Chapter 24: Emperial Summon I

1.7K 82 4
                                    

PAGKATAPOS mailagay ng mga maids ang ipinadalang tea at sweets ni Duke Poviour ay agad silang yumuko sa akin at nagpa-alam

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAGKATAPOS mailagay ng mga maids ang ipinadalang tea at sweets ni Duke Poviour ay agad silang yumuko sa akin at nagpa-alam. Ayaw ko namang may kasama sa loob ng opisina ni Duke Poviuor kung kaya't tumango ako't tinalikuran sila nang hindi nagsasalita.

'Akala ko okay na iyong takot ko sa mga tao, hindi pa rin pala. Sapagkat hanggang ngayon, kinakabahan pa rin ako sa mga taong hindi ko kilala,'

Mabilis ko namang nilagyan ng tsaa ang aking tasa at inaligok ito ng isahan para pakalmahin ang aking sarili bago ulit nagsalin ng isa pa.

"Ano ang na sa isip ng lalaking iyon? Bakit niya ginagawa sa akin ito?" naiinis na tanong ko sa kawalan bago kumuha ng isang cookie at sinubo ito.

Ano ba ang plinaplano ng lalaking iyon? Sa aking pagkaka-alam ay hindi niya gusto si Despina. Ugh! Tapos wala pa akong nakukuhang kahit na anong impormasyon patungkol sa sinasabi ng mga Diyos na digmaang paparating labing isang buwan mula ngayon.

"Hayyyst! Ito ba ang sign na sa empyerno talaga ang punta ko kahit wala naman akong ginawang masama?" tanong ko sa mga pagkain. Hinihintay ang kanilang mga sagot ngunit walang sumagot sa dinami-daming matatamis na pagkain ang nandito sa aking harapan.

"Hayyst! Nababaliw ka na, self," inis na lintaya ko sa aking sarili bago ininom ang aking tsaa ng isang bagsakan. Kumuha ako ng tatlong cookies at nilagay ang dalawa sa kabila kong kamay habang nasa kabila naman ang isa, kinakagat-kagat.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa sofa at naglakad papunta sa malaking bintana sa loob nh opisina ni Duke Poviuor upang tingnan ang sa labas. Kitang-kita ko ang naglalakihang mga bundok. Akala ko ang malaking harden ng mga Poviour ang aking makita oras na tumingin ako sa labas ng bintana, pero isang kagubatan at mga bundok.

"Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking iyon. Duke Nicholas Von Pouvior, anong klaseng tao ka ba?" nagtatakang tanong ko habang nakatingin sa malayo at ngumunguya ng mga cookies.

Sa gitna ng aking paglalakad sa kawalan ng aking isipan, bigla nalamang mayroong isang dambuhalang ibon ang nagpakita sa aking harapan.

"Ay jusko po!" malakas na sigaw ko't napa-upo sa aking pagkakatayo dahil sa sobrang gulat. Gumawa ng isang ingay ang dambuhalang ibon, ng tingnan ko ito ay nakatingin din ito pabalik sa akin.

'Anong klaseng ibon ito at napakalaki? Tsaka, may balcony pala sa kanilang side ng bintanang ito?'

Dahan-dahan akong tumayo mula sa aking pagkaka-upo at pinagmasdan ang dambuhalang ibon. Para itong isang agila ngunit triple ang laki nito at kulay abo ang mga balahibo habang kulay asul naman ang mga mata nito.

"Parang mata lang ni Duke Poviuor," bulong ko. Lumapit ako sa malaking bintana at hinawakan ito, maya-maya lang ay hinanap ko ang posibleng knob nito at hindi nagtagal nakita ko nga.

Hindi pala ito bintana, kung hindi pintuan papunta sa balcony. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at lumabas. Dumampi agad sa aking balat ang masarap na simoy ng hangin, napaka-maaliwalas ng lugar na ito.

The Young Lady of SwertuanfelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon