Chapter 13: Astonishingly Blue

2.1K 110 6
                                    

warning: matured content ahead, read at your own risk

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

warning: matured content ahead, read at your own risk.

SAMPUNG minuto na ang lumilipas, ngunit hindi pa rin nagsasalita ang lalaking kaharap ko ngayon. Mukhang malalim ang iniisip nito sapagkat nakatutok lamang ang kaniyang tingin sa sahig.

Napabuntong hininga naman ako at nais nang umalis upang magtungo sa pagkain sapagkat talagang nagugutom na ako, ngunit hindi ko naman magawang umalis at iwan ang lalaking ito sapagkat magiging bastos ako no'n.

"Alright, let me introduce myself. I am, Peros Kennedy Voltair. Second son of the current duke of the south, Peterson Voltair. I am one of your two closest friend," magalang na pagpapaki-lala niya at yumuko pa sa aking harapan na mabilis ko namang pinigilan. Hindi magiging maganda tingnan na ang anak ng isa sa tatlong makapangyarihang pamilya sa emperyo ay yumuyuko sa isang dalagitang nagmula sa mababang estado kumpara sa kaniya.

"Nice to meet you again, Lord Peros," magalang na bati ko pabalik sa kaniya. Mayroon itong ekspresyon sa mukha na hindi ko mawari kung ano.

Magsasalita na sana ako nang inanunsyo na ang pagdating ng mga magulang ng kasalukuyang Duke, sina Mr. at Mrs Poviour. Mula sa napakalaking pintuang tila ay gawa sa ginto, ay lumabas dito ang isang mag-asawang mukhang na sa kanilang kabataan pa.

Ang babae ay mayroong pilak na buhok na tila ba parang bituin sa kalangitan, sapagkat kumikislap ito. Ang kaniyang kutis ay napakaputi, at wala kang makikitang kahit anong bahid ng kulubot dito. Maging ang kaniyang mukha ay tila ba isang babaeng kakatungtong palamang sa kaniyang ika-18 na anyos. Ang kaniyang kulay kayumanggi niyang mga mata ay talagang napakaganda.

Ang kasama naman nitong lalaki ay mayroong kulay asul na buhok at ang kaniyang kulay asul ding mga mata ay napakalamig at naglalabas ito ng isang aurang nagpapaalam na hindi mo dapat ito banggain. Ang kaniyang kulay kayumangging balat ang siyang lalong nagpalabas ng kaniyang kakisigan, at kaguwapuhan habang hawak-hawak ang kamay ng asawa pababa.

Marami ang lumapit sa mag-asawa nang tuluyan na itong makababa at binabati ng mga mabulaklak na salita, pinupuri ang itsurang kanilang taglay.

Tumingin ako sa bawat gilid, maging sa malaking pintuan na pinasukan ng mag-asawang Poviour. Bakit tanging ang mag-asawa lamang ang dumating, gayong hindi naman para sa kanila ang salo-salo na ito.

'Nasaan si Duke Pouvoir?' nagtatakang tanong ko sa aking isipan. Bakit Wala siya dito gayong para sa kaniya ang pasasalong ito? Nandito ang halos lahat ng kawal na kaniyang kasama mula sa nangyaring digmaan.

Dumating din ang ikatlong prinsepe, na siyang representante ng royal family, sapagkat ang hari at reyna maging ang crown prince, ay hindi makakadalo sa pagsasalo.

Kaniya-kaniya naman kaming tinawag ni Lord Peros ng aming mga pamilya kung kaya't nagpaalam kami sa isa't Isa bago naghiwalay ng landas.

Agad naman akong bumati sa aking pamilya nang makarating ako sa kanilang harapan.

The Young Lady of SwertuanfelDove le storie prendono vita. Scoprilo ora