CHAPTER 48

598 23 0
                                    

- CHAPTER 48 -

» COLTON'S POV «

Katatapos lang ng klase at nandito na ako sa parking lot habang hinihintay si Engot.

Kailangan namin mag-usap dalawa. Bakit kasi sobrang tanga ko at nasabi ko sa asawa ko yun.

I'm really sorry Engot...

Habang hinihintay ko siya ay biglang nag vibrate ang phone ko at nakita kong tumatawag si Mommy.

"Hello Mo-"

"A-Anak k-kailangan kita ngayon din mismo." Umiiyak na saad ni Mommy sa kabilang linya na biglang ikinakabog ng dibdib ko.

"Okay Mom! Papunta na ako dyan." mabilis na sagot ko.

Tiningnan ko muna saglit ang gate at nagbabaka sakaling makita ko si Engot ngunit wala pa din siya.

Agad na sumakay naman ako ng kotse ko at pinaandar ito.

Hayss! Bakit ba sa tuwing magkakaroon kami ni Engot ng time para makapag usap ay palagi naman may nangyayaring hindi maganda.

» AMBER'S POV «

Kanina pa ako nandito sa gilid ng gate na katapat lang mismo ng parking lot habang naka tingin kay Colton mula sa malayo.

Hayss! Hindi pa ba siya aalis?

Tss! Ayoko muna siya kausapin ngayon dahil sobrang sakit pa din talaga ng mga sinabi niya sa akin.

Maya maya lang ay napansin kong may kausap si Colton sa cp at mukhang nagmamadali itong sumakay sa kotse niya, kaya naman lumabas na ako sa pinagtataguan ko para mag abang ng taxi.

Hayss! Buti naman umalis na din siya, ten minutes na akong late sa restobar e.

» RENZO'S POV «

Palabas na ako ng gate nang biglang may humarang naman sa dadaanan ko.

"Hey, still remember me?" ani nito.

Napansin ko naman na mukhang wala itong kasama.

Tss!

Imbis na sagutin siya ay nilampasan ko lamang ito, pero mukhang may pagka makulit talaga ang isang ito dahil mabilis na sinundan ako nito at humarang sa dadaanan ko ulit.

"Alam mo gusto ko yang pagka masungit mo hahaha." Prankang saad nito sa akin.

"Then, l don't like you too. So, get out of my way. Tsk!" Supladong saad ko pa.

"Aalis lang ako kapag nakipag date ka sa akin ngayon." prankahan sambit niya.

Tss! May sira ba sa ulo ang babaeng ito?

Ni hindi ko nga siya kilala, kaya bakit makikipag date ako sa kanya?

"What? Tss! Nagpapatawa ka ba Miss haha?" Tila nakaka asar na tanong ko.

"No! I'm d*mn serious." Tila naiiritang sagot nito.

"Tsk!"

Hinawakan ko naman ang balikat niya at tiningnan siya ng diretso.

"GET-OUT-OF-MY-WAY..." Diin sambit ko.

Mukhang natauhan naman ito sa sinabi ko kaya naman umalis siya sa dadaanan ko at nagpatuloy na ako sa paglalakad muli.

» STEVE'S POV «

Malapit na dumilim pero hanggang ngayon ay nandito pa din ako sa loob ng court habang naglalaro.

Eh sa trip ko ngayon maglaro kahit tapos na ang laban namin.

Akmang ipapa-shoot ko na ang bola sa ring ng biglang nakarinig ako ng isang tinig ng babae na umiiyak na nagmumula sa dulo ng court na kung saan madilim.

F*CK! Huwag ninyong sabihin na totoo yung kumakalat na chismis na may nagmumulto daw na babae dito sa loob ng court?

Nakaramdam naman ako ng malakas na hangin na siyang ikinataas ng mga balahibo ko.

Hindi ako bakla pero marunong din akong matakot sa multo.

Inihakbang ko naman ang mga paa ko papalapit dito.

"U-UHMMM.. H-HEY A-ANYBODY'S HERE?" Pasigaw na tanong ko.

Ngunit nanatili pa din sa aking pandinig ang boses na iyon, kaya naman nakaramdam na ako ng sobrang takot at pati na din ang mga bawat butil ng pawis sa aking noo ay unti-unti ng nagsisihulugan sa aking mukha.

Humakbang ako palapit sa kinaroroonan ng boses na iyong hanggang sa...

"WAAAAAAAAHHH FVCK! MAY MULTOOOO! TULONG! TULUNGAN NIYO 'KO."

Malakas na sigaw ko ng may isang babaeng mahaba ang buhok ang lumabas mula sa madilim na sulok.

"GAGO KA BA! MUKHA BA AKONG MULTO?" Malakas na asik nito sa akin kaya naman napatigil ako sa pagsigaw at hinarap ito.

"I-Ibig m-mong sabihin hindi ka multo?" Tanong ko sa kanya.

"Meron bang multo na kasing ganda ko?" Tila inis na tanong muli nito.

Nang maaninagan ko ang mukha nito ay saka lamang nawala ang takot ko.

"J-JENELYN?.."

"Oo ako nga. Tsk! Ang tapang-tapang mo sa ibang tao, tapos sa multo takot ka?" Saad niya.

"U-Uhmmm he-he-he! Ano pala ginagawa mo dito?" Kakamot-kamot sa ulo na tanong ko.

"Nakikita mo naman na umiiyak di ba? Nagtatanong ka pa." sarkastikong sagot niya.

"Uhmm l mean.. bakit umiiyak ka dito mag-isa?" Tanong ko pa.

"Bakit kailangan ba kapag umiyak BY GROUP?" Pambabara naman nito sa akin.

"Uhmm hindi naman haha. Bakit ka nga pala umiiyak may problema ka ba?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Ehh ano naman pakialam mo?" supladang sabi nito.

"Hayss! I'm just concern. Masama ba magtanong?" saad ko pa.

"Oo, lalo na kung ikaw. Tss!" Pambabara ulit nito.

"Hayss! Kailan kaya kita makakausap ng maayos?"

"Siguro kapag patay kana." sagot pa niya.

"Aww grabe ka naman. Paano tayo makakapag usap ng maayos nyan kung patay na ako?" Tanong ko naman sa kanya.

"Edi ikaw na ang gumawa ng paraan.. ikaw ang mag adjust. Tsk!"

"Ang suplada mo talaga kahit kelan." sambit ko naman.

"Ehh ano naman ngayon?" Nakataasang kilay na tanong niya.

"Wala hehehe."

"Wala naman pala e, tabi nga dyan uuwi na ako." pa asik na sabi nito.

"U-Uhmm g-gusto mo ba ihatid na kita?" Suhestiyon ko naman.

"Hindi na, dala ko naman ang sasakyan ko." sagot pa niya.

"Okay! Take care."

"Tss!"

Iniwan naman ako nitong mag-isa sa court at maya-maya lang ay nakaramdam ulit ako ng pagtaas ng mga balahibo ko kaya naman sumunod na din ako sa kanya sa parking lot, baka mamaya makakita pa ako ng totoong multo eh.

Hoy hindi ako bakla 'no. Takot lang talaga ako sa multo. Tss!

- END OF CHAPTER 48 -

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon