Hater 43: Spread the good news.

3.1K 94 2
                                    

"Saan ba talaga kayo nanggaling?" nakacross arms at nakataas kilay na tanong ni Mikaela. Matutulog nalang kami. Nagtatanong pa sya.

"Di ba sinabi ko na sayo. May karera si Asher sa Laguna. Dun kami nanggaling." sagot ko sa kanya sabay pagpag sa aking unan.

"Anong ginawa nyo dun?" nakangising tanong ni Bernadette habang naglalakad papunta sa kutson ko. "Bakit parang, blooming ka ata simula ng manggaling kayo dun?" dagdag pa nya gamit ang mga mapanuring tingin.

"Ha? Ako? Blooming? Hindi ah." hinawakan ko ang aking pisngi na mabilis na nag init sa tanong nya na yun. Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Ang tagal ng halik nya na yun sa akin. Hay...pag iniisip ko, nanlalambot parin ako.

"Weh? May ginawa kayo eh." lumapit na rin si Mikaela sa akin at tumabi. "Nag kiss ba kayo?" 

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong nya. P-paano nyang nalaman yun?

"HA? HINDI AH." mabilis at matigas kong tanggi. "Hindi. Hindi." paulit ulit na iling kong sagot.

Nagkatinginan sila ng may seryosong mukha. Sabay nag apir. 

"Confirm. Naglaplapan nga." pananalita ni Mikaela.

"Hoy!" mabilis ko syang hinampas sa balikat dahil sa salitang yon na ginamit nya. 

"Sabihin mo nalang kasi Jess. Huli ka naman na. So, nag kiss kayo?" kalmadong pagtatanong ni Bernadette.

Paano nila nalaman yun? Bakit sa dinami dami ng isususpetya nila sa akin, yun pa. May nakasulat ba sa noo ko na hinalikan ako ni Asher Calleja. Expert talaga sila. Pati sa ganitong mga bagay.

"Well..." sasabihin ko ba? Mukha namang kumbinsido na talaga sila. "Nangyari nga yon." mahina kong sagot.

"Waah!!" biglang tumalon mula sa pagkakaupo nila si Mikaela at Bernadette saka naeexcite na nag aapir ng paulit ulit at may mga malalaking ngiti sa kanilang mga labi.

"Ang landi mo! Ang landi mo!" pinaghahampas ni Mikaela ang braso ko sa sobrang excitement nya.

"Sasapakin kita jan." inambahan ko sya ng kamao ko para tumigil na ng panghahampas sa akin. Ang sakit kaya ng pamamalo nya.

"Pero paano nangyari?" umupo na ulit si Bernadette sa kutson. "Hindi ka naman sigurado papayag na ikiss ka lang ni Ash ng ganun. Except nalang kung..." mabagal na napunta sa akin muli ang kanilang mga tingin.

Ilang minuto muna silang tumigil magsalita para makapag isip.

Hanggang sa...

"Nilasing ka ba ni Ash?" halos takasan ako ng kaluluwa ko sa tanong na iyon ni Bernadette tapos yun lang pala ang nasa isip nya.

"Oo nga. O di naman kaya, tinali ka nya para magawa yun?" pagtatanong din ni Mikaela.

Seryoso ba sila? "Sa tingin nyo, magiging kalmado ako na ganito kung ginawa nya yun. Ugh." paroll eyes kong sagot sa kanila.

"Eh paano nga yun nangyari?" nagtatakang tanong ni Bernadette.

Base sa ekspresyon ng mga mukha nila. Wala talaga silang ideya. May posibilidad na mahalikan ako ni Asher pero by force lang? Hindi ba pwedeng...

"Kasi boyfriend ko na sya." sagot ko sa kanila.

"Sorry, what?" mabilis na tanong ni Bernadette. Masusi parin silang nakikinig sa akin at gustong kumpirmahin ang sinabi ko.

The Ultimate Man HaterWhere stories live. Discover now