CHAPTER 16

1K 38 0
                                    

— CHAPTER 16 —

» RENZO'S POV «

Kanina pa ako nandito sa labas ng gate habang hinihintay siyang lumabas.

Papasok na ako ngayon at balak kong yayain ulit siyang sumabay sa akin pagpasok ng school.

Maya-maya lamang ay lumabas naman siya ng gate habang kasunod nito yung lalaking mayabang nung isang araw.

Tsk!

"COLTONNN! PASABAY AKO PUMASOK?"

Dinig ko naman sigaw niya dito habang nakasuot pa siya ng pajama.

Naka tingin lamang ako sa kanilang dalawa habang nag-uusap.

"Ayoko nga. Mag commute kana lang kung gusto mo, nagmamadali ako e." Dinig ko naman sagot ng kausap niya.

"Colton naman eh, malalate na ako kapag nag commute pa ako huhuhu. Pasabay na ako, please? Promise dadalian ko lang maligo huhuhu." Pagmamaka awa niya dito.

"Pwes! Kung ayaw mo malate, dalian mo na maligo at mag hintay ka ng sasakyan o kaya magpahatid kana lang sa Driver ni Mommy." pa asik na sagot nito kay Amber.

"Eh day off ngayon ng driver ni Momma huhuhu. Ang malas ko naman."

"Tsk! Bahala ka dyan, maglakad kana lang." ani nito at sumakay na kotse niya at umalis.

Nakita kong naka simangot naman ang mukha ni Amber kaya nilapitan ko ito.

"Tara, sumabay kana sa akin?" alok ko sa kanya.

"Oh Renzo, ikaw pala hehehe. Teka sa school ka din nag aaral? Bakit hindi kita nakikita doon?" Tanong naman niya.

"Uhmm yeah hahaha. Nung isang araw lamang ako nag transfer at ngayon pa lang ako papasok." Sagot ko naman.

"Ah ganon ba hehehe, pero baka malate ka kapag hinintay mo pa ako, at saka hindi pa ako naliligo napa tanghali kasi ang gising ko e hahaha." kakamot kamot sa ulo sabi niya.

"It’s okay, hihintayin na lang kita dito." sagot ko naman.

"WAHHHHH! Talaga? Sige sandali lang, maliligo lang ako." Aniya pa.

Agad naman siyang tumakbo papasok ng bahay para maligo.

» AMBER'S POV «

Sabay kaming pumasok ng school ni Renzo at sobrang daming studyante ang nakatingin sa kanya.

Syempre ang gwapo ng kasama ko ngayon eh hehehe, kahit ako crush ko din siya hehehe.

“Ano ba yan, may asawa kana Amber pero ang harot mo pa din.” suway ko naman sa aking isipan.

Magka-klase pala kaming dalawa dahil parehas din kami ng kursong kinuha.

Hanggang sa pagpasok namin sa classroom ay sinusundan pa din siya ng ibang mga studyante.

Pansin ko naman ang matatalim na titig sa akin ni Colton.

Problema niya?

Napansin ko naman ang babaeng katabi niya ngayon.

Anong ginagawa ng kurdapyang yan dito sa classroom namin?

Tsk! Nakakainis na ha.

Hmmm! Akala niya ba s’ya lang pwede humarot? Pwes ako din.

Nagpa kilala naman si Renzo sa unahan at pagkatapos ay umupo sa tabi namin nila Aimee.

"Magkakilala kayo?" Tanong sa akin ni Aimee pagka upo ko.

"Uyy sino siya? Infairness ang gwapo niya ah." usisa naman ni Audrey sa’kin.

"Ahh siya ba? Sila yung bagong lipat na kapitbahay nila Momma." sagot ko naman.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon