Hater 29: The unexpected reunion

3.9K 114 8
                                    

Minulat ko ang aking mga mata. Mabigat ang aking pakiramdam. Para bang ang buo kong katawan ay may suot na bakal na damit sa bigat. Sinubukan kong gumalaw, kaya kong gumalaw, pero mabigat ang aking pakiramdam.

Sumulyap ako sa maliit na orasan na nakapatong sa aking side table. 8am. Sa mga oras na ganito, dapat kumikilos na ako para makapasok pero ngayon, kagigising ko palang.

Masama to. Mukhang mapapaabsent pa ata ako.

Mula sa pagkakahiga ay umupo ako. Napakabigat ng ulo ko at nahihilo pa ako.

Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong din lang sa aking side table. Hinanap ko ang pangalan ni Aden saka ako nag type ng text sa kanya.

To: Aden Nosca

Hindi ako makakapasok ngayon. Nandyan na ba si Virus? Sya na muna ang pagsalitain nyo sa ere.

Ilang segundo lang, tumunog na ang ping ng cellphone ko.

 

From: Aden Nosca

Oo nandito na nga sya. Bakit daw hindi ka makakapasok?

To: Aden Nosca

May bigla akong modeling kaya hindi ako makakapasok.

Pagsisinungaling ko sa kanya sa text. Hindi naman na nila kailangan pang malaman pa ang kondisyon ko ngayon. Komplikado, hindi maiintindihan ng kahit na sino. Kahit nga ako naguguluhan din, idadamay ko pa ba sila.

From: Aden Nosca

Talaga? Di ba wala ka namang modeling kapag weekdays? Bakit biglang meron?

To: Aden Nosca

Basta.

Pagod na nga ako sa pagttype dahil ang bigat ng kamay ko, tanong pa ng tanong tong si Aden. Mabuti naman at mukhang kumbinsido sya sa sagot ko dahil hindi na sya nag reply pa ulit. Paniguradong iniisip nun na busy nga talaga ako at ayaw kong maistorbo. Mabuti naman at nakakaintindi sya.

Tumayo ako sa aking kama. Sa pagtayo ko, agad akong napaluhod sa sahig sa sobrang panlalambot ng mga tuhod ko. Shet. Masama to. Pero kailangan kong pilitin ang sarili ko, katulad ng palagi kong ginagawa.

Naglakad ako, gumapang, patuloy na hinila ang aking sarili papunta sa banyo para makapaghilamos at maayos ang aking itsura.

Sa mga panahong ito, isa lang ang nakakatulong sa akin. Hindi ko sya palaging pinupuntahan pero, sya lang ang lagi kong natatakbuhan kapag may kailangan ako. Napaka importanteng kailangan na katulad ngayon. Siguradong magugulat sya sa biglaan kong pagbisita.

*

Tumigil ang taxi na sinakyan ko sa harap ng kanyang malaking bahay

"Ms, nandito na tayo." Sabi nung driver.

Tinakpan ko ang bibig ko saka napaubo ng napaubo. Parang lalong lumalala. Konting lakad nalang, Makakapasok na ako sa loob at makakahingi ng tulong.

"Okay ka lang ba Ms?" tanong nung driver ng patuloy pa akong naubo.

"O-okay lang ako." inabot ko sa kanya ang bayad saka mabagal na lumabas ng kanyang taxi.

Sa pagbaba ko ng taxi, naramdaman ko ang pamilyar na aura ng lugar. Ang amoy ng malalaking puno sa paligid ng malaking lumang bahay,  ang patuloy na paglipad ng mga dahon na nahulog sa puno at hindi na nawalis at ang lumang metal na amoy ng malaking gate na nasa harapan ng malaking bahay.

Hindi ko inaakalang magbabalik ako dito at kakailanganin ang tulong nya.

Nanghihina at nanlalambot man, naglakad ako papunta sa malaking gate. Makapal na ang kalawang nito, halatang hindi man lang nalinis sa loob ng ilang taon. Napaka tamad talaga nya sa mga ganitong bagay.

The Ultimate Man HaterWo Geschichten leben. Entdecke jetzt