CHAPTER 65

869 24 0
                                    

— CHAPTER 65 —

» THALIA'S POV «

Hindi pwede ‘to. Hindi pwedeng masayang lahat ng plinano ko. Na umpisahan ko na kaya dapat lang na tapusin ko din ito.

Humanda kayong lahat sa akin dahil iisa-isahin ko kayo.

Wala akong ititirang kahit isa sa lahat ng mga sangkot sa pagkamatay ng kapatid ko.

Ilang taon na ang nakalipas simula ng ibalita sa akin nila Mommy at Daddy ang nangyari sa pagpapakamatay ng kapatid ko sa mental hospital.

Hindi nito nakayanan ang lahat ng mga problema at idagdag pa doon ang depression na pinag dadaanan nito.

Kwenento sa akin lahat nila Mom ang nangyari sa kapatid ko kaya naman gumawa ako ng mga hakbang na talagang pinag planuhan kong mabuti para ipaghiganti ang kapatid ko.

Yes! Nepthalie is my sister. She’s my younger sister na nagpatiwakal dahil sa mga hayop na taong pinag ka isahan siya.

Gabi gabi umiiyak ang kapatid ko sa mental dahil sa depression na pinag dadaanan nito.

At araw araw din itong may kinakausap na hindi niya nakikita, kaya lubos ang pag aalala nila Mom and Dad sa kapatid ko. Wala akong ibang magawa noon dahil malayo ako sa kanila, at bumalik lamang ako sa Pilipinas ng mabalitaan kong nagpakamatay ang kapatid ko.

Halo-halong inis, galit at poot ang nararamdaman ko sa mga oras na yun na tila ba pinagkaitan ng mundo ang kapatid ko.

Kaya naman pagkatapos ilibing ni Nepthalie ay gumawa na agad ako ng mga plano kung paano ko sila magagantihan at mukhang naki-ayon naman sa akin ang tadhana dahil sa unang plano ko pa lang ay nag tagumpay ako.

Plinano kong maaksidente si Colton noon two years ago para na din mapalayo siya sa asawa niya boba.

Nagpakilala ako sa kanya at pilit kong inilapit ang sarili ko sa lalaking pinakamamahal ng kapatid ko.

Ginawa ko ang lahat mapa-ibig lamang siya at sa sobrang swerte ko nga ay tila ba nanalo ako sa lotto dahil umayon sa akin ang tadhana at nahulog ang loob niya sa akin. Malaking tulong na din ang pagkakaroon niya ng amnesia para umibig sa akin si Colton.

Lahat ay nakalimutan niya at tanging ako lamang ang naging mundo niya. Pero hindi ko aakalain na sa pag uwi niya dito sa Pilipinas ay mapapawi lahat ng plano ko dahil sa bumalik na ang mga alala niya at tila ba naging basura na lamang ako sa kanya dahil balak niyang balikan ang bobang asawa niya.

Tsk! Hindi maaari, hindi ako makakapayag na mangyari yun dahil gagawin ko ang lahat, mawasak lamang silang dalawa muli.

» AMBER'S POV «

Araw ng linggo ngayon kaya naman maaga akong gumising para mag simba at pagkatapos ay didiretso na din agad ako sa milktea shop.

Pagkatapos ng misa ay sumakay na agad ako ng tricycle patungo sa shop ni Sir Liam.

Medyo maaga pa pero mas maganda yung nandoon na agad ako para makapag linis na. Total naman ay nasa akin ang isang susi ng milktea shop dahil ipinagkatiwala ito sa akin ni Sir Liam kahit bago pa lamang ako.

Pagkadating ko sa milktea shop ay agad ko itong binuksan at inilagay sa pintuan ang salitang “We’re open”.

Habang wala pang customer ay napag pasiyahan kong maglinis na muna dahil wala pa yung ibang kasamahan ko dito.

Hindi ko pa sila gaanong close pero mukhang mababait naman sila katulad ni Sir Liam. Tinuturuan nila ako ng mga dapat gawin lalo na sa pagluluto ng sago na minsan na din palpak ang pagkaka gawa ko, pero okay lang naman kay Sir Liam dahil bago pa lang naman daw ako at matututunan ko din iyon gawin.

Habang inaalis ko ang mga alikabok sa gilid ng mga ding-ding ng bintana ay biglang bumukas ang pintuan ng milktea shop.

“Good morning Si—”

“Hi good morning.” naka ngiting bati sa akin ni Sir Lander. Ang nakaka batang kapatid ni Sir Liam na kasing edad ko lang din halos.

“Good morning din po, Sir Lander.” pagpapatuloy ko sa aking sasabihin.

“Hindi ba sinabi ko na sa’yo Bab— I mean Lander na lang itawag mo sa akin hahaha.” natatawang sambit nito.

“Sorry po Si— este Lander hehe.” hinging pa umanhin ko.

“Oh by the way, nag breakfast kana ba?” Tanong niya sa akin.

“Uhmmm h-hindi pa.” sagot ko naman.

“Tamang tama may dinala akong soup mainit pa, kain tayo. Tapos pa order na din ako ng dalawang slice ng strawberry cake.” ani nito at iniabot sa akin ang atm card niya.

“Ahh sige. Pero busog pa ako, kayo na lamang ang kumain.” nahihiyang sagot ko naman.

“Alam mo masama ang nalilipasan ng pagkain at masama din ang mag sinungaling.” sambit niya sabay kindat sa akin.

“Eh busog pa tal— bruhhhhh.”

Bigla naman tumunog ang tiyan ko.

“See? Hahaha. I told you, masama ang mag sinungaling.” natatawang sambit niya.

“Sige na nga hahaha.” sagot ko na lamang dahil hindi talaga naki-ayon sa akin ang tiyan ko.

Bumalik naman ako sa loob para kumuha ng dalawang slice ng strawberry cake at bumalik sa labas.

Nakita ko naman busy siya sa cellphone kaya inilapag ko na lamang sa lamesa ang inorder niya.

Bigla naman itong tumigil sa pag ce-cellphone at tumingin sa akin ng mga may ngiti.

“Okay, let’s eat.” Masayang sabi niya.

Umupo naman ako sa harap niya at sinaluhan siyang kumain.

Natuwa naman ako sa mga kwento niya habang kumakain kami.

Ang dami niyang sinabi na nakakatawa simula nung maliliit pa sila ni Sir Liam.

Hanggang sa matapos kaming kumain ay nagpaalam na din siyang may aasikasuhin muna at sakto naman nagdatingan ang mga customer ko at wala pa din yung ibang mga kasamahan ko para tulungan ako, kaya naman naging busy ako sa mga inorder ng mga customer ko.

» COLTON'S POV «

Monday na bukas at kailangan ko nang gumawa ng mga sasabihin ko sa kanya.

Hindi pwedeng mawala na lang sa akin si Engot. Sobrang laki ng pagkakamaling nagawa ko sa kanya dahil sa bwisit na amnesiang ito.

Pero tila ba hindi na makapag hintay mag umaga ang mga paa ko kaya naman napag desisyonan kong lumabas na para puntahan siya sa boarding house niya.

Mag aalas nwebe na ng gabi at talagang hindi na ako makapag hintay na kausapin siya.

Pagkababa ko ng hagdan ay nakita kong gising pa si Mommy habang nakaupo ito sa sofa at nanunuod ng TV.

“Oh bakit gising ka pa anak?” Tanong niya sa akin.

“Mom may pupuntahan lang ako sandali.” sagot ko naman.

Hindi na ito nag abala pang magtanong dahil mukhang napansin niyang nagmamadali ako.

“Ohh sige mag iingat ka.”

“Yes Mom.” Ani ko na lamang at lumabas na ng bahay.

— END OF CHAPTER 65 —

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon