CHAPTER 47

588 23 0
                                    

— CHAPTER 47 —

» AMBER'S POV «

Nandito ako ngayon sa sofa habang hinihintay si Colton pati na din si Momma na umuwi.

Maya maya lang ay nakarinig ako ng pagbukas ng pinto.

Bumungad naman sa akin si Colton na ibang-iba ang itsura niya kumpara kanina bago siya umalis ng restobar.

“Okay ka lang ba?” Nag aalalang tanong ko sa kanya.

“Yeah.” tipid na sagot niya at nilampasan lamang ako.

Medyo nasaktan ako sa inasal niya pero hinayaan ko lamang ito.

“Bakit nga pala umalis ka agad kanina ag—”

“Magpapahinga na ako, bukas na lang tayo mag-usap.” walang reaksyon na saad niya.

“Kumain ka na ba? Teka ipaghahan—”

“I SAID MAGPAPAHINGA NA AKO, CAN'T YOU UNDERSTAND? TSS! KUNG SABAGAY STUPID KA NGA PALA. TSK!” Galit na sigaw naman niya sa akin.

Napaluha naman ako sa mga sinabi niya.

Oo alam kong tanga, bobo at wala akong kwentang tao pero hindi naman niya kailangan pang ipamukha pa sa akin at ulit ulitin, dahil sobrang sakit pala kapag sa taong mahal mo pa nang gagaling.

Oo inaamin ko na nasasaktan din ako noon sa tuwing sasabihan niya ako ng ganon, pero binabalewala ko lang dahil sabi ko sa sarili ko masasanay din ako sa kanya, pero sobrang sakit pala kapag sa mismong mukha mo pa sinabi lalo na at sa kanya pa nanggaling mismo.

Bigla naman nagbago ang expression ng mukha niya at lumapit sa kinaroroonan ko.

“F*CK! I'm sorry, Engot. Hindi ko sinasadya mga nasabi ko. Pagod lang talaga ako. Sorry.” Saad niya at niyakap ako.

Umalis naman ako sa pagkaka yakap niya at tiningnan siya ng diretso.

“Kahit pagod ka hindi mo kailangan ipamukha sa akin kung gaano ako ka tanga. Oo alam kong tanga, bobo at walang kwenta akong tao, pero hindi mo na kailangan pang sabihin sa mukha ko at ulit ulitin.. D-DAHIL S-SOBRANG S-SAKIT COLTON.. SOBRANG SAKIT DAHIL SA’YO PA NANG GAGALING!” Napalakas na din ang boses ko dahil hindi ko na napigilan ang damdamin ko.

Lumabas naman ako ng bahay at hindi ko na alam kung saan ako dinala ng mga paa ko.

» AUDREY'S POV «

Nasa kalagitnaan na nang hating gabi ng biglang may kumatok sa kwarto ko agad na pinagbuksan ko naman ito.

“Ohh Mommy! Bakit po?”

“May naghahanap sa’yo sa labas kaya pinapasok ko muna siya.. kaibigan mo daw s’ya.” saad ni Mommy.

“Ahh ganon po ba. Sige po, bababa na din po ako.” sagot ko naman.

“Ohh sige, ikaw na bahala sa kanya matutulog na ulit ako.” aniya pa.

“Sige po.”

Pagkababa ko ng kwarto ay nakita ko naman si Amber na nakaupo sa sofa habang namumugto ang mga mata.

“Amberrr.. bakit umiiyak ka? May nangyari ba?” Nag aalalang tanong ko sa kanya.

Lalo naman siyang umiyak ng makalapit ako, kaya naman niyakap ko agad siya ng mahigpit.

“Sshhhh.. tahan na, kung ano man yan magiging maayos din ang lahat.” Pagpapatahan ko naman sa kanya.

“A-AUDREEEEEEYYYY HUHUHUHUHU.” malakas na pag iyak niya.

“Nandito lang ako. Sige, iiyak mo lang yan.” pagpapa gaan ng loob sa kanya.

Hanggang sa tumigil siya sa kaiiyak ay saka lamang siya humarap sa akin.

“A-Audrey p-pwede bang makitulog muna dito sa inyo?” Sisinok-sinok na sabi niya.

“Oo naman.. ikaw pa ba.” naka ngiting sagot ko sa kanya.

“Gusto ko tabi tayo para may katabi ako. Pwedeee?” Nagpapa cute na saad niya.

“Oo naman syempre.. bakit hindi hahaha.” Natatawang sabi ko.

“Yey! Tara na tulog na tayo inaantok na ako e.”

Kahit kailan talaga parang bata siya hahaha. Mabilis na lang magbago ang mood.

“Ohh sige hahaha.”

Hinayaan ko na lamang siya na hindi mag kwento at hindi na ako nagtanong pa, dahil mas makakabuti kung itutulog na muna niya lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon.

» COLTON'S POV «

Magdamag hindi umuwi si Engot kaya naman sobrang nag alala ako, buti na lamang ay tumawag sa akin kagabi si Audrey para sabihin na nasa bahay niya si Engot kaya naman naalis ang kaba nararamdaman ko.

Papasok na ako ng classroom ng makasalubong ko si Engot na mukhang palabas ng classroom kasama sina Aimee at Audrey.

Hinarangan ko naman ang dadaanan niya kaya naman napatingin ito sa akin na may malamig na awra na siyang ikinagulat ko.

Walang makikita sa mukha niya ngayon lalo na ang pagka masiyahin at makulit na Engot. Ibang iba ang Amber na nasa harapan ko ngayon kumpara sa naka sanayan kong ugali niya.

“U-Uhmmm E-Engot pwede ba tayo mag-usap ng tayong dal—”

Imbis na sagutin ako ay humarap lamang ito kay Aimee na nakangiti na tila ba parang hangin lamang ako sa paningin niya.

“Dali Aimee may bibilihin ka pa di ba? Tara daliii.” Naka ngiting saad niya at hinila ito palabas pati na din si Audrey.

Nginitian lamang ako ng tipid ni Audrey bago lumabas ng pintuan.

» AIMEE'S POV «

Nandito kaming tatlo ngayon sa cafeteria at kanina ko pa napapansin na tahimik si Amber.

“Amby may nangyari ba sa inyo ni Colton? Bakit hindi ata kayo nagpapansinan?” Usisa ko naman sa kanya.

“Huh? U-Uhmmm hehehe wala yun.” sagot naman niya at tumingin na sa ibang direksyon na parang iniiwasan ang tanong ko.

Humarap naman ako kay Audrey at sinenyasan ito gamit ang tingin at katulad ko ay nagkibit lamang ito parang sinasabi niya na wala din siyang alam, kaya naman hinayaan ko na lamang sila at kumain na lang ako.

— END OF CHAPTER 47 —

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon