Chapter 11: Welcome Banquet

2K 99 9
                                    

"MY LADY! My Lady! Lady Despina! Please wake up!" Binuksan ko ang aking mga mata at hinanap ang nagmamay-ari ng boses na kanina pa iniistorbo ang aking masarap na tulog.

Ayaw ko pang bumangon sapagkat panigurado ay napaka-aga pa, at sobrang late na akong nakatulog kagabi dahil sa biyahe. Kung kaya't sobrang inaantok pa ako.

"Please my lady, you need to get ready," nagmamakaawang usal ni Lily sa akin at mahinang niyugyog ang aking balikat.

Ayaw ko pa talagang bumangon, ngunit dahil pinipilit ako ng babaetang ito, ay bumangon na lamang ako at palihim na humikab.

"What is so important, that you need to wake me up, Lily?" I lazily asked and stretched my arms up.

"Tonight is the welcome banquet, you need to get ready," she answered. I can't help but give her an irritated look because of what she just said. Ngunit hindi man lang nagbago ang kaniyang ekspresyon.

"It's too early for that, Lily," I mumbled and was about to get back to sleep when she stopped me.

"It's already 12 p.m, My Lady." Mabilis akong na-upong muli at nanlalaking mga matang tumingin sa kaniya. She can'tbe serious about that, can't she?

I looked outside of the window and hurriedly went inside the bathroom where the bath is already prepared when I realized how high the sun is already.

"YOU SHOULD HAVE WAKEN ME UP A LITTLE BIT EARLY THAN THIS, LILY!" I shouted. The bathroom door opened and Lily went inside.

"I did, but you wouldn't budge, my lady." Lumapit siya sa akin and sat behind me and started to scrub my back. Gustong-gusto ko pang manatili sa bathtub na ito, but I need to hurry or I'll be in big trouble.

After cleaning myself, Lily helped me wore my dress and other preparation before deciding to head out. The twins and the rude brother of mine is already at the dining hall, having some tea and cookies before leaving for the welcome banquet.

With a growling stomach, I decided to go to the dining hall to join them to fill my tummy even with just a little food and eat until I'm full at the banquet later where delicious food is guaranteed.

"Ate Pin!" Lily raised her hand to grab my attention even though they already have it since they are the only ones inside.

"Well, look who's here," usal ni Benedict at binigyan ako nang isang ngisi ng maka-upo na ako sa upuang kaharap niya.

"You looked unpleasant, wearing a dress," komento pa nito at tiningnan ang aking suot na bestida. Hindi ko pa rin siya pinansin at sumubo ng cookies sapagkat nagugutom na talaga ako.

"Bitch," Tinigil ko ang aking pag nguya ng cookies at kinuha ang isang baso ng gatas bago tumingin kay Benedict gamit ang aking malamig na tingin. I saw him flinch from my cold stare which made me smirked.

"You kept on looking at my dress, Benedict. Are you perhaps, jealous?" malamig na tanong ko sa kaniyang bago tumayo at dahan-dahang naglakad papunta sa kaniya.

"HA! Are you mocking me Despina?" naiinis na tanong nito sa akin. Umiling ako sa kaniyang tanong at tumigil ng makarating na ako sa kaniyang gilid. Hinawakan ko ang kaniyang upuan at gamit ang aking lakas, ay pinaharap ko ito sa akin.

"I was asking, and it seems like I'm right. You want me to help you get changed?" tanong ko at dahan-dahang nilapit ang aking mukha sa kaniyang mukha. Inatras niya naman ito sa akin.

Itinaas ko ang isang baso ng gatas upang makita niya bago ko nilayo ang aking ulo at uminom. Nang maka-inom na ako ay binigyan ko siya ng isang ngisi bago tinapon ang gatas sa kaniyang harapan.

"Are you out if your mind, how dare you!?" malakas na sigaw nito at mabilis na umalis sa kaniyang kina-uupuan. Akala niya siguro ay sa kaniya ko talaga itatapon ang gatas, ngunit dahil isa akong mabait na nilalang, I just spilled it in front of him just for his shiny black shoes to get a little wet and not his entire clothes.

"Pathetic," I whispered, just enough for him to hear. Inilagay ko sa mesa ang walang lamang baso at naglakad papunta sa kaniya.

"You look so pathetic," bulong ko sa kaniyang tenga bago tinapik ang kaniyang balikat. Kinurot ko rin ito ngunit siniguro kong hindi makita ng kambal upang bigyan siya ng kaunting sakit. He flinched, but cannot actually shout or hurt me because of the twin.

Binigyan niya ako ng isang galit na tingin habang hawak-hawak ang kaniyang balikat na madiin kong kinurot.I smirked at him.

"I can give you more than that, dear brother. It wouldn't hurt to call me sister, bastard." Naglakad ako papunta sa kambal na nasa likod lang namin at hinawakan ang kamay ni Lala. Hindi ko hinawakan ang kamay ni Lulu sapagkat paniguradong ayaw rin naman nitong hawakan ko siya.

"The carriage is ready, we don't want to be late for the banquet. Right, Benedict?" matamis kong tanong kay Benedict na binibigyan ako ngayon ng isang nakakamatay na tingin.

Binigyan ko siya ng isang ngiti bago lumabas habang hawak-hawak ang kamay ni Lala at hawak naman nito ang kamay ni Lulu. Pagkalabas pa lamang namin ng mansyon ay mayroon na ngang isang malaki at engrandeng carriage na naghihintay sa labas.

Inalalayan naman ng coachman ang kambal na pumasok sa loob at sumunod naman ako. Hinintay namin si Benedict na pumasok at ilang minuto lamang ay pumasok naman siya.

Siguro ay natagalan ito sapagkat pinahiran niya pa ang natapong gatas sa kaniyang sapatos na sinadya ko naman. Napak-ingay ng kambal habang nasa biyahe kami at hindi matigil sa pag-uusap habang nakatingin sa labas ng bintana, mukhang sabik na sabik na makakilala ng bagong nilalang.

Si Benedict naman ay mayroong ekspresyon na akala mo mayroong galit sa mundo na palagi niya namang suot at hindi kailanman tumingin sa akin.

'Its a good thing that he is behaving, I would've punch him right away if he started shouting and bad mouthing me.'

Moments later, the carriage stopped and the door opened. An attendant helped me in getting out of the carriage because Benedict isn't a gentleman to me and only helped the twin.

'Annoying bastard!'

"Please follow me to the banquet hall," magalang na lintaya ng attendant at yumuko pa sa amin bago tumalikod at naglakad papasok sa napakalaking mansyon.

'Mas malaki pa ito kumpara sa mansyon ng Marquess,' namamanghang usal ko sa aking isipan nang makita ko ang bahay ng isa sa may pinakamataas na rango sa emperyo.

Habang naglalakad papunta sa banquet hall ay hindi matigil ang aking mata sa pagtingin-tingin sa paligid. Hindi mo talaga maipagkakaila kung gaano kayaman ang pamilyang Poviour na siyang nanguguna sa natatanging tatlong ducal family sa emperyo sapagkat halos purong ginto ang mga makikita sa hallway na nilalakaran namin ngayon.

'Mapapansin ba nila kung may mawala kahit na isa?' nagtatakang tanong ko habang nakatingin sa mga ornamentong naka-display lang sa gilid.

Hindi nagtagal ay tumigil kami sa harap ng isang malaki at engrandeng pintuan na sa tingin ko ay papunta siya sa banquet hall.

Binuksan ito ng attendant at pumasok sa loob na sinundan naman namin. Maski isa sa amin ay hindi alam ang pasikot-kisot ng lugar na ito sapagkat hindi pa naman kami nakakapunta dito, lalo na ako na wala pang dalawang linggo sa katawang ito.

"This is the banquet hall, please enjoy the welcome banquet." Yumuko ang attendant sa amin nang makarating na kami sa harap ng nakabukas na pinto ng banquet hall bago umalis.

'So this is the banquet hall, huh? Well,I better find some food first,'

"Watch the twins, Benedict. If something happen to them, you're dead," utos ko sa kaniya na mayroong nagbabantang boses bago tumalikod at pumasok sa banquet hall.





tamadsiakuma.♡

The Young Lady of SwertuanfelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon