CHAPTER 76

857 22 6
                                    

— CHAPTER 76 —

» AIMEE'S POV «

Habang naglalakad ako pauwi ng bahay ay nakita ko si Felix na may ibang babaeng sakay sa kotse niya.

Bigla naman akong napatigil sa paglalakad at tiningnan ang papalayong sasakyan nito.

Imposibleng magawa sa akin ni Felix ang nasa isipan ko ngayon. Hindi niya ako magagawang lokohin.

Ilang araw ng hindi pumapasok si Felix at hindi na din siya nagpaparamdam sa akin kahit sa text o tawag man lang.

Palagi pa din akong nag u-update sa kanya kahit alam kong busy siya, pero mukhang iba pala ang pinagkaka busy-han niya.

Bigla ko naman nilabas ang cellphone ko mula sa aking bulsa at tinawagan ang number nito.

Nakaka tatlong tawag na ako bago nito sagutin ang tawag ko.

“Hello Aim?” agad na bungad nito sa akin.

“Nasaan ka?” seryosong tanong ko sa kanya.

“Papunta ako ng school, bakit? Nasa school ka pa ba?” Tanong nito sa akin.

So, tama nga ako nang nakita? Si Felix nga iyon, pero sino yung babaeng kasama niya?

Imbis na sagutin ang tanong niya ay agad na dinerekta ko ito ng tanong.

“Pwede ba tayo magkita ngayon?” medyo na iinis pa din tanong ko.

“Okay sige, sandali lang. Nasaan ka? Susunduin na kita.” suhestiyon pa nito.

“Hindi na, magkita na lang tayo sa coffee shop ni Mama.” Ani ko.

“Sige.” mabilis na sagot nito.

Pagkapatay ko ng tawag ay agad na akong nagpara ng taxi para mas mapadali akong makapunta sa coffee shop ni Mama.

Wala naman sana talaga akong balak pang pumunta sa coffee shop ni Mama pero kailangan kong makausap si Felix dahil hindi ako mapapakali kapag hindi ko siya nakausap ngayon.

Pagkadating ko ng coffee shop ay maya maya din ay nandyan na siya.

Naka ngiting lumapit naman ito sa akin at akmang hahalikan ako sa pisngi ng mabilis na iniiwas ko ang mukha dito.

Nagtataka man ay umupo na lamang ito sa kaharap na upuan ko.

“I’m sorry kung hindi man lang ako nakapag update o text sa’yo ng ilang araw, sobrang dami talagang ipinagawa sa akin ni Dad, kaya sobrang busy ko nitong mga nakaraang ara—”

Hindi ko na siya pinatapos pa dahil na kanina pa talaga umiinit ang bibig ko na magsalita.

“Busy saan? Sa babae mo?” prangkahang sagot ko.

Nagtataka naman siyang tumingin sa akin.

“What? Babae ko?” kunot-noong tanong niya.

“Alangan naman babae ko, pwede ba yun?” sarkastikong sagot ko.

“Wait, hindi ko maintindihan ang sinasabi mo?” clueless pa din tanong niya.

“Hindi mo ba talaga na iintindihan o sadyang nagkukunwari ka lang?” inis na tanong ko pa.

“Aim, maniwala ka sa akin. Wala akong ibang babae dahil ikaw lang yung nag iisang babae sa buhay ko, at hindi ko magagawang lokohin ka. Sobrang busy kong tao, tingin mo ba magkaka oras pa akong mang babae kung minsan nga ay hindi ako makapag update sa’yo dahil sa sobrang busy ko. Tapos mang bababae pa ako? That’s impossible. Tsk!” katwiran pa niya.

“Eh kung ganon, sino yung babaeng nakasakay sa kotse mo kanina habang papunta ng school?” naka taasang kilay na tanong ko na naman.

Bahagya naman siyang napangiti na nakakapang asar.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon