CHAPTER 61

974 29 0
                                    

— CHAPTER 61 —

» AMBER'S POV «

Pagsapit ng araw nang linggo ay maaga akong nagising dahil balak kong maghanap na ng trabaho.

Masyado na kasi akong na aawa para kay Mama sa probinsya na todo kayod sa pag tra-trabaho mapadalahan lang ako ng pera. Paubos na din kasi yung kaunting naipon ko sa pag tra-trabaho kala Mr. Han kaya naman medyo short na ako sa budget sa dami ng bayarin at isa pa ay madami din kaming binabayaran sa school. Wala na sana akong tuition dahil binayaran na lahat ni Lolo Connor noon ang pag aaral ko hanggang sa makatapos ako ng college sa Saebom University.

Mabilis na gumayak naman ako, at pagkatapos kong mag ayos ay paalis na sana ako ng tumawag naman sa akin ni Audrey.

Sinagot ko naman agad ang tawag nito.

“Hello Audrey, bakit napatawag ka?” Tanong ko dito.

“Gusto mo ba sumama sa amin ngayon mag mall ni Aimee?” masiglang tanong nito sa akin.

“Sumama kana sa amin Amby, minsan na lang tayo makagala e.” dinig kong sigaw ni Aimee sa kabilang linya.

“Nako pasensya na kayo, kailangan ko kasi maghanap na ng work ngayon dahil ayoko na din umasa kay Mama sa probinsya dahil sobrang laki na ng nagagastos niya sa akin, kaya maghahanap na muna ako ng panibagong trabaho.” saad ko naman.

“Huh? Maghahanap ka ng trabaho?” Tanong pa ni Audrey.

“Oo e.” sagot ko naman.

“Kung gusto mo bumalik na lang ulit tayo kala Mr. Han, tutal namimiss ko na din mag gitara, saka maka bonding ulit sila ni Ate Jade.” sambit naman ni Audrey.

“Alam mo kasi Audrey masyado tayong madaming memories sa Restobar nila Mr. Han at ayoko na muling maalala pa yun dahil lalong sumasakit lamang ang nararamdaman ko.” pag amin ko dito.

“Kung sabagay, pasensya na.” hinging pa umanhin nito.

“Okay lang, wala ka dapat ihingi ng pasensya.” turan ko pa.

“Kung gusto mo Amby doon na lang ikaw mag work sa coffee shop ni Mama, tutal kailangan pa namin ng isa doon.” dinig kong suhestiyon naman ni Aimee.

“Salamat na lang Aimee, pero mas gusto ko kasi tumayo naman sa mga paa ko na walang tumutulong sa akin. Gusto kong matuto sa buhay na ako lang muna mag isa ang mag aasikaso sa sarili ko. Salamat sa inyo, dahil kahit kailan hindi niyo ako iniwan.” naka ngiting sambit ko naman kahit hindi nila ako nakikita.

“Ano ka ba, tayo tayo lang din naman ang magtutulungan. Trio nga tayo hindi ba?” Ani Aimee

“Oo nga naman haha.” pag sang ayon ni Audrey.

“Ohh s’ya sige na aalis na ako, dahil mukhang may mga date pa kayo e haha. Salamat sa inyo.” panunukso ko naman sa mga ito.

“Wala ‘no.. kami lang dalawa aalis hahaha. S’ya sige, ingat ka ahh. Hindi ka na nga iningatan, hindi mo pa iingatan sarili mo hahaha chos.” Pagbibiro naman ni Audrey sa akin.

“Loka hahaha. Sige na aalis na ako, bye! Ingat din kayo.” paalam ko sa mga ito.

“Sige, byeee Amby! Goodluck sa paghahanap ng work.” sabay na sabi ng dalawa.

Pagkatapos ko magpaalam sa dalawa ay lumabas na ako ng bahay.

» COLTON'S POV «

“Baby, saan mo pa gusto pumunta?” Tanong ko kay Thalia.

Nandito kami ngayon sa mall dahil niyaya na naman niya ako mag shopping.

“Uhmmm kain muna siguro tayo baby, pagod na kasi ako e.” suhestiyon naman niya.

“Okay, saan mo gusto kumain?” Tanong ko muli sa kanya.

“Hmmm.. doon na lang tayo kumain sa condo unit ko, magpa deliver na lang siguro tayo. Napapagod na talaga ako e.” aniya pa.

“Sige, kung yan ang gusto mo.” saad ko pa.

Habang tinatahak namin ang palabas ng mall ay bigla naman kumirot ang ulo ko ng sobrang sakit.

Hindi ko alam kung dahil ba ito sa puyat o masyado lang ako napagod.

“Baby are you okay?” nag aalalang tanong ni Thalia sa akin.

“Yeah Baby. I’m okay, medyo sumakit lang ulo ko.” sagot ko naman kahit sobrang sakit talaga ng nararamdaman ko.

“Mabuti pa ay ako na mag dri-drive pauwi, magpahinga ka muna sa condo ko.” ani pa nito.

“No! I can drive.” pagmamatigas ko pa.

“Baby naman e, hindi na nga maganda ang pakiramdam mo.. nag pupumilit ka pa din.” tila naiinis na sabi niya.

“I SAID, I CAN DRIVE. MAHIRAP BANG INTINDIHIN YUN?” Bigla naman tumaas ang boses ko na siyang ikinagulat niya.

Nag tinginan naman sa amin ang mga taong nasa mall.

“Wag mo na lang ako ihatid, uuwi na lang ako mag isa.” tila galit na saad niya.

“NO. IHAHATID KITA.” Pagmamatigas ko pa.

“Kaya ko umuwi mag isa.”

Akmang aalis na sana siya ng mapaluhod naman ako sa sahig ng mall dahil sa sobrang sakit ng ulo na nararamdaman ko.

“Baby, okay ka lang ba talaga? Mabuti pa ay dadalhin na kita sa hospital.” bakas naman sa mukha nito ang pag aalala pero may kakaiba akong nakikita sa awra ng kaniyang mukha.

Something on her face that I can’t explain.

Bigla naman akong may narinig sa isipan ko na mga boses na hindi ko alam kung saan nang galing.

“Tama na yan Dude baka mabali na ang leeg mo kahahanap sa kanya.”

“Wag ka mag alala Tol makikita mo din naman yun sa bahay niyo e.”

“Oo nga, edi may time na kayo mag loving-loving mamaya pft hahahahaha.”

“Mga gago tumahimik nga kayo dyan.”

At ang mas ikinapagtataka ko pa ay may isang babaeng boses akong narinig at kausap ko ito.

“I-I loved you. I really do, hindi mo lang maramdam kasi Engot ka, dahil palagi mong iniisip na masama ako sa paningin mo at palaging tama lamang sa mga mata mo ay ang lalaking palaging nagliligtas sa’yo. Araw-araw kitang binabantayan bawat mga galaw mo, gusto man kita ipagtanggol pero palagi akong na uunahan ng iba. Gusto kitang ipagdamot sa kanya, pero hindi ko magawa dahil na din sa rules na sariling katangahan na ginawa ko. Patawarin mo ako Engot kung naging marahas ako, isa na din yun sa dahilan ko para mapansin mo naman ako. Hindi mo man na a-appreciate ang mga ginagawa ko para sa’yo, pero tandaan mo nandito lang ako palagi sa tabi mo.”

“M-Mahal din kita, Colton. Sorry kung may pagka Engot ako huhuhu. Pero kahit ganito ako minahal mo pa din ang pagka Engot ko huhuhu. Salamat talaga.”

“You’re always welcome to me, Engot. And huwag ka na din mag selos kay Nepnep dahil para sa akin ay mas importante ka.”

At mas lalo pang sumakit ang ulo ko ng may marinig na naman akong boses na sa tingin ko ay galing din mismo sa kanya.

“Mahal na mahal kita Angry bird.”

“I love you more, my Engot.”

Alam kong boses ko yun dahil sa pananalita pa lang ay alam ko na agad na ako yun.

Pero sino ang babaeng nasa likod ng mga boses na yun?

Sino ang Engot na kinakausap ko sa nakaraan ko?

Alam kong nakaraan ko ito, dahil tila ba kilalang kilala ko silang lahat sa isipan ko kahit tanging mga boses lamang nila ang naririnig ko.

Sino ka ba talaga?

Sino nga ba talaga ang mga taong nasa likod ng mga boses na iyon?

— END OF CHAPTER 61 —

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon