Hater 17: Can't take my eyes off of you

5.4K 124 8
                                    

"Congratulations Jessica and Aden, I think, you're new program is suitable for the club. I would have to compliment Ash for this new idea." Pananalita ni Dean ng may mga motherly like na ngiti pero sarcastic at evil ang dating kung titingnang mabuti.

"Maliit na bagay po Dean." Napatingin naman kaming pareho ni Aden sa puno ng pride na sagot ni Asher.

Wow. Confidence. Confidence. Isa syang confidence na tinubuan ng tao.

"But I have to remind you Jessica." Bumalik na naman ang tingin namin kay Dean. Sakin na naman napunta ang pagpupuna. Bias talaga tong si Dean. "You still have this negative comments na maaaring makaapekto sa mga estudyante ng university. Bawasan mo yan. Saying sorry is a good thing." Pagpapatuloy nya. Halata namang nakinig sya sa pag ere namin kanina.

Kinagat ko ang dila ko. Kumalma ka Jessica. Dean yan. Wag mo ng patulan. Kalma lang.

"Dean, that was purely my opinion." Matigas kong sagot sa kanya kasama ang sobrang pilit na ngiti.

"Translate your opinion to positive ones. Gayahin mo tong si Ash. Neutral lang ang dating ng opinion nya." Napatingin muli kami kay Ash. Nagkibit balikat lang ang loko habang proud na proud na nakangiti. Ugh, nakakainis talaga yung ngiti nya. Mapang asar!

"Gagawin po namin ang mga bilin nyo Dean. Salamat po sa pagpapabalik sa club namin." Pananalita ni Aden ng nakangiti din.

"I know you will Aden. Okay, you may now go." Pagpapaalis na sa amin ni Dean.

Agad naman akong tumayo sa kinauupuan ko. Hindi ko mapigilang mapa make face ng nakatalikod na ako kay Dean. May pagka bias talaga sya. Tss. Kabwiset.

"Bilisan mo nga maglakad." Mahina kong hinampas ang likod ni Asher na nauuna sa akin.

"Eto na po mahal na reyna." Natatawa at mapang asar nyang sagot.

Sarkastiko lang akong ngumiti sa kanya.

Sa buong minutong naglalakad kami papunta ng broadcasting studio, wala lang akong nagawa kundi ang mag cross arms at ang sumimangot. Nakakasira kasi ng mood si Dean. Lagi nalang mali ang napupuna nya sa akin. Napaka bias ng matandang yon. Hindi kaya lalaki talaga sya na nagpalit kasarian na pambabae, lagi nalang mga lalaki ang sinasang ayunan nya eh. Oh di naman kaya phedophile? Mahilig sa mga lalaking bata? Hay, wag ka nalang patulan. Matanda na eh.

Dagdagan pa nitong si Asher na parang kung maka asta eh proud na proud sya sa sarili nya. Alam kong successful ang ideya nya pero kailangan pa ba nya talaga yong ipagyabang. Tss.Akala naman nya sya lang kumilos lahat.

Sa pagbukas ko ng pinto ng studio, lalong tumaas ang presyon ng dugo ko sa ulo ko. Sa isang sulok, si Mikaela at yung Abo nya. Sa isa naman, si Bernadette at Charles. Aba napadpad ata tong si Charles dito. Anong meron.

"Oh Jess! Long time no see." Pasigaw na bati pa ni Charles sa akin. Humiwalay muna sya sa pakikipag lingkisan nya kay Bernadette. Para silang mga ahas sa lapit nila sa isa't isa. Pero sige na, mas maayos ang posisyon nila kesa sa...ugh, ayoko ng idescribe na ginagawa ni Mikaela at Abo. Nagkakainan ata ng leeg yung dalawa. Yun naman ang nakikita ng mata ko bale sa anggulo ko. Ewan ko nalang kung ano talagang ginagawa nila. Kadiri.

"Ayoko rin naman makita ka kaya okay lang." sagot ko kay Charles. "Anong ginagawa mo dito?" dagdag na tanong ko sa kanya pero wala na sa akin ang atensyon nya kundi na kay Asher na.

"Oh, Ash, anong ginagawa mo dito?" tanong nya kay Asher.

"Charles." Nakangiti namang bati rin sa kanya ni Asher. "Member ako ng broadcasting club." Sagot nya.

The Ultimate Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon