CHAPTER 26

875 29 0
                                    

— CHAPTER 26 —

» AMBER'S POV «

“UYY RENZOOO! TEKA SANDALI LANG.”

Tawag ko dito ng makita kong naglalakad na siya sa gitna ng hallway.

Huminto naman ito sa paglalakad at hinintay ako.

“Oh Amber, ikaw pala. Bakit?” tanong nito.

“Uhmm gusto ko lang mag thank you sa pagtulong mo na naman sa akin hehehe. Grabe ilang beses mo na akong tinulungan.” ani ko.

“Ahh yun ba? Wala yun haha.” Tumatawang sambit niya.

“Paano mo pala nakumbinsi ang mga Teacher natin na pa examin ulit ako? Hindi ba bawal na ulit daw ako mag exam?” Nagtatakang tanong ko naman sa kanya.

“Wala. Nakiusap lang ako sa kanila pa examin ka ulit.” Sagot naman nito.

“Talaga?” hindi makapaniwalang tanong ko.

“Oo.”

“Buti naman pumayag ulit sila?”

“Syempre naman, ako pa ba hahaha. Wala atang makaka tanggi sa isang Renzo Yu hahaha.” natatawang aniya.

“Nako! Ikaw talaga hahaha pero salamat ulit.”

“Wala yun hahaha basta ikaw.”

Lumapit naman siya sa akin habang nakangiti at marahan nitong idinampi ang kamay niya sa ulo ko habang ginugulo nito ang pagkaka-ayos ng buhok ko.

“Ang cute mo talaga hahaha. Sige mauna na ako may pupuntahan pa ako eh.”

Paalam niya sa akin.

“Teka hindi ka papasok ng hapon?” Tanong ko pa.

“Hmmm hindi na siguro. Sige una na ako, ingat ka pag-uwi mamaya ah.” Naka ngiting sambit niya at umalis na.

» RENZO'S POV «

Ang totoo nyan ay wala naman talaga akong pupuntahan dahil gusto ko lamang tumambay mag-isa sa likod ng school sa itaas ng puno para magpa hangin, dahil masarap ang simoy ng hangin doon.

Pagkadating ko sa likod ng school ay agad na umakyat ako sa itaas ng puno para magpa hangin.

Habang nakahiga ako sa malaking sanga ng puno ay bigla naman sumagi sa isipan ko ang tanong kanina sa akin ni Amber.

Hindi totoong kinumbinsi ko lamang ang Teacher, para pumayag silang pag examin si Amber dahil ang totoo nyan ay binayaran ko ang lahat ng Teacher subject namin para lang maka exam ulit si Amber.

Tiningnan ko ang lahat ng test paper ni Amber at mukhang mga binago ang sagot niya, pero wala na akong magagawa dahil na checkan na ang mga test paper niya at lahat yun ay naka record na.. kaya naman binayaran ko na lamang ang mga teacher namin at yun na lamang ang tanging paraan para makapasa at maka exam ulit si Amber.

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ko ito ginagawa sa kanya, pero isa lang ang nakaka siguro ako at yun ay dahil importante siya sa akin.

» COLTON'S POV «

Hayss asan na ba ang Engot na yun?

Pagkatapos ng pang umaga subject ay bigla agad itong nawala.

Hayss! Nasaan na ba ang babaeng yun?

“Ohh Colton, anong ginagawa mo dyan sa labas?”

Tanong naman sa akin ni Aimee ng makita nitong nasa labas ako ng studio room.

“Nakita mo ba si Eng—este si Amber?” Tanong ko sa kanya.

“Hindi eh. Pagkatapos kasi ng class kanina bigla siyang tumakbo.” Sagot naman nito.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon