CHAPTER 1

2.7K 63 1
                                    

—CHAPTER 1—

» AMBER'S POV «

(Zaria Amber Taylor)

Lumipas ang isang buwan at nakilala ko din ang super duper ultra mega sungit na asawa ko.

Oo, dahil grabeng sungit niya pati na din nung araw ng kasal namin.

Yes, tama pagkakabasa niyo guys.. ikinasal na po kami ng masungit kong asawa pero pogi hehehe.

Ang bilis ng panahon hindi ba?

At ngayon nga ay kagigising ko lamang at agad na nag tungo ako sa kusina ng bahay niya.

Grabe sobrang laki ng bahay niya, siguro yung kwarto ko dito ay kasing laki lamang ng bahay namin sa probinsya.

Pagkatapos kasi namin ikasal ay naiwan sila Mama sa probinsya kasama ang makulit kong kapatid.

Hayss! Bakit ba kasi ako pumayag magpakasal sa apo ni Lolo Connor, kung alam ko lang na super suplado ng apo niya, edi sana hindi na ako pumayag magpakasal sa kanya huhuhu. Kaya heto ako ngayon sobrang namimiss sila Mama.

At siya nga pala, ipinalipat na din ako ng school ng Lolo ni Colton sungit.

Oo.. Colton sungit talaga, dahil sobrang suplado niya pagdating sa akin huhuhu. Wala naman akong ginagawa eh, basta nagagalit na lang siya kapag nakikita ako.

Para bang pinaglihi ata siya sa maganda kong face kaya ganon na lamang siya magalit kapag nakikita ako.

Hayss! Tama na ang kwento masyado na akong nagiging madaldal sa inyo, magluluto muna ako kahit hindi ako marunong magluto hehehe.

» COLTON'S POV «

(Colton Levi Hwang)

Bigla naman akong nagising ng may naamoy akong nasusunog.

F*ck! Ang bahay ko nasusunog na ata.

Dali-dali naman akong bumaba ng kwarto ko.

Tama kayo ng pagkakabasa, magka hiwalay nga kami ng kwarto dahil ayokong katabi ang isip bata na engot na yun. Tsk!

Pagkadating ko sa sala ay nakita kong nasusunog ang kawali na pinaglulutuan niya.

"GOOD MORNING, COLTON!"

Masiglang bati naman nito sa akin at hindi nito alintana ang nasusunog niyang niluluto.

"F*CK! MAY BALAK KA BANG SUNUGIN ANG BAHAY KO?" Galit na sigaw ko dito.

"Huh? H-Hindi ‘no hahaha. Nagluluto lang ako ng umagahan natin." Inosenteng sagot nito.

"TSK! YOU? STUPID GIRL.. KAHIT KAILAN TALAGA NAPAKA ENGOT MO, BALAK MO BANG PASABUGIN ITONG GASOL SA LAKAS NG APOY MO, HA? KUNG GUSTO MO MAMATAY NG MAAGA. PWES! IKAW NA LANG, DAHIL AYOKO PANG MAMATAY." Sumbat ko pa dito ngunit tila balewala lamang sa kanya ang mga sinabi ko.

"Sige sa susunod hihinaan ko na hehehe. Sorry hindi kasi ako marunong gumamit ng gasol e, kasi pugon lamang ang ginagamit namin sa probinsya." Pagkwe-kwento naman nito.

"TSK! GANYAN KA BA TALAGA, HA? HAYSS! NAPAKA ISIP BATA MONG BABAE KA. YUNG TOTOO TAO KA BA TALAGA, HA?" tanong ko muli sa kanya.

"Huh? Oo naman hahahaha. Nakaka usap mo nga ako eh, saka may mga kamay, paa, mata at iba pang parte ng katawan na katulad ng sa’yo, kaya masasabi kong totoong tao talaga ako hehehe." Parang batang sagot nito.

Hayss! Nakakainis. Bakit ba ako pumayag pakasalan ang isang engot na katulad niya?

Bwisit! Nakaka badtrip ng umaga ang babaeng ito.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon