Chapter 8: They hate me

2.1K 102 2
                                    

Sa kalagitnaan nang pagtuturo ko ng arnis sa kambal ay biglang dumating si Buns. Ipinaalam sa akin na pinapatawag ako ni Marquess Swertuanfel sa kaniyang opisina.

Kung kaya't agad akong nagpaalam sa kambal, at sinabing sa susunod ko nalang ipagpapatuloy ang pagtuturo sa kanila. Nais pa na sumama sa akin si Lala sapagkat iniisip niyang kasalanan nila kung bakit ako pinatawag, dahil sa dahilang tinuruan ko sila nang arnis na siyang ipinagbabawal ng Marquess.

Hindi ko na pinakinggan pa ang pagsisisigaw ni Lala at pagpipilit nito kay Lulu na samahan siya sapagkat tinalikuran ko na ang mga ito at agad na nagtungo sa opisina ng Marquess.

"Hindi ka na po ba magbibihis, my lady?" Napatingin ako sa aking kasuotan nang magtanong si Buns na nakasunod sa aking likuran.

"No," agad na sagot ko at binalik ang mga mata sa daan papunta sa opisina ng Marquess, malalim na iniisip ang dahilan kung bakit ako nito pinatawag.

"My Lord, you called for me?" lintaya ko sa likod nang pinto pagkatapos kong kumatok.

"Yes, come in," sagot niya kung kaya't huminga muna ako nang malalim bago tuluyang buksan ang pintuan at pumasok sa loob.

"You're dismissed Buns, thank you." Yumuko ang maliit na si Buns sa harapan ng Marquess at agad na lumabas nang opisina, leaving me and the Marquess alone.

"You held a sword?" Napatingin ako sa kaniya nang magtanong ito at agad na tumango. "Well, that's new. Anyhow, do you know why I called you?" muling tanong niya na inilingan ko.

"It's now your turn to patrol in the village." Nangunot ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi. Patrolling? The daughter of the Marquess, doing patrols? Really?

"Is that so? Will I be bringing someone with me, your grace?" magalang na tanong ko.

"Ah yes, Captain Kristoff will accompany you."

"Then if It would be okay with you, I'll shall take my leave to start patrolling," magalang na usal ko nang hindi tumitingin sa kaniya.

"Y-Yes. Yes you may."

"Thank you, your grace," pagpapasalamat ko at agad na yumuko sa kaniyang harapan bago tumalikod at lumabas sa kaniyang opisina.

"When did you get so cold, but so alive, Despina?" The Marquess murmured something under his breath before I closed the door. I heard it, but I don't know what's the appropriate answer for that.

'I'm… cold? Is it because this is not how the past Despina act? Is he going to execute me!? For stealing his daughters body!? Kinakabahan na naman ako!'

"What did Father told you?" muntik na akong matumba dahil sa gulat nang bigla nalamang mayroong nagsalita sa gilid pagkalabas ko sa opisina ng Marquess.

Pinapakalma ko ang aking sarili sapagkat pakiramdam ko ay aatakehin ako sa puso dahil sa sobrang kaba na kasalukuyang nararamdaman ko. Agad akong tumayo nang tuwid at tumingin sa nagsalita kanina nang hindi pa rin kumakalma, sapagkat kinakabahan pa rin ako nang sobra!

"Am I obliged to tell you that?" tanong ko sa lalaking kaharap ko ngayon. Ang kaniyang malumanay na ekspresyon ay napalitan ng pagtataka at napa kunot ang noo.

Sa loob ng isang linggo kong pamamalagi sa tahanang ito, ngayon ko lamang muling nakita ang lalaking ito. He really looked like the young version of the Marquess. Heinrich Troy Swertuanfel, the eldest son of Marquess Swertuanfel. He is part of the ministry of magic which resides in the tower located in the northern part of the kingdom thus, he can't come home very often.

"Pfft! AHAHAHAHAHAHA!" Napa-atras ako sa aking kinatatayuan ng bigla nalamang tumawa ng malakas si Heinrich na nagpadagdag sa aking kaba.

Hindi niya ba nagustuhan ang aking sagot at naiinis na sa akin? Ganoon naman iyon diba? Kapag naiinis ang isang tao ay tumatawa ito ng malakas bago gawing seryoso ang mukha at pagbabantaan ako.

Nais kong umalis at tumakbo papalayo sa lalaking ito ngunit hindi ko magawa sapagkat baka tuluyan na talaga ako nitong patayin kapag hindi ako nito nakita pagkatapos niyang tunawa.

"You really changed, huh? Good for you, sister," nakangiting usal niya pagkatapos nang kaniyang mahabang tawa at tumayo ng maayos habang nakatingin sa akin.

"I didn't changed," I retorted. He gave me a smile before tapping my shoulder light.

"I just came here to see you, and everyone. I'll be going to the tower tomorrow, just sharing." Naglakad ito at nagtungo sa pintuan ng opisina ng marquess, dinaanan ako.

"Well, if you're not leaving early in the morning, let's have some tea, shall we?" usal ko bago dahan-dahang tumingin sa kaniya at nakita ang nanlalaki niyang mga mata at nakabukas na bibig.

"It's still up to you though if you wanna come, goodbye," mabilis na pagpaalam ko at nagtungo agad sa training ground upang hanapin si Captain Kristoff.

"Captain Kristoff!" tawag ko sa kaniya nang makita ko ito mula sa malayo. Hindi na ako dumeretso pa sa training ground sapagkat medyo napapagod na ako.

Nang lumapit si Captain Kristoff ay agad kaming umalis papunta sa village na pinamumunuan ng Swertuanfel family upang magpatrol.

Hindi naman ganoon kalayo ang village sa mansyon kung kaya't mabilis kaming nakarating doon.

'Siguro dito ko na mahahanap ang aking magiging unang kaibigan!!!' kinikilig na sigaw ko sa aking isipan nang marinig ko ang ingay ng mga mamamayan. Magkakaroon na ako ng kaibigan! Yiiiiiiiiiiiiieeeeeeeee!

Ngunit ang kaninang maingay na mamayan ay bigla nalamang tumahimik nang makita kami't nagsimulang magbulungan.

"Anong meron, Captain Kristoff?" nagtatakang tanong ko kay Captain Kristoff sa pabulong na paraan, ngunit inilingan lamang ako nito. Nagtataka man ay hinayaan ko nalamang siya at pina-tigil ang sinasakyan kong kabayo bumaba.

"No! Don't my lad—"

Naputol ang dapat na sasabihin ni Captain Kristoff sa akin ng mayroon kaming marinig na isang sigaw at lumabas ang isang babaeng may dala-dalang kahoy at may galit na ekspresyon mula sa pundok ng mga tao at tumakbo papunta sa akin.

I was about to greet her when she suddenly shouted at me and aim the wood she's holding to me. If I don't have some good reflexes and fast reaction time, that wood would've landed on my head.

"What are you doing!? It's a crime to attempt murder to the Lady of Swertuanfel!" malakas na sigaw ni Captain Kristoff sa lahat bago nagmadaling lumapit sa akin.

"If we attempt murder to her it's a crime! But if she attempt murder to us, it's fine!? You should just all die!" malakas at galit na sigaw ng babaeng sumugod sa akin kanina habang umiiyak.

Tumingin naman ako sa paligid at nakita ang galit na mga ekspresyon ng mga mamamayan. Napakunot ang aking noo dahil sa nakikita.

'Are they mad at Despina? What did this girl do to them?'

Inalalayan ako ni Captain Kristoff na sumakay muli sa aking kabayo bago siya sumakay sa kaniya at sinimulan na namin ang pagpapatrol.

Hindi ko pa rin lubos na matanggap ang nakita ko kanina. Mayroong galit ang mga tao dito sa akin. Paano na ako magkakaroon ng kaibigan nito kung lahat sila, galit sa akin?





tamadsiakuma.♡

The Young Lady of SwertuanfelWhere stories live. Discover now