AUTHOR'S NOTE

4.5K 106 9
                                    

Hello Man Haters!

I know, I know. Sobrang bitin ang last chapter at ang epilogue. Hindi nabigyan ang justice ng paghihiganti ni Jess dahil masyado itong light. O light nga ba? Maaaring mag iba iba tayo ng opinyon at reaksyon pagdating sa kanyang naging desisyon.

Ng sinusulat ko ang last chapter at ang epilogue, trust me, gusto ko ring sugurin ng todo todo ni Jess si Ash. Pero, hindi kaya eh. Masyado syang nahulog kay Ash. Takot sya na makita yung ibang Ash na narinig nya. Kaya, ganito ang kanyang ginawa.

Isa pang tanong, bakit nga ba ganun din ang kinilos ni Ash? Hindi man lang sya nagtanong kay Jess o pinigilan man lang ito? Malalaman nyo rin yan.

Meron akong good news at bad news para sa inyo.

Good news muna dahil hindi maganda ang sequencing kung bad news ang uunahin ko. LOL.

Ang good news, may dalawa pang sequel ang The Ultimate Man Hater. Ang una, ay ang book 2 ng TUMH at ang pangalawa ay ang storya ng TUMH sa point of view ni Ash. So, yung pangalawa, TUMH all over again pero sa POV naman nya. Ang saya di ba. Para naman malaman nyo kung ano din ang iniisip ni Ash.

Ang bad news, ang book 2 ng TUMH ay maisusulat ko pa 1 to 2 months from now. Bigyan nyo naman ako ng panahon na magpahinga muna mula sa POV ni Jess. Konting pahinga muna sa ating lahat. Ang TUMH na nakasulat naman sa POV ni Ash ay maisusulat pa after ng book 2.

Maraming mangyayari sa Book 2 ng storyang ito. Magkikita pa ba si Ash at Jess? YES magkikita pa sila. At yung pinakaaasam asam nating revenge ay dun mangyayari. Lahat, dun na. 

Masyadong mahina si Jess at mahal nya talaga si Ash kaya hindi nya pa to kaya ngayon. I tried pero hindi nya kaya. 

The Man Hater will be back. And it will bigger, better and badder.

Salamat sa pagbabasa ninyo ng The Ultimate Man Hater. Salamat sa pagboto at comment. It was a very wonderful experience. 

Imbitahin ko din kayo na basahin ang aking bagong storya na One Sided. All new story at walang pagkakatulad kay Jess pero maganda din ang magiging storya. Lalo na kung mahilig kayo sa arranged marriage concept. :)

Kung may mga taong pa kayo, opinyon at komento, wag kayong magdalawang isip na icomment ito at sasagutin ko kayo agad. :)

Mula kay Charles, Aden, Bernadette, Mikaela, Ian, Rico, Jack, kung sino sinong extra sa storya, sa ating virus na si Ash at ang ultimate man hater na si Jessica.

Maraming Maraming Salamat sa inyong pagbabasa!

Hanggang sa muli nating pagkikita.


Nagmamahal

MsRedMonster,

**


Date Ended: July  21, 2015


**

The Ultimate Man HaterWhere stories live. Discover now