CHAPTER 11

1.1K 35 0
                                    

— CHAPTER 11 —

» CALVIN'S POV «

Naglalakad na ako sa hallway ng may tumawag naman sa akin.

"C-CALVIN.. TEKA SANDALI."

Napalingon naman ako sa likudan ko at nakita ko si Audrey na hinihingal dahil sa pagtakbo.

"Bakit?" Malamig na tanong ko dito.

"U-Uhmm i-isusuli ko lang yung form sa’yo." sagot naman niya habang inaabot sa akin ang papel na hawak niya.

Tiningnan ko naman ang form na inabot niya at nakita kong hindi siya nag fill up sa form.

Kunot noong tiningnan ko naman ito.

"Hindi ka sasali?"

"U-Uhmm Oo. Madami pa kasi akong gagawin at mahalaga ang bawat oras ko. Salamat na lang."

Pagkatapos niyang magsalita ay nilagpasan naman niya ako, kaya naman humarap ako sa kanya at nagsalita.

"Alam kong passion mo ang pag gi-gitara pero hindi ko alam kung ano ang dahilan mo kung bakit mo tinanggihan ang inaalok ko sa’yo." sambit ko.

Humarap naman siya sa akin at tipid na ngumiti.

"Well, kung ganon.. parehas lang din tayo, dahil hindi ko din alam ang dahilan mo kung bakit iniiwasan mo ako ngayon. Okay naman tayo dati di ba?" Sambit niya na nakapag pa tigil sa akin.

"Alis na ako may gagawin pa pala ako."

Pag-iwas ko naman sa usapan namin dalawa at na una na akong maglakad sa kanya pa puntang classroom.

» AUDREY'S POV «

Naiwan naman akong mag isa sa hallway at pinagmasdan ko na lamang siya habang naglalakad pa layo sa akin.

Ano ba talaga ang dahilan mo Calvin?

Gabi-gabi kong iniisip kung ano ba ang problema sa pagitan natin dalawa.

May problema nga ba talaga sa atin?

Kung may nagawa man ako sa’yo noon sana patawarin mo na ako dahil sobrang sakit na iwasan mo ako at magpanggap sa harap ng iba na para bang hindi mo ako kilala.

Hanggang sa makalayo siya sa akin ay agad din akong naglakad pa puntang classroom.

» COLTON'S POV «

Pagkadating namin ng parking lot nang school ni Engot ay agad na pinababa ko ito.

"Hoy Engot! Bumaba kana baka may makakita pa sa atin dito." Saad ko naman sa kanya.

Malakas na itinulak ko naman ito pababa ng kotse.

Pabagal bagal kasi eh. Tsk!

"Aray ko naman Colton, dahan dahan naman ang sakit kaya." Pagrereklamo naman niya habang naka hawak sa pwetan nito.

Malakas na humangin naman at napansin ko ang palda niya na nililipad.

Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya ng makita ko ang underwear niya.

"Kadiri ka Engot, hindi ka man lang nagsuot ng cycling.. nakikita na yang panty mo." ani ko dito.

"Eh ang init kaya kapag may suot na short o cycling, bakit hindi mo kaya subukan ng malaman mo." pangangatwiran naman nito.

Kahit kailan talaga ang Engot ng babaeng ito at siya pa talaga may gana mag reklamo.

"Hayss! Pumasok ka muna saglit dito sa kotse at kunin mo yung bag ko na nasa backseat." Utos ko sa kanya.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon