Chapter 2: Familiar Environment

3K 136 1
                                    

I suddenly woke up from the crash and explosion and found myself lying in a bed inside a room that is not mine

Hoppsan! Denna bild följer inte våra riktliner för innehåll. Försök att ta bort den eller ladda upp en annan bild för att fortsätta.

I suddenly woke up from the crash and explosion and found myself lying in a bed inside a room that is not mine. I vaguely remembered my dream with someone who proclaimed to be a messenger of the gods, and the message he bought from me.

'What time is it?'

My throat is dry, and a little water would really help me straighten up my line of thinking. I look at my left and fortunately, there was a water on the coffee table in the center of the room.

The brunette haired girl might've left that before leaving like I told her.

Medyo nanghihina man ay tumayo pa rin ako, at dahan-dahang nagtungo sa coffee table upang maka-inom nang tubig dahil talaga namang napaka tuyo ng aking lalamunan at tila ba, isang taon akong hindi umiinom ng tubig at may nakabara roon na hindi ko alam.

Halos nakalahati ko ang tubig sa pitchel bago ko napagdesisyonang tama na. Tila ba nabuhayan ako at nabalik ang siglang kanina ay wala sa akin.

Matapos ang ilang minuto ay inilibot ko ang aking paningin sa loob ng kuwarto at napansing, halos ang lahat ng kagamitan sa loob ay gawa sa mga mamahaling materyales. Mayroon ding isang malaking istante sa kanang gilid ng kuwarto ngunit mabibilang lamang sa kamay ang nakapaloob na libro.

'It's simple. All you have to do, is to help Duke Pouvoir win the upcoming war, three years from now.'

Sumakit bigla ang aking ulo ng mayroong pumasok na isang impormasyon dito at tila ba parang umalingawngaw pa ito sa aking isipan.

Imbis na ulo ang aking hawakan ay napayakap ako sa aking sarili sapagkat muling bumalik ang takot at kaba ko nang  bumalik sa akin ang pinag-usapan namin ni Mr. Johnson sa aking panaginip.

"Bakit ako pa!? I don't want to go to war! Wala akong experience sa mga ganyan," natatakot na lintaya ko sa kawalan at napabuntong hiningang umupo sa sopa na malapit sa coffee table.

'Yes I know how to use different kinds of weapons, but war!? No Way! But I definitely don't have any choice but to do it, since going to hell is not an option.'

Agad akong tumayo at nagtungo sa istante ng mga libro at kinuha ang walong libro na nandoon at dinala sa malaking kama na hinigaan ko upang doon ito basahin.

Napagdesisyonan ko na hindi lamang tumunganga dito at magsimulang manglikom ng mga impormasyon patungkol sa bagong buhay na sa akin ay ibinigay.

°°°

Lumipas ang dalawang oras at tuluyan ko ng natapos basahin ang mga nilalaman sa mga libro at talaga namang ikinagulat ko ang mga impormasyong nabasa ko.

"Hindi ito earth!? Bakit? Bakiiiiiiit?" naiiyak na tanong ko sa isang libro at talaga namang nagdadasal na sana ay sagutin ako nito na mukhang hindi naman ata imposible base sa mga nabasa ko.

Ako ngayon ay naninirahan sa emperyong tinatawag nilang Rowan na itinatag noong Julyo 30, Emperyong Taong 01 ng unang emperador na si Glacious Gregorio Rowan. At hindi katulad sa earth, ang mundong ito ay nagtataglay nang mana o kapangyarihan kung kaya't pati ang mga nilalang sa mundong ito ay biniyayaan din ng kapangyarihan.

"So possibleng mayroon din ang katawang ito!?" sabik na tanong ko habang nakatingin sa aking mga palad at tila ba mayroong hinahanap doon.

Nabasa ko rin ang patungkol sa kung paano gumamit nang kapangyarihan at kung ano-ano ang mga ito. Base sa itsura ng partikular na libro na iyon, tila ba palagi iyong ginagamit at binabasa ng nagmamay-ari dahil sa mga sira-sira at marka ng mga kamay sa libro.

"I gained information, but this is not enough," usal ko sa kawalan bago kinuha ang mga libro at ibinalik ng maayos sa istante. Isa sa mga paborito kong gawin sa dati kong buhay ay ang magbasa, kung kaya medyo nalulungkot akong makitang tanging walong libro lamang ang nilalaman ng isang malaki at magarang istanteng ito.

Pumasok ako sa isang pintuang katabi nito at bumungad sa akin ang isang malaking kuwarto na puno ng mga kasoutan, sapatos, at mga alahas.

"Teka, gaano ba kayaman ang pamilya ng katawang ito?" nalululang tanong ko habang patuloy pa rin ang pagtingin sa paligid. Halos puro bestida ang aking mga nakikita at maliit lamang na bahagi ang mayroong mga pantalon at mga kasoutang hindi bestida.

"Tila ba isang sina-unang panahon ang bagong mundong tinitirhan ko. A medieval era, huh," bulong ko sa kawalan habang naghahanap ng masusuot. Ngunit dahil nasanay na akong magsout ng bestida mula ng ako ay bata pa, hindi na ako nagulat sa tanawing ito.

Matapos makapili ng kasuotan ay sinuot ko na ito at nahihirapan man ay inayos ko na rin pati ang aking buhok bago dahan-dahang nagtungo sa pintuan na sa tingin ko ay papunta sa labas upang simulan ang paghahanap ng mga impormasyon, patungkol sa katauhan ng katawang pagmamay-ari ko na.

"Alam ni'yo ba ang dahilan kung bakit umuwing duguan si Lady Despina noong nakaraang araw?"

"Bakit?"

"Bakit?"

"Ssssssshhhhh hinaan ninyu ang inyong mga boses at baka mayroong makarinig!" Napatigil ako sa kalagitnaan ng aking paglalakad nang may marinig akong nag-uusap. Nagtago ako sa gilid at sinilip kong sino ang mga ito at nakitang mga tagapagsilbi lang pala.

"Nararapat lamang sa kaniya iyon!"

"Sino ba namang baliw ang ganun para lang makuha ang atensyon ng mahal na prensipe?"

"Siguro kulang lang talaga sa atensyon si Lady Despina. Hindi na siya nabibigyan pa ng oras at panahon ni Marquess Swertuanfel, maging ang mga kapatid nito ay wala na ring oras para sa kaniya."

"Kawawang Lady Despina. Wala na ngang ina, hindi pa nabibigyan ng atensyon ng ama at mga kapatid."

"Ano sa tingin ninyo ang inyong ginagawa!? Hindi pa oras para mag tsismisan! Bumalik kayo sa inyong mga trabaho!"

Ewan ko ba. Imbis na magalit sa mga pinagsasasabi ng mga tagapagsilbing iyon ay nakaramdam ako ng kalungkutan. Mula pa ng lumabas ako sa kuwartong iyon ay mayroon ng hindi maipaliwanag na lamig at kalungkutan akong nadarama. At ngayon alam ko na kung bakit.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at hinayaan na lamang ang paa na dalhin ako sa kung saan man ako nito gustong dalhin.

Chilly wind, quite corridor, big and extravagant rooms and high quality decors from every corner of this estate. What Mr. Johnson said about me and the former Despina being the exact opposite of each other isn't true at all.

We are the same. I was also part of a rich family in my past life. My mother died in an accident, and my father pour all of his time on his work that made him unable to go home. I was only a  child, and I don't have someone to play with since I was also forbidden to go out and make friends.

I was basically imprisoned my whole life in that big and extravagant house that everyone dreamt of having that I wish I didn't have. Because that house might be big, but it's quite, it was... empty and lonely.

Despina's life was the exact duplicate of mine from the past, that's why it was a familiar environment. An environment that I don't want to have.




tamadsiakuma.♡

The Young Lady of SwertuanfelDär berättelser lever. Upptäck nu