Hater 21: Charles, the savior. Ash, the destructor.

4.8K 122 6
                                    

Napalingon ako sa gawi kanan ko ng makita kong may weirdong mga tingin sa akin si Mikaela. Siniringan nya ako saka inayos ulit ang mga flyers na ipapamigay namin sa paligid ng university.

Hindi. As in Hindi! Hindi ako pumayag sa free hugs and kisses na yan na gusto ni Asher. Alam na alam ko na ang gusto nyang gawin. Gustong gusto nyang mag take advantage sa mga babaeng pupunta sa university week. Syempre, may mga tao rin kasing manggagaling outside school. In his dreams! Hinding hindi mangyayari yon.

At syempre, ang female version ni Asher sa pagiging malandi na si Mikaela, SOBRANG DISSPOINTED din na hindi ko yon pinayagan. Kaya ayan, kanina pa ang pasiring siring nya at pabunto buntong hininga. Pakialam ko sa kanilang dalawa. Psh!

Hindi pa sapat ang activity namin na pagbibigay ng flyers sa paligid ng campus. Hindi yon pinayagan ng student council government. Kulang daw sa "benefits". Pero, mabuti naman at malakas ang koneksyon ni Aden sa student government, napakiusapan nyang ipanghabol nalang namin ang mas may kwentang activity. Namomroblema pa kami kung anong idadagdag namin pero sa ngayon, eto munang pamimigay ng flyers ang gagawin namin.

"Bilisan nyo na. Ang tagal eh." Pananalita ko para sa lahat na ang bagal sa pag aayos at pagkuha ng flyers na ipamimigay namin.

"Ugh!" buntong hininga ni Mikaela na para bang napakabigat ng katawan para makalabas.

"Sige na guys. Positive! Tara na!" nakangiti namang announce din ni Aden para maencourage si Bernadette at Mikaela. Si Asher, malamang wala na naman. Malelate daw sya dahil may pupuntahan. As if namang may pakialam ako sa kanya.

Naglakad na kami papunta sa central quadrangle ng university. Napakaraming booths na ang naka set up. May bazaar ng mga damit, iba't ibang pagkain, kung ano anong gimmick ng ibang mga club at may maliit na babaeng naglalakad ng naka paa habang may hawak hawak na manika sa kamay at puno ng pekeng dugo ang buong katawan. May haunted house kasi ang theather club. Goodluck sa paa ng babaeng yon mamayang tanghali pag mainit na.

"O, hiwa hiwalay tayo tapos, mag distribute na tayo ng flyers." Pagbibigay instruction ni Aden.

Tumango lang kami at kanya kanyang nagpunta sa apat na sulok ng quadrangle saka nagbigay ng mga flyers na dala namin.

*

"Ay hindi po ate, hindi ako interesado ng condo." Napanganga ako sa pagkagulat ng iwas na iwas na tinaggihan nung isang babaeng nanghihilahid sa pawis na nakaviolet ang flyer na binibigay ko.

Anak ng! Anong condo ang pinagsasasabi nun?

Gulat ko lang na tiningnan ang nagmamadali nyang likod. Walanghiya yun ah. Nagulat ako dun. Pagkamalan daw ba akong nagbebenta ng condo. Batukan ko sya eh.

"Jess, lunch naman tayo." Bigla nalang sumulpot sa kanan ko si Mikaela, nangangalahati na sya sa flyers nya, at matindi na rin ang pawis dahil sa init.

"Oo sige. Tara na." sagot ko sa kanya saka kami naglakad paalis sa pwesto ko. "Yung dalawa?" tanong ko patungkol kay Aden at Bernadette.

"Nauna na. Sa Meye Box nalang daw tayo kumain. Libre daw ni Charles." Sagot nya ng hindi tumitingin sa akin. Inilabas na nya kasi ang cellphone nya at panay na ang pindot dun habang naglalakad. Buti hindi sya nahihilo sa ginagawa nya.

"May pera naman ako, hindi na nya kailangang manlibre." Pasiring at cross arms kong sagot kay Mikaela ng hindi rin tumitingin sa kanya, diretso lang ang lakad ko sa gitnang hallway.

"Edi Wow." Sagot nya na may natural na pang aasar. Isa pa talaga tong babaeng to!

Ang malamig na aircon ng Meye Box ang sumalubong sa amin kontra sa napakainit na tanghali sa labas. Pagpasok palang namin ni Mikaela sa pinto, kumakaway na agad si Charles at tinuturo ang table nila. Linaw ng mata ah.

The Ultimate Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon