Chapter 3: Green House

2.6K 119 2
                                    

Tumingin ako mula kanan hanggang kaliwa upang siguraduhing walang nilalang ang makakita sa akin, sapagkat nakakahiya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tumingin ako mula kanan hanggang kaliwa upang siguraduhing walang nilalang ang makakita sa akin, sapagkat nakakahiya. Wala pa naman akong kilala sa bahay na ito, o maging sa mundong kinagagalawan ko ngayon.

Dahan-dahan ang aking paglalakad at sobrang ingat pa nito habang tinitingnan ang aking paligid, pilit hinahanap kung saan naroroon ang private library ng bahay na ito. Bumalik na ako sa katinuan matapos ang ilang walang dereksyong lakad ay kalungkutan.

"My Lady!" Napa-igtad ako nang bigla nalamang mayroong sumigaw mula sa likod ko. Muling nadagdagan ang namumuong kaba sa aking dibdib at dahan-dahang lumingon sa aking likuran.

'Ano ba ang dapat kung gawin para tuluyan ng mawala ang takot ko sa mga taong hindi ko kilala at sa mga bagay na bago sa akin!?'

Isang batang lalaki na nakasuot ng kasuotang pang mayordomo at naka-yuko ito. Ng makita ko itong naka-yuko at nagpipigil ng hininga ay nataranta ako at nais itong lapitan ngunit natatakot ako sa hindi malamang dahilan.

'Tatakbo ba ako at iwan ang batang ito? O susuntukin siya bago umalis para hindi niya makita ang mukha ko!? Waaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhh!'

Minuto ang lumipas bago ko napagdesisyonang bumuntong hininga at magsalita. "You can rise. I'm sorry, what's your name again?" tanong ko sa kaniya, pilit itinatago ang nararamdamang kaba.

Tumayo ito ng tuwid at tumingin sa aking mukha, iniiwasan ang aking mata at lumunok pa bago tuluyang sagutin ang aking katanungan.

"I am Buns, training to be a butler of the marquessate, my lady!" masiglang sagot nito sa akin ngunit alam kong kinakabahan ang batang ito base sa kaniyang tindig, postora, boses at ekspresyon.

Bata pa ito, at nagsasanay palamang ang batang ito na maging isang mayordomo kung kaya't hindi pa siya matagal sa mansyon. Ayos lang kaya kung siya nalang ang aking tatanungin at pagkuhanan ng mga impormasyon?

"Could you please bring me some tea and sweets in the library?" tanong ko sa kaniya at pasimpleng tumingin sa aking paligid, hinahanap pa rin ang daan papuntang library.

"Of course! I'll get you some my lady!" mabilis na sagot nito at akma na sanang aalis nang tawagin ko siya kung kaya't tumigil ito.

"W-Where is the library?" medyo nahihiyang tanong ko sa kaniya na mukhang hindi niya napansin kung kaya't walang pinagbago sa kaniyang ekspresyon, natatakot pa rin.

"I'm sorry, I seem to have lost my memories and don't know stuffs," pagdadahilan ko nang hindi agad ito nakasagot. Nanlaki ang kaniyang mata at humarap sa akin ng tuwid bago yumuko.

"Pasensya na po! Na sa second floor po ang Library, ikatlong pinto pakanan!" malakas na sagot nito sa akin bago mabilis na tumakbo papaalis ng hindi tumitingin sa akin.

"W-ait!" tawag ko pero hindi na niya narinig. Ano ang problema ng batang iyon? Mayroon bang ginawa si Despina sa kaniya para umakto siyang ganoon?

Bumuntong hininga nalamang ako at pinagpasyahan na magtungo sa ikalawang palapag ng bahay upang magtungo sa silid-aklatan upang manguha ng mga impormasyon.

Hindi ko alam ang pasikot-sikot ng lugar na ito, ngunit base sa aking kaunting memorya simula ng gumising ako sa bahay na ito, ang second floor ay kung nasaan ang aking kuwarto. Kinalailangan ko lamang bumalik sa aking pinanggalingan. Ngunit bakit nasa labas ako?

Isang malaking  green house na napapalibutan ng naglalakihan din na mga punong kahoy ang na sa aking harapan at kahit kinakabahan na naman ako ay nagtungo ako palapit sa green house.

Mayroong sementadong daan na ginawa papunta sa green house para siguro hindi ka mawala dahil sa mga naglalakihang puno sa paligid. Ako ay namangha ng sobra sapagkat nang malampasan ko na ang naglalakihang mga puno na talaga namang napakarami, ay bumungad sa akin ang isang green house na pinalilibutan ng mga baging. Ngunit hindi lamang isang ordinaryong baging ang gumagapang sa green house, kung hindi isang baging na namumulaklak ng diyamante!

Napatakbo ako papunta doon upang suriin kung totoo nga ba na diyamante ang mga ito at talaga namang nanlaki ang aking mata ng maramdaman ko ang bigat nito.

'Hala! Totoo talaga ito!?'

"My Lady!" muli akong napa-igtad ng mayroong babaeng sumigaw nang malakas mula sa aking likuran kung kaya't napatingin ako dito.

Isang babae na nakasuot ng maid uniform ang tumatakbo papunta sa aking kina-tatayuan, at base sa brunette nitong buhok ay nakakasiguro akong ito ang babaeng una kong nakita magmula ng buksan ko ang aking mga mata.

Mayroon itong ngiti sa mukha habang nakatingin sa akin ng makarating siya sa aking harapan.

"I knew you'd be here, My Lady," nakangiting usal nito sa akin at tumingin sa green house. Hindi man lang ba siya nagtataka kung paanong namumulaklak ang isang baging ng diyamante!?

"What do you want?" kinakabahang tanong ko sa kaniya pero sa tingin ko ay natatago ko pa sapagkat hindi nagbago ang nakangiting ekspresyon niya ng tumingin siya sa akin.

"The Marquess is inviting you to lunch," masayang turan nito at mukhang mas nasasabik pa ang babaeng ito na kumain akong kasama ang aking ama.

Tiningnan ko siya ng deretso sa mata bago siya binigyan ng isang tango at tinuro ang daan upang siya'y manguna at dalhin ako sa hapagkainan sapagkat, hindi ko alam kung saan ito makikita o matatagpuan.

Mukhang nakuha naman nito ang ibig kong sabihin sapagkat yumuko siya sa akin bago tumalikod at naunang maglakad. Tumingin muna akong muli sa green house at sa pintuan nito na mayroong kandado bago sumunod sa babaeng tagapagsilbi.

"Maayos na po ba ang inyong pakiramdam, my lady?" tanong nito sa akin na ikinagulat ko. Tumango ako ng mabilis kahit hindi niya nakikita at sumagot.

"Yes, I'm fine. Thank you for asking," sagot ko at muli na namang nakaramdam ng kaba sapagkat hindi ko alam ang kaniyang pangalan, at base sa kaniyang pakikitungo at ekspresyon kapag kausap ako, ay mukhang malapit sila ng dating Despina.

And what's really bugging me is the fact that I feel restless over what I saw from a while back. Paanong namumulaklak ang isang baging ng diyamante? Talaga bang totoo iyon? Hindi ba talaga imposible ang bagay na iyon kahit na fantasy world pa ito? At bakit nakakandado ang pintuan ng green house? Bakit hindi nakikita ang loob nito? Bakit tainted glass ang kanilang ginamit? Ano ang meron sa loob? At bakit ako nakaramdam ng kalungkutan ng makita ko ang green house na iyon?

"My Lady? My Lady? My Lady?"

Nabalik ako sa ulirat ng nakaramdam ako ng isang tapik sa aking balikat at nakita ang babaeng mayroong brunette na buhok sa aking tabi at mayroong nag-aalalang ekspresyon.

"What?" takang tanong ko na ikina-iling nito.

"Wala po, tinawag ko po kasi kayo, ngunit hindi ka po sumagot. Siguro mayroon kang malalim na iniisip. Maaari mo ba na sabihin sa akin?" mayroong malungkot na ngiting tanong nito na mas lalong ikinataka ko at nadagdagan na naman ang aking kaba.

'Should I tell her? No! Johnson said I shouldn't. What should I do? I'm really curious!'

"I'm sorry, but I seem to have lost my memories. I don't know you, or anyone," sagot ko sa kaniya ng hindi tumitingin sa kaniya at straight lamang ang tingin sa daan.

Bigla itong tumigil at humarap sa akin.

"So that was it. Then allow me to introduce myself, my lady." nakangiting usal niya. Ngunit nagtaka ako dahil sa kaniyang sinabi, 'So that was it?'. What does she mean?

"I am Lily Harbenger. A girl from the slums of Cartegal, and your personal maid," magalang na pagpapakilala nito at yumuko sa aking harapan.

"Nice to meet you, Lily. May I ask you something?" Deretsong tanong ko sa kaniya na tinanguan naman niya pagkatapos niyang tumayo ng maayos at binigyan ako ng tingin.

"Why is the Green House, locked?"





tamadsiakuma. ♡

The Young Lady of SwertuanfelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon