CHAPTER 66

1.1K 25 8
                                    

— CHAPTER 66 —

» AMBER'S POV «

Medyo late na at katatapos lang maubos ng mga customer namin.

Pagtingin ko sa orasan ay pasado alas nwebe na ng gabi. Nag overtime kami ngayon ng isang oras dahil sa dami ng mga customer na pumapasok, at nauna ng umuwi yung ibang kasamahan ko kaya ako na lamang ang natira at si Sir Liam na busy sa pag co-compute ng mga kinita namin ngayon araw.

Sobrang laki ng benta namin ngayon dahil sa dami ng customer namin maghapon.

Kinuha ko na ang bag ko at pumunta sa kinaroroonan ni Sir Liam para magpa alam dito.

“Uhmmm Sir Liam.. uuwi na din po ako.” paalam ko sa kanya.

Kahit busy ito ay humarap naman siya sa akin at ngumiti.

“No, ihahatid na kita. Masyado ng gabi at isa pa ay babae ka. Delikado sa labas.” aniya naman.

“Ahh hindi na po Sir, kaya ko naman po ang sarili ko.” sagot ko naman.

“Hindi. Ako ang maghahatid sa’yo, sandali lang tatapusin ko lang ito.” sambit naman niya at itinuon muli sa desk niya ang atensyon.

Pagkatapos niyang mabilang ang lahat ng benta ay niyaya na niya akong umuwi.

» COLTON'S POV «

Magkakalahating oras na akong naghihintay dito sa labas ng boarding house ni Engot ay wala pa din siya.

Nasaan na kaya siya?

Sana naman ay nasa maayos siya ngayon.

Maghihintay pa ako ng kaunting oras at magbabaka sakaling uuwi na din siya.

Maya maya lang ay may pumaradang kotse sa harapan ko at bumaba si Engot habang naka ngiti ito.

At ang mas ikinagulat ko pa ay ang pagbaba ng isang lalaking hindi ko kilala sa kotse nito.

‘Boyfriend ba siya ni Engot?’

Unang pumasok na tanong sa aking isipan.

Nawala naman ang pagkaka ngiti ni Engot ng makita ako.

“Anong ginagawa mo dito?” kunot noong malamig na tanong niya.

“Engot we need to talk.” seryosong sambit ko.

“Hindi ba sinabi ko na sa’yo na wala na tayong dapat pag usapan pa.” seryosong sambit niya.

“Engot please.. hayaan mo akong magpaliwanag.” pagmamakaawa ko dito.

Nanatiling nanunuod lamang sa aming dalawa ang lalaking kasama niya na mababakas ang madaming katanungan.

“Pwede ba Colton, layuan mo na ako. TAPOS NA TAYO AT WALA KANA BABALIKAN PA.” diin ngunit may halong galit na sambit niya.

Akmang lalapit sana ako kay Engot upang hawakan ito ngunit mabilis na humarang sa kanya ang lalaking kasama niya.

“Mas maganda siguro Pre kung some other day mo na lang siya kausapin.” mahinahong suhestiyon nito.

Bigla naman uminit ang ulo ko dahil sa pagkapit ni Engot sa likod nito.

“Pwede ba Pre, hindi ikaw ang kinakausap ko kaya tumabi ka dyan.” pa asik na saad ko dito.

“Alam ko, pero kailangan na niyang magpahinga.” pagmamatigas pa nito.

“Pwede ba Colton umuwi kana.” galit na sambit naman sa akin ni Engot mula sa likudan ng lalaking kaharap ko.

“Pero Engot hayaan mo akong magpaliwanag.” pakiusap ko pa dito.

“Wala na tayong dapat pag usapan pa Colton. Ilang beses ko ba dapat sabihin yan sa’yo?” Tila umiiyak na saad niya.

“P-Please stop crying Engot.. kahit lumuhod pa ako sa harap mo gagawin ko, bumalik ka lang sa akin.” pagsusumamo ko sa kanya.

Wala na akong pakialam kahit nasa harapan ko pa ang lalaking ito. At mas lalong wala na din akong pakialam kung boyfriend pa siya ni Engot dahil ang gusto ko lang ay bumalik siya sa akin. Gagawin ko ang lahat bumalik lang kami sa dati.

“Please lang Colton umuwi kana, gusto ko na magpahinga.” umiiyak ng pakiusap niya.

“Okay, sige kung yan ang gusto mo. Uuwi ako pero gusto kitang makausap kahit sa ibang araw na lang. Bye Engot.” paalam ko.

Wala na akong nagawa kung hindi ang umuwing laglag ang mga balikat. Ang daming katanungan sa aking isipan na tanging siya lang ang makaka sagot.

Sino ang lalaking yun?

Hindi na ba niya ako mahal?

May ibang lalaki na ba siyang minamahal?

Bakit ganito kasama sa akin ang mundo? Tila ba ipinagkait siya sa akin ng lahat.

Sobrang daming problemang dumadaan sa amin dalawa pero hindi ako dapat sumuko dahil siya lang ang babaeng gusto kong makasama habang buhay.

Pagkauwi ko ng bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko para magpahinga. Sa ibang araw ko na lamang siya kakausapin dahil mukhang ayaw pa talaga niya akong makita o makausap.

» AIMEE'S POV «

Monday ngayon at nandito na kaming dalawa ni Audrey sa classroom habang hinihintay si Amber.

“Mukhang mala-late ata ang bruhang yun ah.” saad ko naman.

“Hayaan mo na, mukhang napagod ata siya sa trabaho kaya na late ng gising.” saad naman ni Audrey sa akin.

“Hayss! Kawawa naman si Amby, sobrang daming problemang pinag dadaanan. Napaka bata pa niya para maranasan ang lahat ng iyon.” malungkot na sabi ko pa.

“Alam mo kasi, lahat naman ng tao ay may kanya kanyang pinag dadaanan na problema, at inibigay yun sa atin ni God para i-challenge tayo sa buhay natin at para na din mas lalo tayong tumatag at maging malakas sa lahat ng pagsubok na ating haharapin sa buhay.” may puntong sambit ni Audrey.

“You’re right. Sa dami ng pinag daanan natin lalo na yung pambubully sa akin noon na hinding hindi ko makakalimutan.” saad ko naman.

“Oo nga pala, kumusta na kaya yung mga nambully sa’yo noon sa dati mong school?” Tanong naman niya sa akin.

“Ayon mukhang nakahanap na sila ng mga katapat nila. Natatandaan ko pa na binantaan pa niya ako noon na iisa-isahin nila tayo pero mabuti na lang ay kinarma na sila sa mga pinag gagawa nila sa akin noon.” ani ko.

“Bakit anong nangyari sa kanila?” Tanong muli ni Audrey.

“Balita ko noon sa mga ka dati kong ka klase na sina Poly, Sashimi at Gia daw ay maagang nabuntis at ngayon nga ay may sarili na silang pamilya.” saad ko pa.

“Eh ano naman nangyari doon sa dalawang pa nilang kasamahan?”

“Sabi nila sina Flory at Tanya daw ay nagtatago ngayon maging sina Poly, Sashimi at Gia dahil may nakalaban daw ito noon na isang malakas na gang at hanggang ngayon ay hinahanap pa din sila.” pag kwe-kwento ko.

“Ay mabuti naman at kinarma na sila sa mga ginagawa nila noon sa ibang studyante lalo na sa’yo. Nako mga napaka huthutera nilang lima. May makita lang na pera ay kukunin nila, hindi sila marunong mag trabaho para sa sarili nila. Tsk!” tila inis na saad ni Audrey.

“Ay nako sinabi mo pa.”

Maya maya lang ay dumating na din si Amber pero nagulat kami ng makita naming namumugto ang mga mata nito na para bang magdamag umiyak.

‘Anong nangyari sa kanya?’

Mamaya na lang namin siguro siya kakausapin dahil nandito na din ang professor namin sa unang subject.

— END OF CHAPTER 66 —

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon