Hater 18: One Crazy Night

4.3K 118 10
                                    

Anong gagawin ko? Hindi ko nga pala alam kung saan sya nakatira. Shit naman. Bakit ngayon ko lang naalala na hindi ko nga pala alam.

Nilingon ko si Asher sa likod ng sasakyan. Sarap na sarap sya sa pagtulog nya samantalang ako, namomroblema kung anong gagawin ko sa kanya.

"Hoy!" hinawakan ko ang tuhod nya at niyugyog sya. "Hoy lalaking virus! Hoy! Hoy lalaking virus! San ka ba nakatira?" paulit ulit na yugyog at tanong ko sa kanya.

"Hoy lalakin-" napatigil ako sa pagsasalita ng bigla syang umupo sabay tingin sa paligid nya. Wala naman syang makikitang iba dahil nandito lang sya sa loob ng maliit kong sasakyan. "Hoy, san ka nakatira?" tanong ko ulit.

Naglanding ang tingin nya sa akin. "Ano nga, san ka nakatira?" tanong kong muli.

Bigla syang ngumiti. "Sa puso mo~ Wooh!" sabay higa na naman sa upuan ng sasakyan ko.

Ha! Ano daw? Kahit lasing na sya, ang kakornihan nya, nakakadiri parin.

Sa puso ko, my ass!

"Hoy Asher Calleja! San ka ba kasi nakatira?" sigaw ko pang muli sa kanya.

Ugh, ano bang gagawin ko sa lalaking ito.

*

Ruby Hotel.

Ngumiti ako ng makita ko ang makinang na letrang pangalan ng hotel na ito.

Okay, dito ko nalang sya iiwan.

Bumaba ako sa sasakyan ko para pumasok sa reception ng hotel.

Isang babaeng naka blue and white ang malalaking ngiting sumalubong sa akin.

"Yes Ma'am, how may I help you?" tanong nya sa akin.

"May kasama kasi akong lalaki sa sasakyan. Gusto ko syang iwan sa isa sa mga kwarto nyo. babayaran ko na ang kwarto. Gusto ko lang ng tutulong para dalhin na sya." sagot ko sa kanya.

Mabilis na naging awkward ang tingin at mga ngiti nya. Tiningnan pa nya ako mula ulo hanggang paa.

"Ah Ma'am, boyfriend nyo po ba yung kasama nyo?" nag aalangan nyang tanong.

"Hindi ko sya boyfriend." Agad kong sagot. Hindi mangyayari yon. EVER.

"Uhm, asawa po?" tanong nya ulit.

Natawa ako. "Ano ba namang klase ng tanong yan, malamang hindi!" depensa ko.

"Kaibigan po?" tanong na naman nya.

"Hindi rin. Bakit mo ba tinatanong?" pagtatanong ko na rin sa kanya. Nakakahalata na ako sa kanya, ano bang tingin nya sakin.

"Eh kung ganun Ma'am, ano pong relasyon nyo dun sa lalaki. Disente pong hotel ito Ma'am, hindi po kami tumatanggap ng...alam nyo na." sagot nya sa akin ng hindi ko maintindihan kung ano ang ibig nyang sabihin.

"Anong bang alam ko na?" naguguluhan kong tanong sa kanya. "Ms, namisunderstand mo ako. Disente akong tao noh." Ano namang palagay sa akin ng babaeng to. Bugaw ng mga lalaki?

"Pasensya na Ma'am. Kung hindi nyo po masasamahan si Sir, hindi ko po kayo mabibigyan ng kwarto. Pasensya na po." Paghingi nya ng tawad.

Napabuntong hininga ako. Hay, bakit ba ang malas ko tuwing kasama ko tong virus na yun. Napagkamalan pa akong bugaw ng mga lalaki. Talaga naman!

"Sige na. Hindi na kami mag chcheck in." sagot ko dun sa babaeng madumi ang isip sabay labas ng hotel nila.

Sa itsura ko ba na to, mukha akong nambubugaw lang? Grabe sya ha!

The Ultimate Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon