Hater 1: Jessica, the man hater

13.2K 340 24
                                    

Isang thumbs up mula sa likod ng glass na bintana ng studio ang itinaas ni Aden. Hudyat na ready na kaming umere sa radyo ng university. Ilang segundo lang, umilaw na ang on air box sa taas na bahagi ng pinto. Kasabay nun ang pagpindot ko sa buton na may nakalagay ding go na salita para tuluyan na kaming makaere.

"Jessica Misteryo of advices on air. Thank you for calling. How can I help you.." stable at walang buhay kong pananalita sa mic na nasa tapat ko.

"Ehem, uhm, Ms. Jessica, tungkol po kasi ito sa boyfriend ko." sagot nya na parang nag aalangan pa.

"Okay. Magpakilala ka muna samin." Unti unti kong itinataas ang ilang volume na buton na nasa harapan ko, nilalagyan ng konting mellow background music ang pag uusap namin.

"Ako po si Jackelyn Santos. 2nd year po galing sa College of Economics." Pagpapakilala nya na halatang nahihiya parin.

Sa school na ito, lahat ng mga taong tumatawag ay mga estudyante rin lang ng university. Walang outsiders. Umeere ang station namin sa buong school tuwing lunch hour, 11am to 1pm. Tuloy tuloy akong nagbibigay ng mga advice sa mga taong tumatawag. Kahit ano. Pero madalas, tungkol sa mga lalaki ang tinatanong nila. Tungkol sa mga virus na yon.

"Ano naman ang tanong mo Jackelyn Santos ng College of Economics?" tanong ko sa kanya.

"Yun nga po, yung boyfriend ko po kasi, hindi ko alam kung seryoso po ba sya sa akin o hindi. Eh parang medyo feeling ko na niloloko nya lang ako. Hindi ko po alam. Sweet naman sya kapag magkasama kami pero, hindi ko na talaga masyadong alam pa yung mga nangyayari sa kanya kapag hindi kami magkasama. Para bang hindi sya open sa akin sa buhay nya. Ano po sa tingin nyo? Dapat pa ba akong magtiwala?" kwento nya.

Napabuntong hininga ako sa tanong nya. Palagi nalang. Palagi nalang nalalapitan ng sakit na virus ang mga kaawa awa at inosenteng mga babae. Parang ito.

"Jackelyn, sa tingin mo ba niloloko ka lang nya at hindi sya seryoso sayo?" tanong ko.

"Hm...para pong ganun.." sagot nya ng may mahaba pang pag iisip.

"Then dapat hiwalayan mo na sya." mabilis kong sabi sa kanya.

"Po? Agad?" halatang gulat nyang tanong.

"Oo naman. Dahil panigurado, sakit lang sa ulo ang dala nyan sayo. Mabuti ng maaga pa, putulin mo na ang relasyon nyo." pasiring ko pang sagot sa kanya kahit hindi nya ako nakikita. Nagdadalawang isip pa naman kasi.

"Pero..."

Napakunot noo ako sa bulong nya na obviously ay rinig naman sa ere. "Pero ano?" mabilis kong tanong sa kanya.

"Pero, mahal ko po kasi sya." tila ba nanlulumo nyang sagot.

Haayy...ang mga babae talaga. Tanga. Hindi marunong mag isip. Puro impulse lang ang pinaiiral. Madalas na isinasantabi ang utak. Tanga talaga.

"Jackelyn, love fades. Maaaring ngayon, masasabi mo na baka ikamatay mo kapag iniwan mo sya pero after how many days, weeks, months, years, kapag binalikan mo ang sitwasyon mo ngayon, masasabi mo na wala pala talaga syang kwenta. Wag mong isipin yung ngayon, isipin mo yung future. Wag mong isipin na pang forever ang love dahil nothing is meant to be forever. Love is nothing but a waste of time." Sagot ko sa kanya ng puno ng page emphasize. Para naman maintindihan nya at hindi sya magsisi.

Narinig ko ang buntong hininga nya mula sa kabilang linya. "Sige po, gagawin ko po ang sa tingin ko ay tama. Salamat po sa advice Ms. Jessica."

The Ultimate Man HaterWhere stories live. Discover now