Hater 31: The Ultimate Answer

4.1K 110 16
                                    

"Would you be my girlfriend?" diretso sa mga mata kong tanong nya.

Nawala ang mga ngiti ko sa sinabi nyang yon.

Parang...parang nabingi ata ako sa mga salitang narinig kong sinabi nya. Blanko ang ekspresyon ko sa mukha. Lalo na ang mga tingin ko sa kanya na sobrang hindi makapaniwala. Parang nakarinig ako ng isang matinis na ingay na linya, nabingi ako at sobrang nagulat sa pabor na gusto nya.

Napaayos ako ng aking pagkakaupo. Dumistansya ako mula sa kanya at napatingin sa wooden styled tiles na sahig ng aking sala.

Ilang segundong katahimikan and dumaan sa pagitan naming dalawa. Siguro, binibigyan din kasi ako ni Asher ng pagkakataon na idigest ang sinabi nya.

Ng ibalik ko ang mga tingin ko sa kanya, masusi ko syang tiningan. Hindi sya nakangiti. Blanko rin lang ang ekspresyon nya at halatang nag aabang sa isasagot ko.

"Ikaw ba..." nag aalangan kong turo sa kanya. "Tama ba yung rinig kong sinabi mo? Kasi parang nabibingi pa ako dahil alam mo na, nagkasakit ako at hindi pa fully recovered. Kaya baka mamaya-"

"I really asked you to be my girlfriend." Awkward na ngiting sagot agad ni Asher bilang pagkukumpirma sa tanong ko. Nakikita ko sa awkward nyang ngiti yung pagkahiya na nagcoconfess sya sa akin ngayon. Nakikita kong hindi madali sa kanya ang ginagawa nya.

Mabagal akong napatango saka napakagat sa aking labi. "Shet, hindi ako nagkamali ng rinig." Naibulong kong komento.

Natawa sya sa sinabi kong yun. "Ahaha," pilit nyang tawa. "Hindi ka nga nagkamali ng rinig." Pagkukumpirma nya rin.

Napabuntong hininga ako.

Hindi ko alam kung anong meron sa akin ngayon pero, surprisingly, hindi ako galit. Sobrang hindi ako galit. Marami ng confession ng mga lalaki ang dumaan sa akin. Gusto kita Jessica. Tayo nalang Jessica. At marami pang iba na sobrang nakakadiring alalahanin. Pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, iba ang klase ng confession na ito.

Dahil ba nanggaling kay Asher at hindi sa kung sino sinong lalaki na randam kong gusto lang ako pagsamantalahan? O dahil ba simpleng kasi, nanggaling ito kay Asher. Ang lalaking sa hindi ko maipaliwanag na dahilan; kahit murahin ko na, laitin ko na, galitin ko na at kung ano anong pagpapahirap na. Sya lang ang kaisa isang taong dumadating sa tamang tiyempo at walang pagdadalawang isip na tinutulungan ako sa kahit na anong bagay.

Ganun ba yun?

Iyon ba ang rason kung bakit nag iisip pa ako ngayon ng susunod na isasagot sa kanya imbis na sabihin ko nalang ang madalas kong sinasabi tuwing may nag coconfess sa akin ng ganito. Fuck you, the worst of the worst curse na sasabihin ko sa isang tao ng harap harapan. Lalo na kapag ramdam kong binabastos ako.

"Okay." Napabuntong hininga pa ulit ako. "Kailangan ba...kailangan ba, ngayon na kita sagutin sa tanong mo na yan?"

Mukhang nagulat sya sa sinabi kong yun dahil napataas pa ang dalawa nyang kilay at medyo nanlaki pa ang kanyang mga mata.

"Syempre hindi. Syempre pwede mo pang pag isipan ang isasagot mo." Ilang segundo lang, nakarecover din sya at masigla akong nasagot. "Pero..."

"Pero ano?" agad kong tanong sa pag aalangan nya.

"Pero, hindi ka agad tumanggi." Nakakunot at tila ba napapaisip nyang sabi.

"Anong ibig mong sabihin na tumanggi?" naguguluhan ko namang tanong.

Napangiti at napailing sya. "Ang ibig kong sabihin...inaasahan ko kasi, tatayo ka sa pagkakaupo, hihilahin ako palabas ng unit mo at mumurahin ng paulit ulit. Para malaman na ganyan pala ang reaksyon mo...mukhang malaki ang pag asa ko." malalaking ngiti na nyang sagot.

The Ultimate Man HaterΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα