CHAPTER 59

1.1K 27 0
                                    

[WARNING: Be open minded guys because, the last part of this chapter aren’t suitable for young age. Medyo may pagka spg HAHAHAHAHAHA unahan ko na kayo medyo lang.]

— CHAPTER 59 —

» AUDREY'S POV «

“Did you see, Amber?” He asked me.

Nasa tapat na ako ng school at nag aabang nalang ako ng taxi na dadaan dahil katatapos lamang ng klase namin at kanina pa nauna sa akin umuwi si Aimee.

“Uhmmm hindi e, kanina ko pa siya hindi nakikita.” Sagot ko naman.

“Ahh sige.”

Akmang aalis na sana ito ng mabilis na pigilan ko ang braso niya upang hindi maka alis.

“U-Uhmmm... m-may g-gusto ka ba sa kanya?”

Kinakabahan tanong ko dahil hindi ko malaman kung ano ang mararamdaman ko kapag sinabi niyang gusto niya ang kaibigan ko.

Bakas naman sa mukha niya ang pagtataka.

Noon ko pa napapansin na grabe kung mag aalala siya sa tuwing napapahamak si Amber. Palagi siyang todo rescue ngunit palagi naman siyang nahuhuli ng dating dahil palagi siyang na uunahan ni Renzo.

Oo alam ko yun dahil nakikita ko na palaging nandyan si Renzo sa tuwing nasasaktan si Amber.

Ngumiti naman siya sa akin at lumapit.

“U-Uhmmmm h-hehehehe... w-wala l-lang yung sinabi ko, huwag mo na lang intindihin yun he-he-he.” nauutal na saad ko pa dahil sa kaba.

“Are you jealous? Hahaha.”

*He chuckled*

“U-Uhmmm h-hindi ‘no hahaha. Bakit naman ako magseselos? Eh unang una ay wala naman akong karapatan.”

Hindi ko napansin ang pagkusang pagpatak ng mga luha ko.

“Now tell me, yan ba ang hindi nagseselos?” Pag uulit niya ng tanong.

Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ko.

“O-Oo n-na n-nagseselos na kung nagseselos. Sagutin mo na lang ang tanong ko. G-GUSTO MO BA ANG KAIBIGAN KO?”

Bigla naman napataas ang boses ko at alam kong pinag titinginan na din kami ng mga tao na nagdadaan.

Imbis na sumagot sa tanong ko ay lumapit lamang siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

“Wala kang dapat ikaselos dahil para sa akin kaibigan ko lamang si Amber at imporante din siya sa akin kaya ganon na lamang ang pag aalala ko sa kanya. Ikaw lang ang mahal ko, matagal na pero natotorpe ako kasi sa tuwing malapit ka sa akin umaatras ang dila ko. Oo duwag ako nung una dahil hindi ko maamin ang nararamdaman ko sa’yo pero dahil alam kong siguradong mahal mo na din ako ay wala na akong dapat kaduwagan dahil yung taong mahal ko ay mahal din ako. Mahal kita Audrey simula bata pa lang tayo, hindi mo alam kung gaano kita katagal hinintay dahil nangako ka sa akin. Noong una’y akala ko hindi kana babalik pero muling nabuhayan ako ng makita kita ulit at sabi ko noon sa sarili ko, hindi na kita hahayaan pang mawala sa akin kahit hanggang tingin lang ako sa’yo mula sa malayo dahil hindi ko pa alam ang gagawin ko noon. Patawarin mo ako kung ngayon ko lang sinabi sa’yo ang lahat ng ito.” Sunod-sunod niyang sabi habang nakayakap pa din sa akin.

Dahil sa sinabi niya ay muling umagos ang mga luha ko sa kanyang balikat. At ngayon ay alam kong mahal din niya ako at wala na din siguro akong dapat na ikatakot dahil parehas lang pala kaming naduwag aminin ang mga nararamdaman namin dalawa na dapat noon pa namin inamin sa isa’t isa.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon