CHAPTER 74

504 13 2
                                    

— CHAPTER 74 —

» AMBER'S POV «

“Are you ready, my Engot?” naka ngiting tanong sa akin ni Colton.

Nandito kami ngayon sa loob ng kotse niya dahil sinundo ako nito kanina sa boarding house ko.

Wala na sana akong balak pang magpa sundo sa kanya dahil kaya ko naman bumiyahe mag-isa, pero dahil makulit ang isang ‘to ay pumayag na din akong sunduin niya.

“C-Colton, kinakabahan ako.” hindi ko maitago ang kabang nararamdaman ko.

Alam ko na agad ang iisipin ng ibang tao kapag nakita kaming magkasama ulit, at lahat ng mga ito ay magtataka.

“Don’t worry, I’m here.” Hinawakan naman niya ang kamay ko upang pagaanin ang loob ko.

Ngumiti naman ako sa kanya at sabay na kaming lumabas ng kotse niya habang magka hawak ang mga kamay.

Katulad ng inaasahan ko, bakas ng pagka gulat, pagka dismaya at pagka lungkot ang ekspresyon ng mga studyante naka tingin sa aming dalawa.

Hindi ko maiwasan hindi makinig sa mga bulungan nito na sobrang lakas dahil dinig na dinig ko ang mga pinag uusapan nila tungkol sa amin.

“OMG! MAY PA COMEBACK SILA?”

“SINASABI KO NA NGA BA EH, BABALIKAN NI COLTON ANG ASAWA NIYA.”

“TEKA, DI BA MAY GIRLFRIEND SI COLTON? YUNG MUKHANG MANIKA?”

“OO NGA, NATHALIA ATA ANG PANGALAN NIYA KUNG HINDI AKO NAGKAKAMALI.”

“EWAN KO DIN, TINGNAN NA LANG NATIN ANG MGA SUSUNOD NA MANGYAYARI HAHAHAHA.”

“HAYSS KAKALOKA ANG ARAW NA ‘TO!”

“SILA NA BA ULIT?”

“GRABE HINDI AKO MAKAPANIWALA, AFTER SO MANY YEARS NAG BALIKAN ULIT SILA?”

“ANO KAYA GAYUMA ANG GINAWA NG BABAENG YAN PARA BUMALIK SI COLTON SA KANYA?”

“TSK! FOR SURE MAGWAWALA SA GALIT YUNG EX GIRLFRIEND NI COLTON PAG NALAMAN ITO HAHAHAHAHAHA!”

“MUKHANG MAY GULO ATA MANGYAYARI AH!”

“ABANGAN NA LANG NATIN HAHAHAHAHA!”

Bigla naman akong nanlumo sa mga naririnig kong usapan nila.

“Don’t mind them, mag focus ka lang sa akin.” naka ngiting sambit ni Colton sa akin upang mapa ngiti ako.

Grabe bumalik na nga talaga yung Colton na minahal ko ng sobra.

Thank you po Papa God, dahil kahit sobrang dami namin napag daanan na problema ay hindi niyo po kami pinabayaan, sana ay wala na mangyari pa sa amin ni Colton na ikakasakit namin dalawa.

» COLTON'S POV «

Habang naglalakad kaming dalawa ni Engot pa puntang classroom ay hindi ko maiwasan mainis sa mga taong pinag uusapan kaming dalawa.

Pero wala na akong pakialam doon dahil ang mahalaga ay bumalik na si Engot sa akin.

Ang babaeng minahal ko noon pa man.

Hanggang sa makarating kami sa classroom ay bakas ang pagtataka, at pagka gulat sa mga mata nilang lahat.

Makikita din sa mga mukha nito ang pagtatanong.

“Wait, kailangan niyo mag explain sa aming lahat. Anong meron?” Tanong agad ni Audrey sa amin.

“Oo nga.” gatol pa ni Aimee na may halong pang aasar sa kaibigan.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon