Chapter 30: Shameless

1.4K 79 7
                                    

NAKAKABALIW ang katahimikan sa pagitan naming lahat

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


NAKAKABALIW ang katahimikan sa pagitan naming lahat. Nandito kami ngayon sa loob ng dining hall ng palasyo at magmula pa noong pumasok kami ni Duke Poviour ay mayroon na agad namumuong tensyon.

Wala sanang ganito eh, kung kanina palang, noong nandoon pa kami sa greenhouse ay nagpakita na itong Crown Prince na ito. Ngunit hindi eh. Feeling pabida, ngayon lang nagpakita.

‘Ang kapal talaga ng mukha. Mayroon pa siyang ganang magpakita? Sa harapan ko pa mismo?’ naiinis na tanong ko sa kawalan sa loob ng aking isipan habang madiin na hinihiwa ang baboy sa aking pinggan.

Ang Emperador at Emperatris ay nakapukos lamang sa kanilang kinakain, ang Crown Prince ay pasulyap-sulyap sa akin, ang Second Prince ay nakatutok lang din sa kaniyang pagkain habang ang pinakabatang Prisesa ay nag-aalalang nakatingin kay Princess Beatrice na matalim at galit na nakatingin sa akin.

‘Nahihibang na ba ang pamilyang ito? Bakit nakatutok lang ang Emperador at Emperatris sa kanilang pagkain? Wala ba silang plano na suwayin ang kanilang dalawang anak na nakatingin sa akin?’

Maging si Duke Poviour ay tahimik lang at tila ba ninanamnam ang kaniyang pagkain kahit hindi naman talaga. Malapit ang lalaking ito sa pamilyang ito, ngunit bakit hindi man lang siya nagsasalita? Ganito pa katahimik palagi ang kanilang hapag-kainan?

‘Well, sa totoo lang, kahit sa Marquessate ay hindi rin naman ganoon ka-ingay ang hapag-kainan, maging ang hapag-kainan sa dati kong buhay, tahimik din,’

Gustong-gusto kong umalis sa hapag-kainan na ito at umuwi. Mas nanaisin ko pang magsimula na muli sa pagsasanay kaysa manatili at indain ang nakakabaliw na katahimikang ito.

“So, how are you Your Highness?” tanong ko sa Crown Prince bago tumingin sa kaniya. Hindi ko na kinaya pa ang nakakabaliw na katahimikang kung kaya't nagsalita na ako. Wala akong pake-alam kung ano ang iisipin nila, kapag ayaw nilang bigla-bigla nalang akong aalis dito, dapat makipag-usap sila.

Nagulat naman ang lahat at napataas sa kanilang mga ulo dahil sa aking katanungan. Wala namang kakaiba sa aking tanong, siguro nakakagulat ito para sa kanila sapagkat para sa Crown Prince ang aking katanungan.

Binigyan ako ng isang maliit na ngisi ni Princess Beatrice na itinago niya sa pamamagitan ng pagsubo, ngunit nakita ko pa rin iyon. Para saan ang kaniyang ngisi? Nabaliw na talaga ata siya dahil sa katahimikan.

“It's none of your business, Lady Swertuanfel,” malamig na sagot sa akin ng Crown Prince. Hindi naman ganoong nakakagulat ang sagot niya sa aking tanong. Kung iisipin mo, hindi nga siya nagpakita sa aking harapan noong nasugatan ako, o kaya ay humingi ng paumanhin dahil sa sugat kong siya ang may gawa.

Kung alam lang talaga ng lalaking ito kung gaano ko gustong suntukin ang kaniyang mukhang mayroong malamig na ekspresyon at hindi man lang mukhang nagu-guilty, naku!!

“You don't have to act so distant, Your Highness. That's not the proper way of talking to someone who almost died because some uneducated person hit her in the head,” malumanay na lintaya ko bago sinubo sa aking bibig ang hiniwa kong baboy.

Nang tumingin ako sa Crown Prince ay nakatingin din ito sa akin, ngunit ang kaniyang mata ay parang espada, na tumutusok sa aking mukha. Kung nakakamatay lang ang tingin, hindi pa rin ako mamamatay, sapagkat lalaban ako.

I gave him a bored look, waiting for his answer. Hindi na maipinta ang mga mukha ng taong naririto, maliban na lamang kay Duke Poviuor na hanggang ngayon ay mayroon pa ring seryosong ekspresyon sa mukha.

Si Princess Beatrice naman ang may pinakanakakatawang eskpresyon. Ang kaninang nakangisi niyang mukha ngayon ay gulat at galit na ang mayroon. Tiningnan ko siya ng saglit, bago ibinaling sa Crown Prince ang aking paningin.

“Well, you don't really have to give me a response. I'm only here to invite the royal family to attend my wedding,” usal ko. Nanlaki naman ang kaniyang mata at napatingin kay Duke Poviuor na hanggang ngayon ay kumakain pa rin bago ibinaling sa Emperador ang kaniyang paningin.

“Really?" gulat na tanong niya. Tumango naman ako sa kaniyang katanungan kahit hindi niya sa akin tinatanong iyon, kung hindi sa Emperador na mayroong hindi maipintang mukha.

“The date is not yet fixed, but I'm so excited that I wanted you all to know much sooner,” sagot ko. Inilagay ko ang aking kutsara sa mesa. Siniko ko ng palihim ang katabi kong si Duke Poviour at kahit hindi pa ako magsalita, alam na niya ang dapat na gawin.

Ini-abot nito ang kaniyang baso na mayroong lamang tubig sapagkat iyong baso ko ay wala ng laman. Natakot siguro ang mga tagapagsilbi na lumapit sa mesa kung kaya't hindi nalagyang muli ang aking baso ng tubig.

“Thank you, Darling,” pagpapasalamat ko kay Duke Poviuor. Ngunit hindi ko naituloy ang pag-inom sapagkat pinunasan ni Duke Poviour ang aking bibig.

“You still eat like a baby,” lintaya niya. Hindi naman ako makapaniwalang tumingin sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi.

‘Talaga baaaaaa? Nahihibang na ba ang lalaking ito? Bakit siya ume-extra kahit hindi naman kailangan?’

“Shut up,” bulong ko sa kaniya na hindi ko alam na nakakatawa na pala sapagkat tumawa ito ng mahina. Napa rolled eyes ako bago uminom ng tubig.

***

“Thank you so much for inviting us, Your Majesty, I had a great time,” pagpapasalamat ko sa Emperador at Emperatris pagkatapos ng tanghalian namin.

“Why don't you both stay for the night?” suhestiyon ng Emperatris na nagpa-iling sa akin.

“As much as I wanted to, unfortunately I can't. My siblings and I will be returning back to the north,” sagot ko sa Emperatris.

“That’s too bad. I'll see you again soon,” malungkot na lintaya ng reyna sa akin. Tumango naman ako sa kaniyang sinabi.

“Of course,” sagot ko. Hindi nagtagal ay umalis na kami ng dining hall at nagtungo sa labas. Hindi kami ihahatid ng Emperador at Emperatris sapagkat hindi naman talaga nila dapat gagawin iyon.

We we're about to get inside the carriage that was waiting for us when the Crown Prince called my name. I looked and saw the Crown Prince standing there. He has a serious look in his face, and I feel like he has something to say.

“Go in first, I'll talk to him for a moment,” lintaya ko kay Duke Poviuor, tumango naman ito sa akin bago pumasok sa karwahe.

“What do you want?” Deretsong tanong ko sa Crown Prince ng makalapit siya sa akin.

“Nothing. I just wanted to let you know, that if you're using Nicholas to make me get back to you again, then it's not working. I will never accept a girl like you, ever again,” seryosong sagot niya.

I almost burst out of laughter. I never thought that he is such a good joker. He looks like a clown, and it makes me want to punch him. I never liked clowns, and I never will.

Lumapit ako sa kaniya at inilapit ang mukha sa kaniyang tenga. Medyu napa-atras siya ng isang hakbang dahil sa biglaang paglapit ko.

“Your disgusting, Your Highness. I never thought about something so absurd like you do. Stop being shameless,” bulong ko sa kaniya bago tumalikod at pumasok sa loob ng karwahe.












tamadsiakuma. ♡

The Young Lady of SwertuanfelWhere stories live. Discover now