CHAPTER 15

1.1K 41 0
                                    

— CHAPTER 15 —

» RENZO'S POV «

Kahapon pa ako naka transfer sa Saebom University at nandito ako ngayon sa kwarto ko habang nakahiga.

Bukas na lang siguro ako papasok dahil inaabot ako ng katamaran ngayon.

Ngayon alam niyo na siguro kung bakit tinatamad na akong pumasok sa iskwelahan? Hahaha.

"Oh anak, bakit hindi ka pa bumabangon dyan, hindi ka ba papasok?" Tanong sa akin ni Mommy pagpasok nito ng kwarto ko.

"Hindi na muna Mom, bukas na lang siguro ako papasok." sagot ko naman sa kanya.

"Bakit naman? Hindi ba at kahapon ka lang nag transfer sa bagong school mo?" tanong pa niya.

"Tinamatad ako ngayon pumasok Mom e." Katwiran ko pa.

"Hayss! Ohh siya sige, basta bukas pumasok kana ah." Aniya pa.

"Yes Mom."

"Sige bababa muna ako, ipapatawag na lang kita kapag kakain na." huling sambit niya.

Tumango na lamang ako na tanging sagot ko.

» COLTON'S POV «

Napag pasiyahan muna namin magpahinga para marelax ang boses ni Nepthalie, pati na din ang pakiramdaman niya.

Bakit ganon ang boses niya kanina? Parang kakaiba e, pero siguro nga masama lang ang pakiramdam niya kaya sumablay siya kanina sa high notes.

"Uhmmm Colton." Tawag ni Nepthalie sa akin.

"Hmmm?"

"Kilala mo ba yung girl kahapon?" tanong niya sa akin.

"Sino?"

"Yung babaeng grabe makatitig sa’yo kahapon, parang ang laki ng galit niya sa’yo e." tanong pa niya.

"Uhmmm—"

"Oo kilala siya ni Colton, kilalang kilala."

Bigla naman sumabat sa usapan namin si Gavin at masamang tingin ang ipinukol ko dito.

"Opss! Sorry Dude hahaha. Nakalimutan ko." mapang asar na sabi ni Gavin sa akin.

"Sino s’ya?" Pangungulit pa sa akin ni Nepthalie.

"She’s my wife."

Mabilis na sagot ko para manahimik na siya sa katatanong.

"WHAT? May asawa kana? Kailan pa?" Sunod-sunod na tanong niya.

"Last month lang."

"Aisssh! Bakit hindi mo sa akin sinabi." Tila inis na sambit nito.

Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at lumabas ng studio room.

» GAVIN'S POV «

Sinadya kong sabihin yun dahil masyado na akong na aartehan sa babaeng ito.

Nakita ko din sila kahapon kaya naman alam ko ang buong pangyayari.

Baka sabihin niyo chismoso ako ah. Nasaktuhan lang na papalabas din sana ako kahapon ng studio room at nakita kong nag iinarte ang babaeng yun kay Colton.

Tsk! Nakakasuklam ang babaeng tilapya na yun sa kaartehan.

"ARRGGGHHH NAKAKAINIS!"

Nagdadabog na sambit naman nito habang hindi mapakali sa kinauupuan niya.

Lumapit naman siya sa akin at tiningnan ako ng masama.

"Tsk! Nakakainis ka, bakit hindi mo sa akin sinabi na kasal na pala si Colton?" aniya sa akin.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon