Chapter 23: Office Heat

1.7K 107 5
                                    

warning: mature contents ahead | R-18

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

warning: mature contents ahead | R-18.

DUMERETSO kami sa opisina ng Duke at sinabing doon daw kami mag-uusap para walang kahit na sino ang umistorbo sa amin. Hindi ko nakita ang kabuuan ng mansyon ng mga Poviour noong huling punta ko dito sapagkat gabi na at na sa ibang bagay ang aking atensyon.

Nakita ko ang daanan papunta sa banquet hall na siyang dinaosan ng salo-salo noong welcoming banquet para sa Duke ng Poviour. Hindi naman doon ang aming punta kung kaya't dinaanan lamang namin ito't nagtungo sa kaniyang opisina.

"Have a seat," alok ni Duke Poviour sa akin pagkapasok namin sa kaniyang opisina. Ang mga pasilyo ng mansyon ay puno ng mga mamahalin at iba't ibang ornaminto na hindi naman nakakagulat sapagkat mayaman naman ang mga Poviour.

Mula sa mga nabasa kong mga romance novel noon sa dati kong buhay kung saan napaka-engrande ang bahay ng bidang lalaki pero pagdating sa kanilang mga opisina ay napaka simple lang nito at hindi ganoon ka-engrande. Iyon din ang inaasahan ko na maging opisina ng Duke, na magiging simple lamang ito kumpara sa buong mansyon ngunit nagkakamali ako.

"Your office is... shining," komento ko pagkapasok ko sa opisina ni Duke Poviuor. Hindi nalalayo ang desinyo ng kaniyang opisina sa kabuuang desinyo ng buong mansyon. Napuno rin ng mga mamahaling ornamento ang kaniyang opisina, maging ang kaniyang malaking estante ay kumikinang at makikita mo talagang mamahalin ito, ikinasaya naman ng puso kong makita hindi lamang ito basta desinyo lamang at puno talaga ito ng mga libro.

"I get that compliment, a lot." Lumapit naman ito sa akin pagkatapos masarado ang pintuan. Tumayo siya sa aking harapan at madiin na ako'y tiningnan. Tinaasan ko naman ito ng kilay at binigyan ng isang nagtatanong na ekspresyon.

"I can't believe you're that girl," bulong niya. Agad namang namula ang aking mukha dahil sa kaniyang ibinulong sapagkat agad na pumasok sa aking isipan ang nangyari noong gabi ng kaniyang welcoming banquet.

"What do you mean, Your Grace?" pagmaang-maangan ko. Tumingin ako sa ibang dereksyon upang patahanin ang kumakabog kong puso't namumula kong mukha. Nais kong kainin na lamang ako ng lupa sa oras na ito para maka-alis sa madiin na tingin ng Duke na ito.

"You don't remember what happen that night?" He asked, and I nod.

"I don't know what you actually mean, Your Grace. I'm with my family all the time, we even went home early that day," pag-ra-rason ko. Medyo kumakalma na ang pagtibok ng aking puso at mukhang hindi na rin namumula ang aking mukha kung kaya't napahinga ako ng maluwag.

"Then, let me help you remember it," bulong niya at walang pasabing hinawakan ang aking baba at pinaharap sa kaniya bago niya inangkin ang aking labi.

Nanlaki ang aking mga mata at mabilis na tinulak ang Duke, ngunit imbis na mapalayo sa aking katawan ay hinigit niya ako't idiniin sa kaniyang katawan pagkatapos ay kinagat niya pa ang aking pang-ibabang labi na naging dahilan ng pagbuka ng aking bibig na agad niya namang pinasok gamit ang kaniyang dila.

The Young Lady of SwertuanfelWhere stories live. Discover now