Hater 7: Jessica and not Jessie

6.1K 167 9
                                    

"Nasan na ba yung lalaking yon? Ang sabi ko 10 am dapat nandito na sya ah. 10:30 na wala pa." singhal ko kay Bernadette, Mikaela at Aden habang nandito kami sa round table at mag memeeting sana para sa plan na dapat naming ipasa kay Dean. Hindi naman sa umaasa akong magiging malaking tulong sya pero, kailangan nya paring gawin ang responsibilidad nya bilang myembro ng organisasyon na to.

"Baka naman busy. Si Charles nga busy daw kasi may project sila." Sagot ni Bernadette.

"Kahit na! Bakit hindi man lang nya yun agad tinapos para makapunta sya dito. Napaka iresponsable talaga. " komento ko habang pilit na binabali ang ballpen na hawak ko.

"Hayaan mo na. For sure babawi yun." Confident na sagot ni Aden.

"Trying to say I will do it next time is a kind of impossible opportunity. Hindi mangyayari yon kaya maaga palang, kailangan ko ng putulin yang panget nyang habit." Sagot ko kay Aden kasabay ng mabilis na pagtayo ko mula sa kinauupuan ko.

"O, san ka pupunta?" para bang gulat na tanong ni Mikaela.

"San pa, edi sa engineering building." Sagot ko habang pinapasok ang mga papel sa bag ko.

"Jess, hindi na kailangan." Pabuntong hiningang sabi ni Bernadette. Kasunod naman nun ang pagsang ayon ni Aden at Mikaela.

"Hindi." Matigas kong sagot. "Dito lang kayo ha. Babalik ako agad." Isinukbit ko na ang animal print sling bag sa balikat ko saka lumabas ng studio at naglakad.

Hm, wait, dito ata sa kaliwa yung Engineering building eh. Naglakad ako sa mahabang hallway para makapunta sa kulay blue na engineering building. Ang engineering building ang may pinaka modern designed na building sa lahat ng buildings dito sa university. Puno ng glass ang paligid nito na para bang nasa isang futuristic era ang building. Dapat lang, syempre, mga engineers sila, well, in the making.

Hawak ang class schedule ni Asher,isa sa mga pinasa nya bilang bagong writer namin,  sumakay ako ng elevator para makarating sa 3rd floor. 305 ang present room nya. Sabi naman nya, wala silang klase kaya dapat talaga umattend sya ng meeting namin. Ang irresponsableng yon.

Kumatok ako sa room 305. Isang lalaking nakasuot ng violet pink polo shirt at jeans ang nagbukas ng pinto.

"Si Asher Calleja nandito ba?" tanong ko sa kanya habang naka crosss arms. Hindi para magmukhang mayabang pero para maitago ang mga kamay ko sa reach ng mga lalaki dito. Mostly kasi ng mga estudyante dito sa COE, mga lalaki.

"Ah si Ash ba, nandito nga. Ash!" tawag nya sa likod nya. "May naghahanap sayong chicks!" dagdag pa nya. Jusko naman. Bakit kailangan may ganun pa. Mga lalaki talaga, ang cheap ng mga terms na ginagamit.

Ilang segundo lang, nasa tapat na ng pinto si Asher. May hawak pa syang isang piraso ng hindi ko maintindihang bagay na mukhang glass.

"O Jessie, napadaan ka?" nakangiti nyang tanong at para bang nagtataka pang nandito ako.

"Ah, so kinalimutan mo palang may meeting tayo ngayon." Nagtitimpi kong sagot sa kanya. "Ano ba kasing ginagawa mo dito." Dagdag ko pa pero pabulong lang. Yung kami lang ang makakarinig. Hindi naman kasi ako eskandalosa. I don't stoop down to those kind of level.

"Ngayon ba yon?" gulat nyang tanong. "Sorry nakalimutan ko. May ginagawa kasi kaming project eh," itinaas pa nya ang glass na bagay na hawak nya. Hindi ko parin alam kung ano ba yon.

The Ultimate Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon