CHAPTER 43

645 18 0
                                    

— CHAPTER 43 —

» STEVE'S POV «

“Uy guys.. tara sa restobar ni Mr. Han doon tayo mag celebrate.” Yaya ni Amby sa aming lahat.

“Engot pwede naman sa bahay na lang TAYONG DALAWA mag celebrate e.” saad naman ni Colton at talagang nilakasan pa nito ang boses para iparinig sa aming lahat.

Ngayon ko lang nalaman na mas wild pa pala sa akin ang gago na ito kapag na iinlove. Grrrrr! Tsk!

“Hoy tama na nga yan, nakakadiri kayong dalawa.” Sabat ko naman na ikinasama ng tingin ni Colton.

“Bitter ka lang e.” ani Gavin.

“Gago! Ako bitter? Hindi ‘no. Tss!” katwiran ko naman.

“Ang sabihin mo binusted ka lang ni Jen kaya sina Colton at Amber ang pinag didiskitahan mo. Lol hahahaha!” pang aasar pa ni Gavin sa akin.

“Tarantado! Nasaan ba ang utak mo, ha? Bakit naman ako bubustedin nun, e hindi naman ako nanliligaw dun. Tss!” pa asik na sabi ko dito.

“Edi balak mo pa lang ligawan? Hahahaha.” may pilyong ngiting tanong ni Gavin.

“No way! May saltik ata ang babaeng yun e, hindi man lang nagpa salamat sa akin kanina. Tss!” dagdag ko pa.

“Kaya naman pala ganyan ka. Tsk!” sabat naman ni Calvin.

“Tama na nga yan mabuti pa tara na sa restobar nila Mr. Han.” ani Audrey

Sumakay naman kaming lahat sa kanya-kanyang sasakyan namin at dumiretso sa restobar.

» AUDREY'S POV «

Pagkadating namin sa restobar nila Mr. Han ay agad na humanap kami ng mauupuan.

Agad naman nag order ng sandamakmak na pagkain sina Colton.

Nagpa alam muna ako saglit sa kanila para pumunta kina Mr. Han para magpaalam din na hindi kami makakapag perform ni Amber ngayon.

Pumunta naman ako sa loob at nagtungo sa office ni Mr. Han at nadatnan ko sa loob silang dalawa ni Ate Jade habang nag uusap.

“Ohh Audrey! Anong ginagawa mo dito?” Tanong sa akin ni Ate Jade.

“Uhhmmm magpapalam lang po sana ako kay Mr. Han kung pwedeng bukas na lang kami ni Amber kumanta.” ani ko naman.

“Ohh sige iha.” ani Mr. Han

“Maraming salamat po Mr. Han.”

Pagkatapos kong magpaalam ay agad na lumabas ako ng office ni Mr. Han at nagtungo naman ako sa CR para mag ayos ng sarili.

Papasok na sana ako sa pintuan ng cr ng makabanggaan ko ang isang babae habang nakayuko ito.

“P-Pasensya na..”

Nagmamadaling saad nito at dumiretso na sa paglalakad.

Teka parang pamilyar yung boses niya ah.

Agad na sinundan ko naman ito at saktong nakita ko siya na nasa tapat lamang ng table namin nang makalapit ako sa kanya.

Mabilis na hinawakan ko ang balikat niya pa harap sa akin.

“A-AIMEE?...”

Maging sila Amber ay gulat na gulat din ng makita siya.

“U-Uhmm s-sige aalis na ako.”

Agad na pinigilan ko naman siya.

“Teka sandali lang..”

Humarap naman siya sa akin at bakas sa mga mata niya ang pagka lungkot.

“B-Bakit?” Kinakabahan saad niya.

“Pwede ka ba namin makausap?” tanong ko sa kanya.

“A-Ahh p-pasensya na nagmamadali ako e.” sambit niya.

Napansin ko naman ang pag iwas niya ng tingin sa amin.

“Aimee may hindi ka ba sa amin sinasabi?” Sabat naman ni Gavin.

“A-Ah w-wala.. s-sige aalis na ako.” aniya.

Agad na naglakad naman siya palabas ng restobar pero nabigla kami ng sundan siya ni Amber.

» AMBER'S POV «

Tumakbo naman ako palabas ng restobar at buti na lamang ay na abutan ko pa siya.

“Teka sandali lang Aimee.” Tawag ko sa kaniya.

Huminto naman siya sa paglalakad at humarap sa akin. Lumapit naman ako sa kinaroroonan niya at niyakap ito ng mahigpit.

“M-Miss na miss kana namin.” Umiiyak kong sabi sa kanya.

“A-Ako din naman e huhuhu. S-Sana mapatawad niyo pa ako.” Umiiyak na din niyang sabi.

“Wala ka naman dapat ihingi ng tawad sa amin e, dahil wala ka naman ginawang kasalanan.” sambit ko pa.

“S-Sorry gusto ko lang kayong protektahan kaya lumayo ako sa inyo.” pag amin niya.

Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

“Protektahan? Para saan?”

“Naalala mo pa ba yung mga nambubully sa akin noon sa dati kong pinapasukan? Sila yung dahilan kung bakit ako na hospital at pinagbantaan pa nila ako na kayo naman ang isusunod nila kaya naman natakot ako ng sobra at ang tanging alam ko lang na solusyon ay ang layuan kayo para hindi na kayo madamay pa ng dahil lang sa akin. S-Sorry Amber huhuhuhu.” Mahabang litanya niya.

“Bakit ngayon mo lang sinabi yan?”

Biglang saad naman ni Audrey na hindi namin namamalayan na nakasunod na pala sila sa amin maging sila Colton din.

“Patawarin niyo ako Audrey kung hindi ko agad sinabi sa inyo.” umiiyak pa din sagot ni Aimee.

“Hindi ba sinabi na namin sa’yo na kami na ang magiging tagapag tanggol mo at hindi ka namin iiwan.” Dagdag pa ni Audrey.

“S-Sorry talaga.” aniya pa.

“Wag kana umiyak Aimee, basta wag mong kakalimutan na nandito lang kami palagi sa tabi mo.” Pagpapagaan ko naman ng loob niya.

“Maraming salamat Amby... p-pero kailangan niyo pa din mag ingat, dahil baka nasa tabi-tabi lamang sila. Malaki ang Gang na kinasasangkutan nila Floricel kaya ganon na lamang sila kung mambully sa ibang studyante lalo na sa akin.” ani Aimee.

“Eh ano pang silbi namin dito kung hindi ka namin tutulungan? Tss!” sabat naman ni Steve na ikinatingin namin sa kanya.

Sabay-sabay naman kaming napatawa sa kanya.

“Tara na nga sa loob at mag celebrate tayo ng pagka panalo namin puro kayo drama dyan. Tss!” ani Colton.

Kahit kailan talaga napaka epal ng angry bird na ‘to, panira ng moment. Tsk!

Piningot ko naman siya sa isang tenga habang papasok sa loob.

“A—Aray.. a-aray.. Engot masakit ah.” sigaw pa niya.

“Yan ang bagay sa mga epal na katulad mo. Hmmpf!”

“Oo na... oo na..  s-sorry n-na. Tanggalin mo na kamay mo pleaseee?” pag mamakaawa niya.

“Sorry ng mukha mo. Tse!”

Narinig ko naman ang malalakas na tawanan nila Gavin at Steve sa likod namin.

Tss! Peste talaga ang lalaking ito kahit kailan. Hmmpf!

— END OF CHAPTER 43 —

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon