CHAPTER 73

665 27 4
                                    

— CHAPTER 73 —

» AIMEE'S POV «

Wala akong magawa ngayon dito sa coffee shop ni Mama kaya naman tinext ko si Felix para papuntahin dito.

Agad naman itong nag reply at bigla na lamang nawala ang mga ngiti sa labi ko ng makita ko ang text nito.

“I’m sorry Aim, may ipinapagawa kasi ngayon sa akin si Dad for our business.” hinging pa umanhin nito.

“Okay lang, alam ko naman mas importante yan.” may bahid ng lungkot na reply ko sa text niya.

Hindi ko na hinintay pa ang susunod niyang reply at agad na pinatay ko ang aking cellphone.

“Hayss! Ano kaya magandang gawin ngayon?”

Sigurado naman akong busy ngayon sina Amber at Audrey dahil may trabaho at date ang mga ito.

Bigla naman pumasok sa isipan ko si Jennelyn at nagkaroon na agad ako ng idea.

Tinawagan ko naman ito at pati ito ay mukhang busy din dahil nakapatay ang cellphone nito.

Mukhang matetengga ata ako maghapon dito sa coffee shop ni Mama ah. Dati rati’y sanay naman ako mag trabaho dito noon, ewan ko ba simula ng maging kami ni Felix ay bihira na ako mamalagi dito sa coffee shop kung hindi rin lang ako kailangan dito ni Mama.

Maya maya lang ay may pumasok na isang lalaki at agad na namukhaan ko ito.

“Gavin?” agad na bungad ko dito.

“Hello Aimee!” naka ngiting bati ng loko sa akin.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko dito.

“Wala, magkakape.” sagot naman nito.

“Ah ganon, ano order mo?”

“Hmmm isang cappuccino at saka isang slice cake ng— teka may vanilla flavor ba kayo ng cake?”

“Meron.”

“Sige yun na lang, saka huwag mo masyado tamisan yung kape ko 5% sugar level lang. Dahil baka lalo akong maging sweet at habulin ng mga babae.” Pagbibiro nito.

“Ewan ko sa’yo, ang laki talaga ng sira mo sa ulo.” huling saad ko dito bago talikuran.

“hahaha joke lang.” huling dinig ko pa dito.

Pagkatapos ko magawa ang mga order ni Gavin ay nakipag kwentuhan muna ako sandali dito at katulad ko ay wala din siyang magawa ngayon kaya nakipag date na lamang daw siya sa sarili niya, tutal wala naman daw siyang girl na dina-date ngayon.

Ang lokong ‘to gwapong gwapo sa sarili pero wala man lang ka date. Pero gwapo naman talaga si Gavin kung tutuusin dahil habulin silang apat sa school ng mga babae, pero syempre mas gwapo pa din sa paningin ko si Felix hahaha.

» COLTON'S POV «

Pagkatapos ko makipag usap kay Thalia ay agad na dumiretso ako sa milktea shop na mismong pinag tra-trabahunan ni Engot.

Hindi ko alam ang una kong sasabihin pero bahala na.

Pagpasok ko pa lamang ng pinto ay bumungad agad sa akin si Engot na may kausap na dalawang lalaki habang kumakain ang mga ito.

Gulat na gulat na napatingin naman sa akin ang mga ito.

“It’s you again.”

“Who is he?”

“Anong ginagawa mo dito?” galit na tanong ni Engot sa akin.

Imbis na pansinin ang mga sinabi nila ay agad na dumiretso ako kay Engot at hinawakan ang kamay nito para ilabas sa milktea shop na iyon.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon