CHAPTER 50

660 21 0
                                    

— CHAPTER 50 —

» AMBER'S POV «

Lumipas pa ang mga buwan na hindi nagparamdam sa akin si Colton, hindi ko na alam ang gagawin ko kaya naman ng dumating ang araw ng bakasyon ay umuwi muna ako sa probinsya namin.

Si Aimee naman ay magbabakasyon kasama ang pamilya niya habang si Audrey naman ay napagpasiyahan bumalik muna sa France para doon magbakasyon kasama ang pamilya din niya at pansamantala muna siyang babalik sa pagmomodelo.

“NAKOOOO BABAITA KA! IKAW NA NGA YAN. WOAAAAAHHHHH! ANG GANDA MO NA AH.”

Malakas na sigaw sa akin ni Bea ng mabalitaan nito na umuwi ako sa amin.

“Bakit kailan ba ako pumangit? Hahaha.” Sagot ko dito habang nakapout.

“Ay ewan ko sa’yo, hindi ka pa din nagbabago para kapa din talagang bata hahaha. So, kamusta ang buhay mayaman, maganda ba? Hahahaha.” Tanong nito sa akin.

“Baliw hahaha! Okay naman kahit papaano hahaha. Eh ikaw kamusta na?” balik kong tanong sa kanya.

“Eto okay lang din. Oii siya nga pala, alam mo bang pinagang hanap ka sa akin ng mga bata sa orphanage palagi hahaha.” pag kwe-kwento niya.

“Ahh ganon ba.. hayaan mo, bukas na bukas ay samahan mo akong pumunta sa kanila.” Naka ngiting ani ko.

“Oo naman hahahaha. By the way, nasan pasalubong ko?”

“Nandyan, hanapin mo na lang basta may pangalan mo yun nakalagay.” sagot ko naman.

“Ay sus.. kaya ako sa’yo e hahahaha.” natatawang sambit niya.

“Ohh siya maiwan muna kita, dahil ako’y magpapalit muna ng damit.” paalam ko.

Agad naman akong tumayo sa kinauupuan ko upang magtungo sa loob ng kwarto.

“Sige. Thank you nga pala sa pasalubong mo ah hahahaha.” naka ngiting pahabol niyang sabi.

“Walang anuman, basta ikaw.”

Huling pahabol ko din bago tuluyan pumasok sa kwarto ko.

» AIMEE'S POV «

“Oh eto nak, pa serve na lang nung inorder na coffee nung lalaki na nakaupo doon sa gilid.” utos sa akin ni Mama.

Naisipan ni Mama magpatayo ng maliit na coffee shop ng sa ganon ay may libangan siya. Nakaipon din ako ng pera dahil sa pag tra-trabaho ko kina Mr. Han at yun ang ipinandagdag namin dito sa ipinatayong coffee shop ni Mama.

“Sige po Ma.” sagot ko.

Napatingin naman ako saglit sa labas at medyo umaambon kaya naman masarap magkape lalo na kapag tag ulan.

Marami-rami na din ang pumapasok sa loob ng coffee shop namin kaya naman medyo busy sa loob si Mama.

Pagkalapit ko sa lalaking nasa gilid ay agad na ibinaba ko sa lamesa ang inorder niyang kape.

“Here’s your order, Sir.”

Nakangiting saad ko sa kanya kahit nakatungo siya sa akin.

Napaangat naman ito ng ulo na siyang ikinagulat ko.

“Thanks...”

Naka ngiting sambit nito na ikinabilis ng tibok nang puso ko.

“F—FELIX?”

“Yes, it’s me hahaha. Long time no see, so how are you?” saad niya.

“Okay naman. Eh ikaw?”

“Ayos lang din, medyo busy nga lang dahil sa mga ipinapagawa ni Dad sa’kin para sa company namin.” Sagot niya.

Hindi pa din talaga siya nagbabago.. napaka workaholic niyang tao, kahit pagdating sa school ay palagi niyang inuuna ang mga dapat niyang gawin para sa school kesa sa sarili niya, kaya hindi na ako magtataka kung bakit ang daming nagkakagusto sa lalaking ito.

