Chapter 6: Swordsmanship

2.1K 119 1
                                    

Natigil ako sa aking paglalakad at muli, nanumbalik na naman ang kaba sa aking dibdib nang mayroong nagsasalitang pader sa aking harapan na nabangga ko.

Humakbang ako nang dalawang hakbang palayo sa nagsasalitang pader bago dahan-dahang tinaas ang ulo upang makita ang mukha ng nagsasalita.

"I'm asking you, my lady. Why are outside?" malalim na noses na tanong niya sa akin. Tumaas ang mga balahibo ko dahil sa kaniyang boses. Napaka-lalim at lalaking-lalaki talaga nito.

Malakas ang kabong ng dibdib, sumagot ako. "Taking a walk." Tumingin ako sa kaniyang mata kahit na kinakabahan ako para lang ipakitang hindi ako takot sa kaniya.

"You. What are you doing here?" balik na tanong ko sa kaniya.

Ang pader na nakabangga ko kanina ay isa palang lalaki na mayroong malaking katawan at malalim na boses. Nakasuot ito ng normal na kasuotan ng isang kawal at ang mukha nito ay mayroong begote. Marami. Mukhang nasa katanghaliang gulang na ang lalaking ito.

"Knight training my lady," nakakunot ang noo na sagot siya sa akin. Kumislap ang aking mga mata at napalitan ng pananabik ang kaninang kaba na nadarama ng marinig ko ang sagot niya.

"Knight training, huh? Lead the way," nananabik na lintaya ko pero hindi ko masiyadong pinahahalata at baka ano pa ang maisip ng lalaking ito.

"You wanna see us, train?" tanong niya ngunit tanging tango lamang ang aking sinagot at hindi na nagsalita pa at baka mapaghalataan na nito ang kasabikang nadarama.

Tiningnan pa ako nito ng matagal, sinisiguro kung seryoso ba talaga ako bago nagpakawala ng hininga at tumalikod.

"Follow me," usal niya at nagsimulang maglakad.

Halos kalahating oras ang nilakad namin bago kami makarating sa training ground. Sa loob ng training ground ay maayroon kang makikitang mga batang naka-upo at humihikab pa. Nakasuot din ang mga ito ng knight uniform, siguro mga knight in training o knight na talaga ng pamilya.

"Captain napaka-aga pa eh!!" reklamo ng isa habang hawak-hawak ang isang espadang kahoy at patuloy na humihikab.

"Malapit na mag ala singko ng umaga. Pomosisyon na kayo. Magmadali!" malakas na sigaw ng kasama kong lalaki kung kaya ay nagulantang kaming lahat at dali-dali namang nagsitayuan at pomosisyon ang mga inaantok pa na mga bata.

'Nakikisimpatya ako sa inyu. Alam na alam ko ang pakiramdam na iyan.'

"My lady. These line are our knight in training, and these are our knights," gumilid ang kinikilalang captain ng lahat at tinuro sa akin ang tatlong linya na nasa kanan at sunod naman ang dalawa na nasa kaliwa.

"I'll be watching from the side. Good luck," masayang usal ko bago tingnan ang nagbubulungang mga knights and knights wannabe. Gulat at nagtataka siguro na makita akong naririto.

Hindi ba pumupunta rito ang dating Despina? Siguro naman ay marunong gumamit ng espada si Despina sapagkat gumagamit siya ng baseball bat eh.

Naglakad ako papunta sa gilid kung saan mayroong upuan at umupo doon. Mabuti na lamang at malinis ang upuan kung kaya ay hindi ako nag dalawang isip na umupo rito.

"Roll Call!" malakas na sigaw ng captain at ngayon may dala ng notebook. Attendance siguro.

At tama nga ako. Pagkatapos isigaw iyon ng captain, ay sunod-sunod na ang kaniyang pagtawag ng iba't ibang pangalan.

Nagsimula na akong mainip sapagkat napakatagal matapos ng pag-a-attendance nang mga ito. Gusto ko na silang makitang iwinawasiwas ang kanilang mga espada, kahit na kahoy lamang iyon.

Tumingin-tingin ako sa paligid at tumayo upang kunin ang espadang kahoy na nakita ko. Nang mahawakan ko na ang espadang kahoy, biglang bumalik sa akin ang masarap na pakiramdam na matagal ko nang hindi naramdaman. Ipinagpasalamat ko na pantalon ang aking sinuot at hindi bestida kung kaya ay makakapaglaro ako.

Hinawakan ko ng mahigpit ang espadang kahoy gamit ang aking dalawang kamay. Mula sa parte ng hinahawakan kong espadang kahoy, iginalaw ko ang aking mga paa, pinakiramdaman ang lupang kina-tatayuan ko.

Ipinikit ko ang aking mga mata kasabay ng pagnamnam ko sa mabigat at magaspang na espadang kahoy na hawak ko. Biglang pumasok sa aking isipan ang mga panahong pinahirapan ako ng aking guro dahil hindi ko makuha-kuha ang tamang pagwaiwas ng espada.

Nang buksan ko ang aking mga mata ay agad na gumalaw ang aking mga kamay at sumabay naman ang aking mga paa. Bawat pagwasiwas at pag-hiwa sa hangin ay iniisip ko ang mga memorya ko at mga pinag-dadaanan noon sa aking dating buhay.

Kung paano ako nagkasugat dahil sa maling pagwasiwas ng espada. Kung paano ako natumba dahil sa maling tindig na aking ginawa. Kung paano ko nilinisan ang kuwartong aming pinagsasanayan dahil iyon ay aking parusa. Kung paano ako pinagalitan ng aking ama dahil sa gabi na akong nakakauwi. Kung paano ako umiyak at tumawa dahil sa pagkabigo at pagkapanalo sa bawat kompetisyong sinalihan ko.

Isa ang espada sa mga naging sandalan ko sa tuwing pakiramdam ko ay tinalikuran ako ng mundo.

Gamit ang buong lakas ko ay binuhos ko ito sa huling atake ko at pinuntirya iyon sa isang puno ng mansanas na nasa kalayuan.

"Hoo! That's refreshing," masayang kumento ko nang magawa ko na ang huling atake na iyon.

Ngunit tila ba para akong binuhusan ng malamig na tubig at muling nakaramdam ng kaba sa aking dibdib ng makarinig ako ng isang ingay, at wala ng iba.

Naninigas man at kinakabahan ay dahan-dahan akong humarap at tiningnan ang mga namamanghang mukha at naglalakihang mga mata ng mga kawal habang nakatingin sa akin. Mayroon pang nakabukas ang mga bibig dahil sa matinding gulat.

"Is your training done?" may kabang tanong ko sa kanila. Ang kaninang nanlalaking mga mata ay mas lalo pang lumaki at mabilis na tumayo ng maayos ng mapagtanto ng mga itong nakatingin na ako sa kanila.

"My lady," agad akong napatingin sa captain na katulad ng iba ay mayroon ding gulat na expresyon sa mukha habang nakatingin sa akin.

Itinaas ko ang hawak kong espadang kahoy at ibinigay sa kaniya. "Sorry for using it without your consent. I was… bored," paghingi ko ng paumanhin habang nakatingin sa kaniyang mata.

Hindi agad kinuha ng captain sa aking mga kamay aang tinaas kong espadang kahoy at mukhang prenoseso pa ang aking sinabi. Nang makaramdam na ako ng kaunting pamamanhid sa kamay ay tumikhim ako at mukhang napansin din niya ito kung kaya ay agad niyang kinuha ang espada.

"Thank you," pagpapasalamat ko at hinilot ang aking palapulsohan.

"You were amazing. Where did you learn that kind of swordsmanship?" namamanghang tanong niya sa akin ngunit ang mata ay nasa espadang kinuha niya sa aking kamay.

"Well, who knows?" sagot ko sa kaniya bago siya tinalikuran at bumalik sa aking upuan upang tingnan ang mga batang kawal na nagsasanay. Kahit na medyo nahihiya ako't kinakabahan dahil sa nangyari kanina.

'I practiced. Day and Night. Sunny and Rainy. With determination and hard work, I manage to perfect every swordsmanship of every swords master back in my past life.'

"Good thing I didn't lost my touch," masayang bulong ko habang nakatingin sa haring araw na unti-unti nang lumalabas.







tamadsiakuma.♡

The Young Lady of SwertuanfelWhere stories live. Discover now