CHAPTER 64

1.2K 37 10
                                    

— CHAPTER 64 —

» GAVIN'S POV «

“Ano ng balak mo ngayon, Dude?” Tanong ko kay Colton na kasalukuyang nagpapahinga ngayon.

Nandito pa din kami sa clinic dahil napag pasiyahan namin na magpahinga muna si Colton bago gumawa ng aksyon.

“Hindi ko pa alam, kailangan ko siya makausap. Kailangan ko sa buhay si Engot, hindi ko kayang mawala s’ya.” seryosong sambit niya ngunit tila ba naluluha siya base sa mga mata niya nagpupumigil lumuha.

“Paano na yung mukhang manikang girlfriend mo?” Tanong naman ni Steve sa kanya.

“I will break up with her.” seryosong sagot niya pa.

“Sigurado ka ba dyan, Dude? Paano kung hindi siya pumayag sa desisyon mo? Paano na si Amber?” sunod sunod na tanong pa ni Steve.

“Gagawin ko ang lahat, bumalik lang sa akin si Engot. Siya lang ang babaeng totoo kong minahal at wala ng iba.”

“Isang tanong, isang sagot Dude. May nararamdaman ka ba sa girlfriend mo?” Seryosong tanong naman ni Calvin sa kanya na ang tinutukoy ay ang girlfriend ni Colton na mukhang manika.

“Kahit ako ay nalilito na din sa nararamdaman ko, pero nakaka sigurado akong si Engot ang babaeng mahal ko.” sagot muli ni Colton.

“Kung ganon Dude, break up with her na sa lalong madaling panahon, dahil mas lalo lamang lalala ang sitwasyon kapag pinatagal mo pa ito.” suhestiyon ko naman.

“You’re right Dude. Ngayon naniniwala na akong may utak ka talaga.” gatol naman ni Steve na may halong pang aasar.

“Gag*! Ikaw lang yung walang utak sa ating apat.” sagot ko naman.

“Hahahaha whatever!”

» COLTON'S POV «

“WHATTT? YOU’RE BREAKING UP WITH ME?” galit na bunghalit sa akin ni Thalia.

“Yeah! Bumalik na ang mga alala ko Thalia at nasa iisang babae lamang ang puso ko. I’m really sorry.” seryosong sagot ko naman.

“Are you d*mn serious? Ako na ang mahal mo ngayon at hindi kung sino man dyan.” hindi pa din maalis ang galit na sambit niya.

“I’m really sorry, Thalia. Si Amber ang babaeng mahal ko, at siya ang totoong asawa ko. Patawarin mo sana ako.”

“You’re kidding me, right? Pagkatapos ng lahat basta basta mo na lang ako itatapon na parang basura?” diin sambit niya.

“Hindi ako nagbibiro Thalia, nagkamali ako. Malaki ang kasalanan ko sa’yo pero mas malaki ang kasalanan ko sa asawa ko dahil sa pesteng amnesia na ito. Minahal kita Thalia, pero mas mahal ko ang asawa ko. Patawarin mo sana ako, at hanggang dito na lang siguro ang kaya kong sabihin sa’yo.” saad ko pa na lalo niyang ikinagalit.

“NO! HINDI AKO PAPAYAG NA MAGHIWALAY NA LANG TAYO NG GANITO. AKO ANG GIRLFRIEND MO AT HINDI MO NA SIYA ASAWA, NAIINTINDIHAN MO BA YUN?” pasigaw na sabi niya.

“I’m sorry Thalia per—”

“Anong Thalia? Hindi yan ang tawagan natin dalawa, Colton.” naghihimutok pa din sa galit na sambit niya sa akin.

“I’m breaking up with you. I’m sorry Thalia, pero hanggang dito na lang tayo kahit na ano pang sabihin mo.” huling saad ko bago siya talikuran ngunit malakas na sumigaw ito para marinig ko.

“HINDI PA TAYO TAPOS COLTON AT KAYA KONG GAWIN ANG LAHAT, BUMALIK KA LANG SA AKIN.” galit na galit na sigaw niya at mas nauna pa ito sa akin umalis.

» AMBER'S POV «

“What’s your order Sir?” magalang na tanong ko sa unang customer ko.

Unang araw ko din ngayon sa trabaho kaya naman dapat kong pagbutihan mabuti ang aking trabaho dahil bibihira na lamang makahanap ng ganitong klaseng trabaho na maiintindihan ang kalagayan ko.

“Isa nga cappuccino at samahan mo na din ng dalawang cupcake caramel.” tugon nito sabay kindat sa akin.

Ang aga aga ang harot ng customer kong ito. Nako kung hindi ko lang unang araw ngayon sa trabaho, kanina ko pa na pektusan ito. Hmmpf!

“Okay, noted po Sir.” balik ngiting sagot ko naman dito.

Akmang tatalikod na sana ako upang ibigay ang mga order nito sa loob ng bigla naman hinawakan nito ang braso ko.

“Uhmm miss, can I get your number?” nagpapa cute na tanong nito.

“Ahh ano kasi Si—”

Sasagot na sana ako dito ng bigla naman lumabas mula sa kusina si Sir Liam at tiim bagang na nakatingin sa lalaki.

“Back off Bro.” suway naman ni Sir Liam dito na kanina pa pala sa amin nanunuod.

“Hahaha ikaw naman Kuya para hinihingi lang number ng cashier mo. Napaka higpit mo talaga masyado hahaha.” tatawa tawang sambit nito na ikinapagtaka ko.

Teka, magka kilala sila?

“Tsk! Kung pang babae lang hanap mo ay wala ka dito mahahanap, doon ka sa bar maghanap.” seryosong sambit ni Sir Liam dito.

Ngayon ko lang siya nakitang mag seryoso, pero ganon pa man ay gwapo pa din siya.

“I’m just kidding Bro hahaha.”

“Tsk! Ang aga aga mo mambwisit sa negosyo ko, doon ka na nga.” pagtatamboy ni Sir Liam dito.

“Bakit hindi mo muna ako ipakilala sa magandang binibini na ito, bago mo ako pa alisin?” naka ngising suhestiyon naman nito kay Sir Liam.

Wala ng nagawa si Sir Liam kaya naman pinag bigyan na ito, bago pa masira ang buong araw niya.

“Uhmm Amber, this is Lander my younger brother.” pakilala niya sa kapatid.

“Ahh hello po Sir Lander. I’m Amber Taylor Hw— Taylor lang po pala hehe.” pakilala ko sa akin.

Ano ba yan pati ba naman sa pagpapa kilala palpak pa din ako. Hayss!

“Don’t call me, Sir. Babe na lang para mas madal—ouchhh!”

Malakas na binatukan naman siya ni Sir Liam.

“Masakit yun Kuya ah.” reklamo naman nito.

Natawa naman ako sa inasal ng dalawa habang nag uusap.

“Naipakilala ko na siya sa’yo kaya makaka alis kana.” malakas na tinulak naman ito ni Sir Liam palabas ng milktea shop.

“See you tomorrow, Amber.” Dinig ko pang sigaw nito mula sa labas.

“Wala ng see you tomorrow dahil hindi na kita papasukin dito.” dinig ko pang sigaw ni Sir Liam sa kapatid niya.

Natatawa na lamang akong bumalik sa pwesto ko kanina dahil hindi na din naman magagawa ang inorder ng kapatid ni Sir Liam dahil umalis na ito.

— END OF CHAPTER 64 —

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon