CHAPTER 21

1.1K 33 1
                                    

- CHAPTER 21 -

» COLTON'S POV «

Katatapos lang namin mag lunch at nandito kaming lahat ngayon sa studio room at nag p-practice.

"Grabe ilang araw na lang pala mag e-exam na tayo." Sambit naman ni Gavin.

"Oo nga, buti na lang mabait si Nepthalie pakokopyahin ako, hindi ba Nep?" Pilyong sambit naman ni Steve kay Nepthalie.

"Anong pakokopyahin? Kapal ng mukha mo, mag aral ka para makapasa ka. Tsk!" Supladang sagot naman nito.

"Ikaw naman para binibro lang e hahaha." natatawang saad ni Steve.

"Tss! Tigilan mo ako sa mga kalokohan mo Steve wala ako sa mood ngayon." inis na sambit pa ni Nepthalie.

Ngumiti naman muli ng pilyo si Steve dito.

"One night stand lang katapat nyan. Ano game ka?" Diretsong tanong ni Steve dito.

"Tang*na mo! Manyakis ka talaga."

Pabalibag na isinara naman ni Nepthalie ang pintuan ng studio room.

"Fvckboy ka talagang gago ka hahaha." ani ko kay Steve.

"Problema nun? Buti nga nag suggest pa ako sa kanya eh. Tsk! Choosy pa siya, hindi naman maganda." iiling iling na sambit ni Steve dito.

» CALVIN'S POV «

"Colton, seryoso kana ba talaga na si Nepthalie kukunin natin vocalist? Mukhang hindi naman siya marunong kumanta eh." Saad naman ni Gavin.

"Oo nga Dude, mas mabuting si Amber na lang kunin natin mala professional pa ang boses niya." Gatol ko naman.

"Mas mabuti pa nga." sambit din ni Steve.

"Hmm sige... susubukan ko muna kausapin si Nepthalie." Sagot naman ni Colton.

"Pag nagkataon sasali na din sa atin si Audrey at siya ang magiging girl guitarist natin." Saad ko pa.

"Edi mas maganda." Ani Gavin.

» RENZO'S POV «

"Mukhang masaya ka ngayon ah."

Usisa ko naman sa kanya habang pinag mamasdan siyang nakangiti.

"Uhmm Oo, kasi okay na kaming dalawa ni Colton hehehe." Masayang aniya.

"Ohh, i see." tipid na ngiting sagot ko.

Kanina ko lang nalaman na asawa niya ang lalaking yun. Hindi na ako magtataka pa dahil halata naman na may relasyon silang dalawa dahil nasa iisang bubong lamang sila nakatira.

"Hayss! Grabe malapit na naman ako mastress nito huhuhu." aniya muli.

Napatingin naman ulit ako sa kanya.

"Bakit naman?" curious na tanong ko.

"Eh kasi malapit na naman ang exam huhuhu. Ano isasagot ko dun, e bopols ako sa lahat ng subject lalo na sa math huhuhu." sagot naman niya.

"Hmmm kung okay lang sa'yo, tuturuan kita para hindi ka mahirapan." suhestiyon ko naman.

"WAHHHHHH! TALAGA RENZO?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo naman, bakit hindi hahaha." naka ngiting sagot ko naman.

"WOW! Grabe ang bait mo talaga hulog ka ng langit sa'kin hehehe." nag niningning ang mga matang sabi niya.

"Punta kana lang sa bahay after class." saad ko pa.

"Huh? Eh may trabaho ako nun eh." ani naman nito na ikinapag taka ko.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon