Hater 8: The Ultimate plan

5.6K 159 10
                                    

“Ayoko! Hindi ako makikipaginteract sa mga lalaki. Ever!” sagot ko sa kanya kasabay ng pagbato ko ng papel nya.

Kasabay ng pagbato ko sa kanya ng papel ang sabay din naming paglingon sa pinto. Dumating na sina Aden, Mikaela at Bernadette.

“Oh, sipag ah. Ang aga nyo pareho ah.” pananalita ni Aden. Nagtanguan sila ni Asher at nag fist bump pa.

“Gusto ko kasing makita na ang tinatawag na plan netong si Asher.” Matatalim ang mga mata ko ng tingnan ko sya. “Kaso, plan lang. Hindi naman feasible.” Dagdag ko kasama ang paniniring sa kanya.Masakit sa ulo ang kalokohan ng lalaking to.

“O bakit? Ano bang plan yan?” tanong ni Bernadette kasabay ng sabay sabay naming pag upo sa round table.

Iniabot ni Asher ang papel kay Bernadette at sabay nila yong binasa nina Aden at Mikaela.

Mula sa mga nakakunot noo nilang ekspresyon, nag iba ang mga yon sa isang mga ngisi at mapaglarong ngiti. Lalo na si Mikaela, pagkain ang tingin nyan sa lalaki eh. Lahat pwedeng isubo. Sa planong yon ni Asher, isang buffet ang maihahanda sa kanya.

“Ahaha! Ang genius mo talaga. Sige okay yan!” pagsang ayon ni Mikaela ng nakataas pa ang kamay at may ngiting pupunit na sa mukha nya.

“Hindi. Not feasible.” Pangongontra ko sa kanya.

“Hm? Bakit naman?” nakapout at kunot noo nyang tanong.

“Dahil sinabi ko.” sagot ko sa kanya ng nakataas ang isang kilay.

Napapailing at nakangiting nagtinginan si Aden at Bernadette na para bang may pinag uusapan sila sa mga isip nila. Basta kalokohan, magaling din tong dalawang to eh.

“Bago natin iconsider ang plan mo Ash, gusto ko munang marinig ang mga opinyon ng iba at mga proposal plans nyo rin. Dahil, hindi raw feasible ang plan ni Ash sabi ni Jess…para lang naman sa kanya hindi feasible no.” okay na sana eh. Dagdagan pa daw ng komento nyang hindi naman kailangan sa discussion. Immature leader talaga to. “Berns?” tanong nya kay Bernadette.

Tumigil muna sa pagtawa nya si Bernadette bago sya nag salita. “Yung sakin kasi, it’s more of like, gawin kaya nating mas malawak ang scope ng radio station natin? I mean, bakit hindi tayo mag around manila ng broadcasting..” suhestyon nya.

“Hindi yon feasible. Marami pa tayong gagastusin para lang maextend tayo outside school. For sure hindi tayo papayagan nun dahil kailangan pa ng pondo.” Sagot ko sa kanya.

“Oo nga Berns. I don’t think feasible din yon.” Pagsang ayon naman ni Aden. “Mika?” tanong naman nya kay Mikaela.

“Hm, yung akin naman.” Sumulyap pa sya sa notebook nyang pink. “Why not gawin nating mas makabuluhan yung binobroadcast natin? Like, business terms or calculus formulas o accounting strategies and iaddress natin yung mga tanong nila about certain subjects” pagbibigay opinyon naman nya.

“Parang ang boring naman nun Mika.” Mabilis na komento ni Bernadette. “Baka walang makinig satin nyan.” Dagdag pa nya.

“Sa tingin ko rin.” Pagsang ayon ko.

Tumango si Aden. “Hm, tsaka sinong magtuturo di ba. Ikaw ba?” pabiro nyang tanong kay Mikaela.

“Ha? Hindi ah. Ipasponsor sana sa ibang clubs ang iniisip ko.” sagot naman nya rito na parang inisip na nya yun.

Still. Hindi feasible.

The Ultimate Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon