CHAPTER 67

1.1K 29 8
                                    

— CHAPTER 67 —

» AUDREY'S POV «

Mag iisang buwan na kaming magka relasyon ni Calvin at kahit isang araw lang ay wala siyang pinalampas para hindi ako pa kiligin.

Sobrang saya ng relasyon namin dalawa at ang tanging mahihiling ko na lamang ay ang makasama siya habang buhay.

Sana siya na talaga yung taong para sa akin.

Sana ako na din yung babaeng nararapat para sa kanya.

Sana wala ng hiwalayan ‘to, dahil gusto ko siya na ang magiging una at huli kong mahahalin na lalaki.

“Mukhang malalim ata iniisip mo?” Tanong niya na kababalik lamang galing sa isang coffee shop.

Napag desisyonan namin na mag date muna bago umuwi ng bahay. Pagkatapos kasi ng klase ay niyaya niya akong mag kape, tutal naman ay wala akong gagawin kaya pumayag na lang din ako.

“Hmm wala naman napapa-isip lang ako sa magiging future natin dalawa.” sambit ko naman.

“Bakit naman? Hahaha.” natatawang tanong niya.

“Tingin mo ba tayo pa din hanggang dulo?” Wala sa huwisyong tanong ko.

“Alam mo hindi na muna dapat natin yan isipin dahil naniniwala ako na hanggat walang bumibitaw sa atin dalawa, ibibigay sa atin ni God ito.. kaya palagi natin ipaglalaban ang relasyon natin kahit ano mang problema ang dumating sa atin.” seryosong sabi niya.

“Hmmm kung sabagay, tama ka. Sana nga tayo ng dalawa sa huli dahil ayoko ng makita pang maiinlove sa ibang lalaki ang sarili ko.” sagot ko naman na ikina-kunot ng noo niya.

“Subukan lang nilang agawin ka sa akin, magkakaroon ng world wide five.” seryosong sabi nito.

“Meron ba nun?” Nagtatakang tanong ko.

“Oo at ako mismo magpapatunay na meron world wide five.”

Natawa na lamang ako sa huli niyang sinabi na tila ba ay tututohanin talaga niya.

» FELIX'S POV «

“Ohh hinay hinay lang sa pag takbo baka madapa ka.” sigaw ko sa kanya habang sinusundan nito ang puting paro paro.

Nandito kaming dalawa ngayon sa isang parke dahil dito niya gustong pumunta.

Namimiss daw niya ang childhood memories niya kaya naman naisipan niyang pumunta dito at bigla naman itong nakakita ng isang paro paro habang tinatayon ko ito sa duyan kanina at ngayon ay nga ay sinusundan pa din niya ito kahit saan magpunta.

Sobrang cute niya habang naka ngiting sinusundan ang paro paro.

Mabilis na kinuha ko naman ang cellphone ko at pinicturan siya.

Nang makakuha ako ng magandang litrato niya ay mabilis na pinalitan ko ang wallpaper ko at inilagay ang picture niya.

Sobrang ganda talaga niya kahit noong unang kita ko sa kanya sa campus. Hindi ko aakalain na sa dami ng babaeng nagkaka gusto sa akin sa school ay sa ganda pa niya ako na bighani.

Sobrang nakaka adik yung ganda niya kahit napaka simple lang niyang babae. Hindi siya para ayos katulad ng ibang babae na lahat ng make up ay inilagay na sa mukha. Tamang pulbos at liptint lamang sa kanya ay ang lakas na ng dating niya sa akin.

Siya yung babaeng matagal ko ng hinahanap. Walang arte sa pananamit lalo na sa sarili. Palaging nakangiti at nakakapag bigay ng saya sa ibang tao lalo sa mga kaibigan niya.

Masasabi kong sobrang swerte ko na sa kanya, dahil lahat ng hinahanap ko sa isang babae ay nasa sa kanya na.

“Ohh nasaan na yung paro parong hinahabol mo?” Tanong ko dito ng makabalik na siya.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon