakaupo sa tila ba maliit na stage. Parang nagpapahinga. Nagkekwentuhan.

Pero isang bagay ang matinding nagpagulat at nagpakunot noo sa akin. Sa pagkakaupo nilang apat, si Asher ang may pinaka kakaibang dating. 

Ang pagkakaupo nya ay parang sa isang siga. Nakatukod ang dalawa nyang kamay sa likod kaya medyo naka lean back sya. Puno ng kakaibang mga ngiti ang apat pero ang kay Asher ang pinaka kakaiba. 

Madalas ko ng nakikita ang mga ngisi nyang palabiro. Pero iba ang dating nito ngayon. Ito ay ngisi ng isang lalaking may masamang balak. Parang ng isang mamamatay tao. Parang ng isang demonyo.

Kahit ako, nanlamig ang aking katawan sa mga ngiti nyang iyon. 

Kinurap kurap ko pa ang mata ko para kumpirmahin kung nananaginip nga ba ako. Sana nga oo. Pero hindi eh. Eto ako ngayon. Patuloy na nanlalamig sa aura ng apat na lalaking nakikita ko.

Repleksyon lang nila ang kita ko pero dahil siguro sa anggulo, hindi nila ako nakikita.

"Hindi pa. Baka mamaya sabihan ko sya." sagot ni Asher doon sa nagtanong na hindi ko naman agad nakita kung sino.

"Ang galing mo talaga Ash. Sabi ko sayo, magiging madali lang yung kapalit ni Ian." pananalita ni Jack habang may kasama pang mahinang palakpak, tila pinapalakpakan si Ash sa nagawa nya.

"Talo na naman nga ako. Tsk." napapailing na pananalita ni Ian.

Nagkibit balikat lang si Asher at ngumisi na naman ng nakakatakot ang dating.

"Pero kung ako ang tatanungin," singit naman ni Rico sa usapan. "Hindi ko akala na ganun kadali magagawang girlfriend ni Ash si Jessica. Di ba nga, man hater ang tawag sa kanya." 

"Lahat ng babae lumalambot sa kahit na sinong lalaki. Ang dapat lang, tama ang paraan ng paglapit mo sa kanya." mabilis na sagot ni Ian na para ba itong nagpaplano. "Magaling talaga tayo. Naplano natin ang lahat." tumawa sya ng malakas na para bang nanalo sya ng lotto.

Plano? Anong plano ang tinutukoy nila? Naplano ang lahat? Naplano ang...

"Ordinaryong babae lang si Jessica. Alam ko na yun mula umpisa palang." napabuntong hininga ako at literal na napanganga ng biglang magsalita si Asher. Para syang ibang tao ngayon. Hindi sya yung mabait at gentle na Asher na kilala ko. 

"Matatapos na rin ang pagpapanggap mo bukas Ash." nakangiting komento ni Jack.

Ngumiti si Asher. Yung ngiti na parang may balak na masama. "Sa wakas, matatapos na nga." pananalita nya.

Muli akong nanghina. Bukod sa panghihina at panlalambot ng aking katawan, nahilo din ako ng marinig ko ang sinabi ni Asher.

Kung tama ang pagkakaintindi ko sa pinag uusapan nila, isa lang ang ibig sabihin nito.

The Ultimate Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon