CHAPTER 18

1.1K 41 0
                                    

— CHAPTER 18 —

» AIMEE'S POV «

Pagkadating namin sa restaurant ay medyo madami ng tao sa loob.

Hindi lang pala siya basta Restaurant dahil Bar din siya, kaya pala tinatawag nila itong Restobar.

Sinundo naman kaming tatlo sa labas ni Ate Jade.

"Ohh mukhang napa aga ata ang dating niyo ah hahaha." Usisa naman niya.

"Medyo excited lang po talaga kami hahaha." Sagot ko naman.

"Ah ganon ba.. ohh sige, pasok na kayo sa loob dahil malamok dito sa labas." Dagdag pa ni Ate Jade.

"Sige po." Sabay sabay namin sagot.

» AUDREY'S POV «

Kinausap muna kami ni Mr. Han sa office niya bago pumunta sa stage.

"U-Uhmm pwede bang mag cr muna?" Saad naman ni Amber.

Alam kong kanina pa siya kinakabahan at hindi mapakali sa sarili.

"Ohh sige, basta bumalik ka din after five minutes dahil malapit na magsimula." Sagot naman ni Ate Jade.

"S-Sige po."

Pagkatapos niyang magpa alam ay agad din namin siyang sinundan ni Aimee.

Pumasok naman kaming dalawa sa banyo at nakita namin siya sa gilid na pinag papawisan.

"Amby, okay ka lang ba?" Tanong naman sa kanya ni Aimee.

Tumingin naman siya sa amin habang pinagpapawisan ang noo niya.

"U-Uhmmm O-Oo." sagot naman niya.

"Sigurado ka ba? Eh bakit pinagpapawisan ka?" Paninigurado ko naman sa kanya.

"E-Ehh kasi ano... uhmmm." Tila nagpipigil na sambit nito.

"Kasi ano?"

"N-Natatae na ako, kanina pa huhuhu. Wala pang bakanteng CR." Tila naiiyak na saad niya.

Napatuptop na lamang kaming dalawa sa noo ni Aimee habang pinagmamasdan siya.

"Peste! Akala namin kung napa ano kana, tinatawag ka lang pala ni Mother Earth." ani ko naman.

"Please! Tulungan niyo ako makahanap ng banyo, hindi ko na talaga kaya eh." Pinagpapawisan saad pa niya.

"Sige sandali lang, ako bahala." sambit ko naman.

Pumunta naman ako sa unahan at kinatok ang unang cubicle.

"Miss, pwede ba pakibilisan naman." Sambit ko naman dito.

Wala naman sumasagot kaya naman inilapit ko ang tenga ko sa pintuan nito.

"Hmmm.. ughhh. Please, harder baby."

Napakunot naman ang noo ko sa mga narinig ko.

Mga siraulo na ito, dito pa nag chukchakan.

Kaya naman lumipat ako sa sunod na cubicle at sa wakas ay natapos din gumamit ng banyo ang babaeng nasa loob nito.

» AMBER'S POV «

Pagkatapos kong mag CR ay sa wakas successful at hindi na ako gaano kinakabahan.

Sa tuwing na e-excite o kinakabahan ako ay palaging tinatawag ako ni Mother earth, hindi ko alam kung bakit ganito ako sa tuwing kinakabahan ako.

Habang nag-aayos kaming tatlo ay biglang bumukas naman ang pintuan ng cr at pumasok si Ate Jade.

"Girls, mag ready na kayo dahil magsisimula na tayo after one minute." Sabi ni Ate Jade sa amin.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon