Hater 37: The Welcome

3.2K 97 6
                                    

Ang LAKI ng bahay nila. Sa totoo lang, hindi naman sobrang laki. Pero, mataas. Nakapatong kasi ito sa tuktok ng bundok. Naka elevate kumbaga.

Malawak ang bakuran. Sobrang lawak ng bakuran. May mga kubo sa gilid ng bahay at napakadaming tao sa labas.

Fiesta ba? Bakit may mga batang nakasuot ng pang drum and lyre?

"Oh shoot." rinig kong bulog ni Mikaela.

"Ah dito nalang tayo. May fiesta ata." tumigil ang puting van na service namin. Sa mga nakasabit na banderitas. Sigurado akong syempre, Fiesta rin ang unang okasyon na pumasok sa isip ni Asher. Mukha naman talagang may fiesta.

"May fiesta ba?" tanong ni Aden kay Mikaela.

"Wala noh." nakasimangot netong sagot. Binuksan nya ang pinto ng van para makalabas.

Sumalubong sa amin ang malakas na tunog ng drums. Biglang tumugtog ang mga batang may hawak na lyre at tambol. May mga sumasayaw pa ngang batang may hawak na baton at flag. Kumekembot sila sabay sa tugtog ng lyre at drums.

Aba, may cymbals pa pala sa likod.

"Maligayang pagbabalik Madam Mika." isang babaeng nasa edad mga 20s ang sumalubong sa aming pagbaba. Nagsabit sya ng bulaklak na kwintas sa leeg ni Mikaela na para ba kaming mga foreigner na kakabisita lang ng Pilipinas.

Nagkatinginan kaming lahat at mahinang napatawa ng tawagin nya si Mikaela na Madam Mika. Ehck, nakakatawa. Para na syang matanda.

"Pwede ba, Mika nalang." nahihiya nyang tugon dito.

Ibinaling lang ng babae ang ulo nya sa kanan at ngumiti. "Maligayang pagdating po sa inyo na mga kaibigan ni Madam Mika." nag bow sya sa harapan namin bilang pang wewelcome. Napa bow din naman kami bilang tugon sa kanya.

Natatawa nalang kami pero walang gustong magsalita. Nagkikibit balikat si Bernadette na tila ba alam na nya ang nangyayari at mas natatawa dahil first time namin itong mararanasan.

"Mikaela!" mula sa hindi kalayuan ay narinig namin ang pagtawag sa pangalan ni Mikaela.

Nag clear ang daanan sa pagdating nya. Nagsitabihan ang mga tao, pati na rin yung mga batang tumutugtog.

Isang babaeng nasa edad 40s ang nakalahad ang mga braso na para bang malayo palang ay nakabwelo na sa pagyakap kay Mikaela. Suot nya ang isang glamorosang clear black dress na may disenyong mga paru paro at bulaklak sa paligid nito. Naka pang Imelda Marcos naman ang buhok nya. Ang taas ng pagkaka boknai nito. At syempre, naka heavy make up at makikinang na alahas.

Tanong ko lang, anong meron?

"Mikaela, anak..." tawag nyang muli kay Mikaela habang papalapit ito. Napatingin kami kay Mikaela. Seryoso? Yan ang Mommy nya?

Niyakap sya ng babae. Si Mikaela naman, parang konti nalang susuka na.

"Mama naman, ano bang meron, bakit may banda pa. Ginugulat mo naman ang mga kaibigan ko nyan eh." yung pagkaka pronounce nya ng Mama, hindi lang ordinaryong mama. Kundi Ma-ma! yung pang sosyal. Pang mayaman.

"Ano ka ba. Hindi pa nga kami nakapaghanda nyan eh. Sa susunod kasi, mas agahan mo ang pagsasabi. Akala namin bukas pa ang uwi mo." wow, hindi pa pala sila nakapaghanda sa lagay na yan. Paano pa kung nakapaghanda sila.

"Sila ba ang mga kaibigan mo?" tanong nya pa sabay tingin sa amin.

"Opo sila." sagot ni Mikaela na nahihiya.

"Nice meeting you po." katulad ng napaka galang na bata. Nauna ng inilahad ni Asher ang kamay nya para makipag kamay sa mama ni Mikaela.

"Nice meeting you hijo." nakipag shake hands din naman ang mama ni Mikaela.

The Ultimate Man HaterWhere stories live. Discover now