Chapter 27: Will He?

1.5K 82 4
                                    

"HOW DOES it feel?" Natigil ang lahat sa kanilang pagsasalita at napatingin kay Prinsesa Beatrice na bigla nalamang nagtanong

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"HOW DOES it feel?" Natigil ang lahat sa kanilang pagsasalita at napatingin kay Prinsesa Beatrice na bigla nalamang nagtanong. Hindi ko gusto ang ganitong mga pagsasalo sapagkat palagi akong kinakabahan sa mga mangyayari sa hinaharap lalo na at mga makapangyarihang tao ang mga kasama ko ngayon.

"Princess Beatrice," pagtawag ng Emperador sa Prinsesa na hanggang ngayon ay mayroong malaking ngiti sa labi habang nakatingin sa akin.

Inilipat naman nito ang kaniyang paningin sa kaniyang Ama. "I'm just curious, Your Majesty. We never heard of her after the incident. It somewhat, worried me," mahinahong saad niya sa kaniyang Ama bago ibinalik sa akin ang kaniyang paningin.

"So, Lady Swertuanfel. How does it feel?" muling tanong niya sa akin. Inilagay ko ang aking tasa ng tsaa sa mesa bago ako tumingin ng deretso sa Prinsesa.

"About what exactly, Your Highness?" balik na tanong ko. Alam ko kung ano ang tinutukoy niya, ngunit mas magandang mag maang-maangan na lamang.

She laughed, "It's really true that you lost your memory, huh? Hahaha!" lintaya niya habang tumatawa. Ang iba ay tahimik lamang habang nakikinig, at wala atang balak na magsalita.

Princess Beatrice Rowan, the first born child of Emperor Matthias Kron Rowan the 18th Emperor of the great Rowan Empire.

Itinukod ko ang aking siko sa mesa at itiniklop ang mga kamay bago inilagay ang baba sa likuran ng aking kamay at seryosong nakatingin sa Prinsesa.

I don't know this girl. I don't know her and don't know what she might be thinking but I also don't feel any nervousness towards her. I am completely calm as if I already know her, but I don't.

"You're very well informed," komento ko. Natigilan naman siya ng saglit dahil sa aking sinabi ngunit bumalik din agad ang kaniyang matamis na ngiti na para sa akin ay may ibang ibig sabihin, o may lihim na mensahe.

"Why I should. You very like my brother, I ought to help him impress you by telling him about you, aren't I?" usal niya. Tumango naman ako sa kaniyang sinabi.

"I see. I'm very much grateful, Your Highness. Too bad, I won't be the Crown Princess anymore," sagot ko sa kaniya bago kinuha ang aking tasa at humigop ng tsaa.

"Huh? What do you mean?" nagtatakang tanong nito. Mabilis naman itong tumingin sa Emperador at Emperatris na kasalukuyang humihigop ng tsaa. Base sa kaniyang ipinapakitang ekspresyon at tono ng kaniyang boses, mukhang hindi nga niya alam.

"You didn't know? I thought the Emperor already informed the Royal Family seeing as you are here. Ah! Pardon my impudence, Your Highness," mabilis na paghingi ko ng paumanhin sa Emperador at iniyuko ang ulo sa kaniyang harapan.

"That's okay. I'm also at fault for not informing my family first," sagot ng Emperador sa akin bago ibinaba ang kaniyang tasa sa mesa. Tiningnan niya ang kaniyang pamilya, ako, at si Duke Poviour bago ngumiti ng malaki.

"I wanted to have lunch together, to congratulate the engagement of Lady Swertuanfel and Duke Poviuor," masayang anunsyo ng Emperador sa kaniyang pamilya.

"You are what? But Father—" Hindi naituloy ni Princess Beatrice ang kaniyang sasabihin sapagkat tinaas ng Emperador ang kaniyang kamay at binigyan siya ng seryosong tingin.

Mabilis namang umupo ulit si Prinsesa Beatrice at hinigop ang kaniyang tsaa. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ganito ang kaniyang inaasta, at wala rin akong intensyon na alamin.

"Your Majesty, would it be alright if I take a walk in your garden before lunch?" tanong ko sa Emperador. Napatingin naman ito sa akin at binigyan ako ng isang ngiti bago tumango.

"Of course you may. There is still a lot of time before lunch. I also need to attend an important meeting so please, help yourselves." Tumayo ito sa kaniyang kina-uupuan na mabilis naman naming sinunod at yumuko sa kaniyang harapan.

"Thank you, Your Majesty," pagpapasalamat ko. Kasama ang Emperatris at mga anak nito ay sabay silang umalis ng Green House at iniwan kami na siyang bisita ng mag-isa.

"Will you be alright on your own, Despina?" tanong ni Duke Poviour sa akin ng mawala na sa aming paningin ang royal family.

"I'm not a child," I answered. He just nodded at me and gave me a kiss on the cheek that totally took me off guard.

"What do you think your doing!?" galit na tanong ko sa kaniya. Nais kong sumigaw ngunit hindi ko magawa sapagkat maraming tagapagsilbi ang na sa paligid namin.

"Giving you a kiss?" patanong na sagot niya. Tinaasan ko siya ng kilay pero hindi man lang nagbago ang kaniyang ekspresyon.

Muli niya akong binigyan ng isang ngiti sa pisnge bago lumayo. Inayos niya ang kaniyang kasuotan na mayroong malaking ngiti sa labi bago tumingin sa akin.

"I'll be on my way, okay? I'll meet you at lunch," nakangiting paalam niya bago tumalikod at naglakad palabas ng greenhouse.

Hindi ko na alam kong ano ang dapat kong maramdaman kapag kasama at kaharap ko ang Duke na iyon. Hindi siya umaasta gaya ng inaakala kong iaasta niya sa aking harapan.

Umupo ako sa upuan na siyang inuupuan ko kanina at humigop ng tsaa. Lumapit naman si Buns sa akin, at tinanong ko ayos lang ba ako.

"I'm fine. Please ask the servants to leave me alone and just called me when it's time to eat lunch," utos ko kay Buns. Mabilis naman nitong ginagawa ang aking utos at maya-maya lamang ay nagsiyukiuan ang mga tagapagsilbi sa akin bago umalis.

"Ugh. What's the problem with that Princess Beatrice?" tanong ko kay Buns ng mawala na ang mga tagapagsilbi. Alam na nilang nawalan ako ng alaala pero hindi pa rin ako komportableng magtanong kay Buns habang may nakikinig.

"She's like that ever since, My Lady. She's the first child, but Prince Philip was given the titled Crown Prince. She often use you to her advantage and humiliate the Crown Prince," Buns explained.

Tumango-tango naman ako sa kaniyang sinabi. Then shouldn't she be joining hands with me to bring down the Crown Prince? She's not a very bright person, I see.

"Alright. Shall we roam around the garden?" tanong ko kay Buns matapos ang may kahabaang tahimik. Tumango naman ito sa akin at yumuko.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at nagtungo sa mga halaman na makikita mo sa loob ng greenhouse. There are a lot of different kind of flowers inside the greenhouse with different colors also, and all of them are diamonds!!

The Marquess' family aren't poor, they are rich actually. But think of all the wealth you'll get if you sell all of these diamonds!? You'll get billio—no trillions of money. You can even buy a kingdom with this kind of wealth.

"Buns. Will the King kill me if I stole half of the flowers in his greenhouse?" nagtatakang tanong ko kay Buns ng hindi tumitingin sa kaniya.

The Young Lady of SwertuanfelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon