CHAPTER 36

750 25 0
                                    

— CHAPTER 36 —

» AMBER'S POV «

Habang nasa kalagitnaan kami ng pag pe-perform ay napansin ko naman ang apat na lalaki na nasa gilid at ngiting ngiti pa ang mga ito habang pinapanuod kaming tatlo sa stage.

“Sila Colton ba yun?”

Dinig kong sambit ni Audrey sa akin.

“Oo.” Sagot ko naman.

“Bakit sila nandito?” Tanong pa niya.

“Ewan ko.”

Nasa nakalagitnaan pa lang ng lyrics yung kanta kaya naman nakukuha pa namin mag-usap.

Hanggang sa matapos kaming mag perform ay bumaba kami ng stage at lumapit sa apat.

“Anong ginagawa niyo dito?”

Tanong ko sa kanila na hanggang ngayon ay hindi pa din maalis ang mga pagkaka ngiti ng mga ito.

“Ang galing niyo talaga.” ani Gavin.

“Hindi na ako magtataka kung bakit sobrang dami na ng mga taong humahanga sa inyo ngayon.” ani Calvin.

“AMAZINGGGG! WOOOAAAH!” Saad naman ni Steve at pumalakpak pa ito ng malakas na siyang ikinaagaw atensyon ng ibang costumer.

“Tsk! Stop it. You look like a squatter boy in what you’re doing.” Asik ni Colton dito.

“Eh totoo naman magaling talaga sila e. Masama na bang humanga?” Dagdag pa ni Steve na mukhang hindi talaga magpapatalo.

“Tss! Whatever.”

“Hoy tama na nga yan baka mamaya mag away pa kayo dito e.” Suway ni Aimee sa mga ito.

“Ano ba o-orderin niyo?” Tanong ko sa mga ito para maiba ang usapan.

“Ikaw.” Walang gatol na saad ni Angry Bird—este ni Colton sa’kin.

Ramdam ko naman ang pag init ng magka bilang sulok ng pisngi ko.

“Psh! Ano ba yan ang cheesy mo naman pre. Nakakadiri!” ani Gavin na ang tinutukoy ay si Colton.

“Pfft bwhahahahaha! Tangina pre ang baduy ng banat mo ah, buti hindi na uumay si Amber sa mga banat mong yan bwahahahahaha.” Tumatawang saad naman ni Steve at sinabayan pa ni Gavin.

Nakita ko naman ang pagtitig ng masama ni Colton sa dalawa na animo’y gusto na nitong patayin ang dalawa.

“Titigil kayo o pasasabugin ko mga mukha niyo?” Pagbabanta ni Colton sa mga ito.

Bakas naman ang takot sa mga mukha nila Gavin at Steve kaya naman tumigil ang mga ito sa pagtawa.

“Tumigil na nga kayo sabi e.” Muling suway ni Aimee sa kanila.

Agad naman itong mga tumigil at ipinahanda na lang namin ang mga inorder nila.

» RENZO'S POV «

“Are you going to school in this early?” Jen asked me.

“Yeah.” Tipid na sagot ko.

Dito siya nakatira sa bahay dahil ayaw naman ng Mommy niya na mag condo unit siyang mag-isa.

“Eat first before you go to school” She said again.

“Ah hindi na sa school na lang.” ani ko pa.

“Okay. See you later Couz. Take care!” pahabol pa niya.

“Ge.”

Agad na lumabas ako ng pinto at sumakay sa kotse ko.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon