Chapter 5: 4 A.m

2.3K 101 3
                                    

"We have arrived my lady," usal ni Lily sa akin at tumigil sa gilid nang isang malaking pintuan.

'Talaga bang malalaki ang lahat ng pintuan dito?'

"Thank you. You can now leave," utos ko sa kaniya bago binuksan ang pintuan nang silid-aklatan. Kuminang ang aking mga mata ng makita ko ang mga libro sa loob. 

'Is… Is this heaven?'

Tuluyan akong pumasok sa loob at agad na binasa ang unang librong nahawakan nang aking mga kamay. Isang napakalaking kuwarto ang aking napasukan at saan ka man tumingin ay puro libro ang iyong makikita, na talaga namang maituturing na santuaryo nang mga taong gustong magbasa, katulad ko.

Agad akong natigil sa gitna nang aking pagbabasa sa ikalabing lima na librong nahawakan ko nang mayroon akong marinig na pagkabasag. Nawala ang kasiyahang naramdaman ko at napalitan ito nang kaba dahil doon.

'Mayroon palang tao dito!? Kaibigan ba, o kalaban!? Bakit siya nandito!? Ano ang kailangan niya?'

Bago pa man ako magsimulang mataranta at nakagawa nang anong ingay, ay huminahon ako at dahan-dahang naglakad upang hanapin kung saan nagmumula ang ingay.

Alam ko na kailangan kong umalis at magtago upang hindi makita nang kung sino mang gumawa ng ingay na iyon, ngunit hindi ko magawa sa kadahilanang hindi ko kayang iwan ang silid na ito na kaunti lang ang nababasang libro!

Dinala ako ng mga paa sa pinakagitnang bahagi nang silid-aklatan at mayroon akong nakitang isang malaking mesa at isang lalaki sa gilid nito at mukhang mayroong nililinis sa sahig.

"Buns?" tawag ko sa pamilyar na lalaking nakatalikod sa akin at mabilisan naman itong napatingin sa akin. Hindi nga ako nagkamali, ang lalaking ito ay si Buns na nakita ko kanina sa hall way.

Nanlaki ang kaniyang mga mata at agad na humarap sa akin nang nakaluhod.

"Please forgive me! I didn't mean to break the cup!" nanginginig na paki-usap nito sa akin na binigyan ko nang nagtatakang tingin.

'Wala naman akong gina—ow'

Agad akong lumapit sa kaniya at hinawakan ang kaniyang mga kamay upang tingnan kung mayroon ba itong hiwa. Mabuti nalamang at wala.

"Please, don't fire me! I still have my siblings and sick mothe—"

"I'm sorry," pagpapaumanhin ko na naging dahilan nang pagtigil nito sa pagsasalita. Pinunasan ko ang kaniyang luha gamit ang aking panyo na dala-dala ko at tinulungan siyang tumayo at pina-upo sa pinakamalapit na upuan.

Base sa kaniyang kasuotan, at ang mga matatamis na pagkain at malamig na tsaa sa mesa, mukhang nanatili ang batang ito sa silid-aklatan na ito nang matagal.

"I'm sorry, Buns. I didn't mean to make you wait too long." That's right, I was the one who ordered him to bring me sweetest and tea to the library, and because I was the one who ordered him, he waited for me.

Hindi siya kumibo at naka-yuko lang ang ulo nito, iniiwasan ang aking mga mata. Tumingin akong muli sa dinala niyang pagkain at nakitang mayroong kagat ang isa sa mga ito.

"You waited for too long, and haven't had lunch yet. Go on, eat it," utos ko sa kaniya at umupo sa kaniyang tabi upang magbasa. Hindi ko man ito tingnan, ay ramdam ko ang kaniyang mga tingin sa akin.

"Don't look at me. Eat. That's an order," malamig na usal ko't nagpatuloy sa pagbabasa. Mukhang nais pa nitong umayaw sa akin, ngunit dahil sinabi ko na isang utos iyon, ay kaniyang sinunod.

Tahimik siyang kumakain habang ako naman ay nagbabasa. Ngunit nang matapos kong basahin ang librong binabasa ko ay tumigil muna ako't tiningnan kong tapos na bang kumain si Buns, at nakitang, hindi pa.

"I'll tell you a secret," panimula ko habang nakatingin sa kawalan, iniisip kung kamusta na ang ama ko sa dati kong buhay.

"My memories are gone," pagsisinungaling ko. Hindi naman nawala ang memorya ko, sadyang wala lang talaga akong memorya patungkol sa pagkatao, at buhay ni Despina.

Ramdam ko ang nanlalaking matang tingin nito sa akin habang ngumunguya pa rin nang pagkain. Tumango ako bago ibinaling ang atensyon sa kaniya.

"Will you tell me, everything you know… about me?"

°°°

Isang linggo ang nakalipas magmula nang magising akong nasa ibang katawan. Sa loob nang isang linggong iyon, ay tanging sa silid-aklatan lamang ang lugar na pinagtatambayan ko upang magbasa ng libro. Medyo naging malapit na rin kami ni Buns sa isa't isa at siya ang palaging nagdadala nang pagkain ko sa silid-aklatan.

Tanging si Buns lamang at si Lily ang nakaka-alam na nawala ang aking mga memorya na siya namang hindi totoo sapagkat wala naman talaga akong memorya patungkol sa dating Despina sa simula pa lang.

Hindi na muling naulit ang pagsasabay naming kumain nang pamilya at nagkanya-kanya na dahil sa kadahilanang ukopado ang lahat sa kani-kanilang mga trabaho't tungkulin sa kaharian.

Sa loob din ng isang linggong ito, marami akong nakalap na mga impormasyon patungkol kay Despina dahil kay Buns na sumasagot sa lahat ng katanungan ko. Halos nasaulo ko na rin ang pasikot-sikot sa bahay na ito kung kaya't hindi na ako masyadong nawawala sa aking dinadaanan.

Ngayon, gumising ako nang maaga upang maglakad sa labas at saulohin din ang pasikot-sikot sa labas ng mansyon kung kaya't imbis na bestida ang aking suot, ay sinuot ko ang araw-araw na kasuotan ng dating Despina, pantalon at vest.

Pagkalabas ko ng kuwarto ay tumingin-tingin ako sa paligid, at mukhang tulog pa ang halos lahat sapagkat walang tao ang nakikita o naririning ko. Labag man sa kalooban ay dinaanan ko lamang ang silid-aklatan na isang kuwarto lang pala ang layo sa akin at dumiretso sa labas.

'Pinagod pa ako ng todo tapos nasa malapit ka lang pala!? Grrrr.' naiinis na usal ko sa aking isipan habang nagkatingin sa pintuan ng silid-aklatan na dinaanan ko.

Nang maramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin na dumampi sa aking balat, ay malungkot akong napangiti. Hindi rin ganoon ka tagal nang gumising ako ng ganito kaaga.

Hindi ko na pinansin ang lamig at nagpatuloy sa paglalakad at pagtititingin sa paligid. Agad mong makikita ang isang napakalaking fountain sa oras na lalabas ka ng mansyon. Kapag pupunta ka sa kanang gilid, makikita mo doon ang naglalakihang puno at sa gitna noon ay ang kakaibang green house na iyon na siyang unang napuntahan ko ng hindi sinasadya.

Tumigil ako saglit at malalim na tiningnan ang tuktok ng green house na iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nasasagot ang tanong na tinanong ko kay Lily. 

Nang balakin kong bumalik doon nitong mga huling araw, ay agad na lalabas si Lily mula sa kawalan na mayroong kakaibang ngiti sa labi. Gagawa agad siya nang mga dahilan upang mawala ang aking atensyon sa green house, at mapalayo dito.

Hindi ko na muna babalakin pang magtungo roon, at baka hindi matuloy ang paglalakad ko kapag biglang nalamang lumabas si Lily. Tumalikod na ako sa naglalakihang puno at dahan-dahang naglakad paalis.

'But if ever faith becomes twisted and this family becomes poor, I can keep the diamonds from the vines!!' Tumango-tango pa ako habang iniisip ang gagawin upang makakuha ako kahit kaunti lang ng baging na namumulaklak ng diyamante at kung paano, at saan ito dapat na itago.

"What are you doing outside at 4 a.m in the morning, my lady?" Napatigil ako sa aking paglalakad nang mayroong nagsalita.








tamadsiakuma.♡

The Young Lady of SwertuanfelWhere stories live. Discover now