Kung hindi mo pa siya kilalang lubos ay iisipin mong may pagka arogante at masungit siyang tao, pero hindi dahil kahit ako nung una ay yan din ang tingin ko sa kanya pero may itinatago pala siyang pagka maginoo at responsableng tao.

“Hmmm saan ka pala papasok ng second year?” Muli tanong niya.

“Uhmmm dati lang sa Saebom University pa din. Ikaw?” balik tanong ko.

“Undecided pa e.” kibit balikat niyang sagot.

“Bakit naman?”

“Gusto kasi ni Dad sa State na ako mag-aral dahil gusto niyang magpalit ako ng course at doon mag aral ng architect.”

“Ahh ganon ba.” Malungkot na sagot ko.

Bahagya naman siyang napatawa sa reaksyon ng mukha ko.

“Bakit, may nakakatawa ba?” Tanong ko sa kanya.

“Wala hahahaha. Don’t worry hindi naman ako mambababae doon.” Natatawang sagot niya na ikinapula ng makabilang sulok ng pisngi ko.

“Eh ano naman kung mambabae ka dun, wala naman akong pakialam.. hmmpff!” Sagot ko naman at sinabayan pa ng cross arm.

Napatingin naman siya sa cellphone niya at nagmamadaling tumayo.

“By the way, I will go ahead.. may kleyente pa akong ka meeting e.” aniya.

“Ahh sige, mag iingat ka.”

“Thanks.. byeee!”

Pagkaalis niya ay napatingin ako sa lamesa at hanggang ngayon ay nandun pa din yung kape na inorder niya at hindi man lang nabawasan ito pati na din ang pera na iniwan niya sa ibabaw ng table.

Teka paano pala niya nalaman ang coffee shop namin? Hayss!

» AUDREY'S POV «

“Okay Ms. Audrey mag side view ka!”

Utos sa akin ng Filipino photographer ko na siyang ginawa ko.

Oras ng photoshoot ko ngayon kaya naman sobrang busy ko ngayon araw.

“Okay tumalikod ka naman Ms. Audrey.”

“Good shot! Ang ganda ng pagkakakuha. Hindi pa din talaga kumukupas ang ganda mo Ms. Audrey.” Papuri nito sa akin.

“Thanks Henry.” sagot ko naman.

“Gosh Ms. Audrey! I’m Herlyn now, hindi na Henry.. ang pangit pakinggan e.” Maarteng saad nito na ikinatawa ko.

“Okay fine.. HERLYN!”

“Yan very good Ms. Audrey, mas masarap pakinggan sa tenga.” ani pa nito.

“Tss! Whatever hahaha.” natatawang sagot ko.

» AMBER'S POV «

Lumipas pa ang dalawang taon na hindi man lang nagpakita o nagparamdam si Colton sa akin. Hindi ko na alam kung saan ko siya hahanapin. Mga kaibigan ko na lamang ang naging sandalan ko sa tuwing malungkot ako.

Lumipat na din ako ng tinitirahan at mas pinili kong mag renta na lamang sa maliit at murang boarding house.

Wala na din naman saysay kung sa bahay pa ako nila Colton mananatili.

Gusto man akong bigyan ni Audrey ng condo unit ay hindi ko magawang tanggapin dahil mas kuntento na ako kung saan ako nasanay.

At ngayon nga ay third year college na kami at dalawang taon na lamang ay makakapag tapos na kami.

Unang pasukan namin ngayon kaya naman sari-saring bulungan ang mga naririnig ko.

“Grabe nabalitaan niyo na ba? Bumalik na siya.”

“Oo naman ‘no.. nakita ko kaya siya kanina sa Hallway habang naglalakad.”

“Grabe wala pa din talagang pagbabago sobrang gwapo niya pa din.”

Hindi ko na lamang pinansin ang mga ito at nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad papunta sa magiging bagong classroom namin.

— END OF CHAPTER 50 —

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon