CHAPTER 27

871 27 0
                                    

— CHAPTER 27 —

» COLTON'S POV «

“Mukhang pagod na pagod ka ata.”

Bungad na saad ni Gavin pagbalik ko ng studio room.

Hindi ko na naabutan si Engot dahil sa bilis ng takbo niya, kaya naman bumalik ulit ako ng school at nagbabaka sakaling bumalik ulit siya dito pero nabigo ako dahil kahit anino niya ay hindi ko nakita.

“Nakita niyo ba si Engot?” Tanong ko sa kanila.

“Hindi e, kanina pa nga namin kayo hinihintay.” sagot naman ni Audrey.

“BULLSH*T!”

“Bakit may nangyari ba?” pag uusisa naman ni Aimee.

“Meron. Nawawala si Engot at hindi pa niya gaano kabisado ang lugar dito.” sagot ko naman.

Agad naman silang napatayo sa kinauupuan nila at hindi makapaniwala.

“ANO? NAWAWALA SI AMBER?” Malakas na sigaw naman nila.

“Oo, kaya kung pwede sana tulungan niyo akong hanapin siya.”

“Teka nga, bakit naman mawawala si Amber, eh hindi naman umaalis yun ng hindi kami kasama o kaya ikaw.” turan naman ni Audrey

“Oo nga.” Gatol pa ni Aimee.

“May hindi magandang nangyari kanina kaya siya umalis.” sagot ko.

“Ano nangyari?” tanong ni Calvin.

“Sa tingin ko sinet-up kami ni Nep at nakita kami ni Engot sa isang lumang classroom habang k-kahalikan k-ko s-si Nepthalie.” hindi makatingin saad ko.

“GAGO KA PALA PRE EH. BAKIT MO HINALIKAN ANG BABAENG TILAPYA NA YUN? YUCKKK!” nandidiring sambit ni Gavin sa akin.

“Niloloko mo ba ang kaibigan namin?” seryosong tanong ni Aimee.

“NO! Hindi ko niloloko si Engot at hinding hindi ko gagawin yun sa kanya dahil mahal ko siya. Si Nepthalie ang unang humalik sa akin.” Mabilis na sagot ko naman sa kanila.

“Demonyita talaga ang kurdapyang yun, humanda siya sa akin.” Sambit ni Audrey at mabilis na lumabas ng classroom.

“Oyy teka lang Audrey, saan ka pupunta? Hintayin mo ako.” Sigaw ni Aimee dito.

Agad din naman itong sumunod at lumabas din ng studio room.

» AUDREY'S POV «

Punyeta talaga yang babaeng anak ni Satanas.

Sinasabi ko na nga ba e, noon pa lang may nararamdaman na akong kakaiba sa babaeng yun.

Humanda siya sa akin. Tsk!

“AUDREYYYYYYY! TEKA SANDALI, HINTAYIN MO AKO.”

Dinig kong malakas na sigaw ni Aimee mula sa likuran ko.

Huminto naman ako sa paglalakad at hinintay siya hanggang sa makalapit siya sa akin.

“HAAAYYYYY! G-Grabe a-ang bilis mo naman maglakad.”

Hinihingal na sambit nito habang pinupunasan ang bawat butil ng pawis niya.

“Saan ka ba kasi pupunta?” tanong nito.

“Edi saan pa ba, doon sa babaeng kurdapyang yun.” sagot ko naman.

“Sama ako.”

“Oh edi tara na. Ano pa hinihintay mo dyan?”

Agad na naglakad naman kami papuntang cafeteria dahil siguradong nandun ang babaeng yun.

Pagkadating sa cafeteria ay agad na natuon ang atensyon ko sa tatlong babaeng malalakas tumawa na nasa gilid.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon