CHAPTER 68

722 22 5
                                    

— CHAPTER 68 —

» AMBER'S POV «

Papasok na ako ng classroom ngayon at mukhang late na talaga ako dahil anong oras na ako nagising.

Napansin ko naman na may iba pang studyante naglalakad katulad ko sa hallway.

Natuon naman ang atensyon ko sa nag kukumpulang studyante.

Anong meron doon?

Sa sobrang kuryusidad ko ay napatingin na din ako.

Pinilit kong maki-siksik sa mga studyanteng nagkukumpulan para tingnan ang inousosyo ng mga ito.

Laking gulat ko naman ng makita kong puro sugat at magulo ang buhok ng dalawang babaeng nasa harapan ko ngayon na nag aaway at tila ba galit na galit sa isa't isa.

Teka, bakit hindi man lang nila awatin yung dalawa? Tila tuwang tuwa pa silang nakakakita ng ganitong sitwasyon ng pag aaway.

Hindi ko na natiis ang mga napapanood ko ngayon kaya naman pumagitna na ako sa kanilang dalawa at pinag hiwalay sila.

“Tama na! Ano ba kayo.” suway ko sa dalawa ni Thalia at Jen.

“Eh kasi yan bwisit na babaeng yan bigla na lang mang bubunggo.” malakas na bulyaw ni Thalia kay Jen.

“Kasalanan ko pa, na pa tanga tanga ka at hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?” ganting sigaw naman ni Jen dito.

Naalala ko na hindi nga pala birong makaaway itong si Jen dahil isa din itong palaban na babae, hindi katulad ko na kinakaya-kaya lamang ng iba.

“Sa susunod kasi tumingin ka din sa dinadaanan mo kung may mababangga ka bang tao.” galit pa din sabi ni Thalia kay Jen.

“Excuse me, inuulit kong tanong ha. Tao ka ba?” sarkastikong tanong ni Jen dito kaya naman mas lalo pang uminit ang ulo nito at akmang susugudin ulit si Jen ng mabilis na hawakan ko ang kamay nito at hinila sabay takbo ng mabilis.

Takbo lang kami ng takbo hanggang sa makarating kami sa labas ng clinic.

“Wait, I’m so tired na.” reklamo nito.

“Okay, sorry.”

Napansin ko naman dumudugo ang ibabang labi niya, marahil ay sanhi din siguro ng pag aaway nila ni Thalia kanina.

“Mabuti pa pumasok muna tayo sa loob ng clinic para magamot na din yan sugat mo sa labi.” suhestiyon ko naman.

“No thanks.” pagmamatigas nito at akmang aalis na sana ngunit mabilis na hinawakan ko ito sa mga kamay.

“Pwede ba kahit ngayon lang makinig ka sa akin?” mahinahong sambit ko.

Tila nag iisip pa siya sa isasagot ngunit pumayag dito ito sa kagustuhan ko.

» JEN'S POV «

Pumasok kaming dalawa sa loob ng clinic at napansin namin na mukhang wala ata yung nurse na nang gagamot.

Napansin ko naman kinuha niya ang isang maliit na first aid kit sa gilid at pinaupo ako.

“Halika, umupo ka muna. Ako na lang ang gagamot dyan sa sugat mo.” aniya.

Umupo naman ako sa isa sa mga higaan ng pasyente.

Sa mga oras na ito, sobrang laki ng pagsisisi ko dahil masyado kong jinudge noon ang pagkatao niya.

Sobrang bait pala talaga niya katulad ng sinasabi sa akin ni Renzo noon na iba siya sa mga babaeng nakilala niya. Hindi na talaga ako magtataka kung bakit siya ang nagustuhan ng pinsan ko.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon