CHAPTER 35

817 22 0
                                    

— CHAPTER 35 —

» AUDREY'S POV «

Kinabukasan ay maaga akong pumasok dahil inanunsyo kahapon ng class president namin na may recitation kami ngayon sa first subject namin.

Hindi ako nakapag review kagabi dahil nakatulog ako ng maaga dahil sa pagod, kaya naman ngayon pa lang ako makakapag review.

Buti na lamang ay may natitira pa akong ten minutes bago mag time.

Nadatnan ko naman sa loob ng classroom sila Colton.

“Oh wala pa ba si Amber?” Tanong ko kay Aimee na busy din sa pagre-review.

“Wala pa eh.” aniya.

Humarap naman ako kala Colton na nagtatawanan.

“Psst! Colton asan si Amber? May recitation tayo ngayon kay Ma’am ah.” ani ko dito.

“Nandoon pa sa bahay, ayaw kasi niya magpa gising kanina dahil mukhang napagod ata siya kagabi dahil sa work niyo sa restobar.” Sagot naman niya.

“Siraulo ka! Dapat ginising mo siya, alam mo naman na may recitation tayo ngayon diba?” saad ko naman dito.

“Ano magagawa ko, e ayaw magpa gising eh, baka masapak lang ako nun.” sagot naman muli ni Colton.

Hindi ko na lamang siya pinansin at itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa pagre-review.

» AMBER'S POV «

“Ohh iha.. buti naman at gising kana.” ani Manang sa’kin.

“Si Momma po hindi pa po ba umuuwi?” Tanong ko naman sa kanya.

“Hindi pa iha.. baka sa isang araw pa ang uwi ni Madam.” aniya.

“Ahh ganon po ba. Eh si Colton po?” tanong ko ulit.

“Nako kanina pa umalis iha. Akala ko ba’y ginising kana niya kanina.” sagot niya.

“Opo pero inaantok p—teka Manang anong oras na po ba?”

“Aba’y mag aalas otso e medya na ng uma—”

“PATAYYY! LATE NA AKO MANANG.” malakas na sigaw ko.

Dali-dali naman akong pumasok sa kwarto ko para maligo. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras kaya naman agad na akong nagbihis at nagpahatid sa school.

8:30am na ako nakarating sa school at 30 minutes na din akong late sa first subject namin.

Bigla naman akong kinabahan ng malapit na ako sa classroom.

Nagtatakang tiningnan ko naman ang saradong pintuan ng classroom namin.

Teka bakit sarado ‘to?

Wala ba kaming pasok ngayon? Pero imposible dahil maaga pumasok si Colton kanina.

Kumatok naman ako ng tatlong beses bago bumukas ang pintuan ng classroom namin.

Bumungad naman sa akin ang masungit na mukha ng Teacher namin sa first subject.

“WHY ARE YOU LATE MRS. HWANG? KANINA PA NANDITO ANG ASAWA MO PERO IKAW LATE NG DATING?” Umuusok ang ilong na tanong nito sa akin.

“U-Uhmmm.. s-sorry po Ma—”

“Kasi po Ma’am inutusan siya ni Sir na mag check ng mga quiz sa office niya.” ani Audrey na nginitian ko naman.

“Oo nga po Ma’am.” Gatol pa ni Aimee.

“Shut up.. both of you Ms. Kang and Ms. Park, hindi kayo ang kausap ko.” Supladang saad naman ni Ma’am kina Audrey.

Humarap naman sa akin ang Teacher namin at sinuyod ako ng tingin.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon