Chapter 4: Swertuanfel Family

2.5K 112 9
                                    

BINIGYAN lamang ako nang isang ngiting hindi ko matukoy kung ano o para saan habang nakatingin sa akin si Lily nang matagal.

"I'll let you, uncover that secret.. on your own. Let's go my lady, the marquess is waiting," nakangiting usal niya bago tumalikod at dahan-dahang naglakad paalis.

'What was that!? Why did she leave me hanging!? Curious akoooooo eeeeeeeeeh!'

Malungkot at naiinis akong naglakad pasunod sa kaniya upang hindi maiwan at baka ako ay mawala na naman sa loob ng mansyon na ito.

Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman kanina. Nang makalapit ako sa green house ay nakuha agad nang aking atensyon ang mga baging na namumulaklak ng diyamante kung kaya't hindi ko naramdaman ang kakaibang klaseng enerhiya na nagmula sa loob ng green house. Mayroong lungkot na biglang namuo simula nang dumating si Lily.

'Kung bakit ayaw pa kasing sabihin eh? Kaya ko nga sinabi ang kasinungalingan na iyon na totoo naman since wala naman talaga akong memorya ukol sa bago ko na buhay, ay para tanungin siya kung ano ang meron sa green house na iyon! Pero bakit? Bakiiiiiiiiit!?'

"We have arrived, my lady." anunsyo ni Lily na dahilan nang pagtingin ko sa kaniya at sa malaking pintuang katabi niya.

Halos kalahating oras din ang nilakad namin upang makarating lamang sa dining hall na ito na napaka-layo. Tumango ako sa kaniya bago binuksan ang malaking pintuan upang pumasok sa loob.

Behind this door, lies the new family I'll be having, as Despina. I hope they're not as mean as I'm imagining it.

Nang tuluyan ko nang buksan ang pintuan at bumungad sa akin ang isang liwanag na nagmumula siguro sa labas kung kaya't medyo napapikit ako pero agad naman itong nawala kung kaya't, pumasok na ako sa loob.

Bumungad sa akin pagpasok ko ang isang katamtamang laki na kuwarto na talaga namang ikinagulat ko. Hindi ko inakala na ang loob pala ng malaking pintuang ito, ay isang katamtamang laki na kuwarto at kaunting palamuti't mga kumikinang na bagay.

Sa gitna ng kuwarto makikita ang isang hapagkainan na kasya ang isang buong pamilya na mayroong walong myembro. At sa hapagkainan na iyon, ukupado ang lahat ng upuan maliban sa dalawa.

"We have arrived, Your Grace," bati ni Lily sa kanila upang makuha ang atensyon ng mga ito na ikinawagi naman ni Lily sapagkat ang lahat ay napatingin sa aming gawi.

"Ate Piiiiiiiiiin! Lulu, ate Pin is here!"

"I can see that, Lala. I'm not blind."

Hindi ko alam kong bakit ngunit hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon nang lahat habang ang mga ito ay nakatingin sa akin.

"I have arrive. Thank you for inviting me," magalang na bati ko at binigyan sila nang kaunting yuko.

"We have been waiting for you, Ate Piiiiin!" bigla tumakbo ang isang maliit na batang babae papunta sa akin na ikinabalik nang aking kaba. Dahil sa malakas nitong sigaw ay napa-atras ako ng hindi ko sinadya.

"Stop it, Lala." usal nang isang maliit na batang lalaking kamukha nang batang babaeng hanggang ngayon ay tumatakbo pa rin papunta sa akin ngunit gulat na napatigil dahil sa isinigaw nang batang lalaki na sa tingin ko ang kakambal niya?

Dahil sa walang sabing pagtigil ng batang babae sa kaniyang pagtakbo ay natisod siya nang sarili niyang mga paa at matutumba na sana, mabuti nalamang ay nakatakbo ako ng mabilis upang saluhin siya.

"Be careful," kinakabahang usal ko sa kaniya ng nakatayo na siya ng maayos.

"Are you okay Lala? Are you hurt!?" nag-aalalang tanong ng batang lalaki sa kaniya at tiningnan kung mayroon bang sugat ang batang babae.

The Young Lady of SwertuanfelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon