CHAPTER 12

1.1K 42 1
                                    

— CHAPTER 12 —

» COLTON'S POV «

Nang makarating kami sa madaming tao ay bigla naman kumalas sa pagkakahawak ko si Engot.

Dire-diretso naman ito sa paglalakad habang gumegewang-gewang pa.

Nakita ko naman ang bag niya na nahulog sa kalsada, kaya naman dinampot ko ito at napansin ko si Engot na papunta sa isang aquarium na nasa labas ng isang shop.

Dali-dali naman akong pumunta sa kinaroroonan niya.

"Hoy Engot huwag ka dyan." Sigaw ko sa kanya.

Dinampot naman niya ang isang isda na nasa loob ng aquarium habang ngingiti-ngiti pang pinagmamasdan ito.

"H-Hoy ekaw! Batet ka nandeto sa loob neto, dapat lumelepad ka, kase engry berd ka.. engry berd ka. Naiintindihan mo ba aku? Hala! Sege lepad kana shooo... shooo hehehehe." Parang siraulo naman sambit niya habang kinakausap ang isda.

Hayss! Baliw talaga ang babaeng ito, pati ba naman isda ay Angry bird pa din ang tingin niya. Ganon na ba ako kalakas sa kanya?

"Hayss! Ano bang ginagawa mong babae ka? Nakakahiya ka talaga!" Suway ko naman sa kanya.

"Oyy Colton! Alam mo ba nandeto yeng kapated mo? Eto s’ya oh hehehe." Tumatawang sambit niya habang malamlam ang mga mata.

"Nako naman Engot hindi ibon yan. Akin na nga baka mamatay pa yan eh, magalitan pa tayo ng may-ari nito." Saad ko pa.

Kinuha ko naman ang isda na nasa kamay niya at agad ko din ibinalik ito sa lalagyan.

Bumitaw naman siya sa pagkakahawak ko at naglakad ulit.

Pagkabalik ko ng isda ay napalingon naman ako sa kinaroroonan ni Engot at humiga na ito sa kalsada habang pinagtitinginan ng mga tao.

Nilapitan ko naman siya at tinulungan makatayo.

"Hayss! Pasaway ka talaga, Engot!"

Hanggang sa makarating kami sa bahay ay agad na inihiga ko siya sa kama niya.

Grabe ibang klase ang babaeng ito kapag nalalasing.

» CALVIN'S POV «

Pagkapasok ko ng school ay agad na dumiretso ako sa music room para mag practice.

Hindi pa kami nagsisimula mag practice dahil hindi pa naman buo ang banda namin.

Pagkapasok ko sa loob ng music room ay agad na kinuha ko ang gitara na nasa gilid at nag simulang i-strum ito.

» AUDREY'S POV «

Inutusan naman ako ng P.E Teacher namin na kunin ang ibang instrument sa music room para sa gaganapin activity mamaya at bawat talento namin ay aming ang ipapakita.

Pagkapasok ko pa lang sa pintuan ay nakarinig agad ako ng nag gigitara habang kumakanta

[Insert: Gitara by Parokya ni Edgar]

Hahayaan na lang sila na magkandarapa na manligaw sa’yo ohhh...

Idadaan na lang kita sa awitin kong ito ohhh...

Nakita ko naman sa stage si Calvin na kumakanta.

Wala pa din talagang kupas ang pagiging magaling niya sa pag gitara.

Pagkatapos niyang kumanta ay ibinaba na niya ang gitara na hawak niya.

Dahan-dahan naman akong naglakad palapit sa mga instrument para hindi niya ako makita.

"Kanina ka pa ba dyan?"

Nagulat naman ako ng magsalita siya at bigla kong nabitawan ang hawak kong violin.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon