CHAPTER 51

701 22 0
                                    

— CHAPTER 51 —

» AIMEE'S POV «

Kanina pa kami nakatayong dalawa ni Audrey sa tapat ng boarding list habang hinihintay si Amber.

“Ano wala paba si Amby?” Tanong ni Audrey sa akin.

“Wala pa nga e.”

“Grabe ang tagal naman niya, halos isang oras na ata tayong nakatayo dito e.” reklamo pa niya.

Kung sabagay kanina pa naman talaga kami naghihintay kay Amber dito e.

Maya maya lang ay na tanawan ko na si Amber na naglalakad sa hallway.

“Ayon na si Amber.” Turo ko dito.

“Hayss sa wakas dumating din ang babaeng yan.” Dagdag pa ni Audrey na kanina pa naiinip kahihintay.

Pagkalapit ni Amber sa kinaroroonan namin ay agad na nagsalita ito.

“Oh bakit nandito pa kayo? Hindi pa ba kayo pumupunta sa classroom?”

“Haleeerrr! Hindi pa ‘no.. kanina ka pa namin hinihintay. Bakit ngayon ka lang?” Sambit ko naman.

“Eh nasiraan yung jeep na sinakyan ko e, kaya nag hintay ulit ako ng masasakyan.”

“Oh s’ya tama na muna ang chismisan tara na sa classroom dahil late na tayo sa first subject natin.” Turan pa ni Audrey.

Agad na sumunod naman kami sa kanya ni Amber.

» STEVE'S POV «

Habang naglalakad kaming tatlo sa gitna ng soccer field ay biglang nag sigawan ang mga tao.

“GIRLS! NANDYAN NA SILA STEVE.”

“OMG! HINDI AKO MAKAHINGA, SOBRANG GWAPO TALAGA NI CALVIN.”

“ANG CUTE TALAGA NG BABY GAVIN KO.”

Mas ikinagulat naman namin tatlo ang pag sigaw ng isang babae na kabilang sa mga natitilian sa amin.

“OMG GIRLS! SI COLTON HWANG NANDITO NA S’YA!”

“WAAAAAAHHH BUMALIK NA S’YA!”

“SA WAKAS MAKUKUMPLETO NA DIN SILANG APAT ULIT.”

Sabay sabay naman kaming lumingon sa tinitingnan nilang lalaki na naglalakad ngayon na walang emosyon na mababakas sa mukha nito kung hindi ang pagka seryoso lamang habang walang pakialam sa paligid. Mukhang bumalik ang dating Colton pero mukha atang mas kakaiba ngayon.

“Mga pre si Colton nga.” Gulat na bulalas ni Gavin.

“Bumalik na s’ya.” ani ko.

Lumapit naman kami sa kinaroroonan nito.

Mukhang hindi nito napansin ang paglapit namin tatlo.

“Putcha! Long time no see, pre. Anong nangyari sa’yo bakit ang tagal mong nawala?”

Agad na saad ni Gavin dito pagkalapit namin sa kanya.

“Kailangan mong magpaliwanag.” Seryosong saad naman ni Calvin dito.

Tumingin lamang ito sa amin ng diretso bago nagsalita.

















“Kilala ko ba kayo?”

Tanong niya sa amin na ikanahagalpak namin ng tawa maliban kay Calvin na seryoso pa din ang mukha.

“Pfft! Nagpapatawa ka ba pre? Hahaha bentang benta ah.” tumatawang sambit ni Gavin.

“Seriously bro. Hindi mo kami kilala? Pfft bwahahahaha! Huwag mong sabihin nagka amnesia ka.” Natatawang sagot ko naman.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon